Chapter 13: Love Nest 2

710 40 4
                                    


Alas singko na ng hapon nang lumabas ng kuwarto si Ellie. Kung siya ang masusunod, kahit siguro hindi na siya lumabas doon at magpalamon na lang sa lupa, okay lang. Kaya lang puputok na ang pantog niya. Pinagtiyagaan niya ang tinapay at tubig na kinain buong maghapon. At kung puwede nga lang siyang lumusot sa dingding patungo sa banyo, kanina pa niya ginawa. Kaya lang, hindi naman siya multo. Buhay na buhay siya at ihing-ihi na.

She slowly turned the knob of the small room. Dahan-dahan niya iyong hinila pabukas pagkatapos. Sumilip muna siya sa labas ng silid.

Wala ni anino ng kumag. Mabuti naman. Nagmamadali niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto at lumabas ng kuwarto. Halos takbuhin niya ang banyo. After answering the call of nature, babalik na sana siya ulit sa loob ng kuwarto at doon buburuhin ang sarili niya sa loob ng dalawang linggo kaya lang may babae siyang naabutan sa may kusina. Nasa tapat ito ng stove at nagluluto ng kung ano.

Nalukot ang mukha niya. Gano'n ba siya ka-ihing-ihi kanina at hindi niya napansin na may kasama siya sa bahay?

Nilingon siya ng babae. Sandaling rumehistro ang gulat sa maamong mukha nito nang makita siya. Subalit agad din ngumiti kapagkuwan, exposing a perfect set of white teeth.

"Hello!" umpisa nito, nakangiti. "Ikaw siguro 'yong kapatid ni Ivan."

Napakurap siya. Hindi siya na-inform na na-demote na pala siya from fake wife to fake sister real quick!

"H-ha? A-ano... oo. K-kapatid ko ang kumag este kapatid ko si Ivan," tarantang sagot niya.

Lalong lumawak ang pagkakangisi ng babae. Sandali nitong iniwan ang niluluto nito at lumapit sa kanya. Ito na rin mismo ang umabot ng kamay niya for a handshake.

"Ako nga pala si Kristina. Anak ako ni Mg Sofronio, ang katiwala dito sa farm. Malapit lang ang bahay namin dito sa inyo. Halos dalawang bukid lang ang layo," excited na pagpapakilala nito.

Alanganin siyang ngumiti. Mukha naman itong mabait kaya lang, hindi niya matapatan ang saya sa boses nito.

"E-Ellie. A-ako si Ellie."

Tumango-tango ang babae bago, "Sandali lang, ha? Baka kasi masunog 'yong niluluto ko." Mabilis itong bumalik sa tapat ng kalan at hinalo ang pansit bihon na niluluto nito. Maya-maya pa pinatay na nito ang kalan at binalikan siya.

"Sabi ni Tatay, galing daw kayong Pangasinan at pinsan ng pinsan ng kakilala ni Sir Trevor," pahayag ulit ng babae. "Naku, magugustuhan niyo rito. Mababait na ang mga tao, masisipag pa."

Alanganin siyang ngumiti.

Napasinghap naman ang kasuap. "Ay naku! Ano ba naman itong ginagawa ko? Nakapagluto na ako't lahat, hindi ko pa inaalok sa 'yo." Pumihit ito pabalik sa kusina. Kumuha ng plato at nilagyan iyon ng pansit na niluto nito. "Kain ka," ani Kristina bago inilapag sa lamesa ang plato ng pansit. "Naubusan kasi kami ng gas. E kalimitan kapag may bagong dating dito, nagpapaluto si Tatay ng pansit. Pang-welcome ba. Prinisinta ni Ivan itong kalan ninyo kaya dito na 'ko nagluto."

Kumurap lang siya bago tinitigan ang pansit. Agad na kumalam ang sikmura niya pagkakita sa pagkain. But she just can't eat anything being offered to her, can she?

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa kausap. "S-si K-kuya Ivan?" Medyo napangiwi siya. Calling Ivan kuya sounded weird.

"A, ipinasyal ni Tatay sa bukirin at manggahan para daw maging pamilyar kayo agad bukas kapag nagsimula na ang trabaho. Tamang-tama ang dating ninyo, malapit na ang anihan ng mga mangga at palay. Kasama kayo sa mabibigyan ng suplay ng bigas," dire-diretsong paliwanag ni Kristina bago naupo sa monobloc chair na nakaharap sa mesa.

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon