Chapter 29: A Dream Lost

728 40 25
                                    

Ellie was staring blankly at the windshield of Ivan's car. Doon sila humantong matapos siya nitong pakiusapan na mag-usap sila nang maayos. Naroon pa rin sila sa loob ng sementeryo kung saan nakalibing ang anak nila. Wala siyang planong makipag-usap nang matagal dito at hindi rin siya sasama rito kung saan nito gusto.

Ano, matapos siyang maging target ng unlimited na pang-iinsulto nito  nitong nakaraang mga araw, ngayon siya nito naisipang kausapin nang maayos? Magaling din ang kumag. Kung tinablan ba ng kunsensiya o kung ano pa mang rason, wala na siyang pakialam. Kung hindi lang siya nito pinilit-pilit kanina na mag-usap sila, hindi siya sasama rito sa loob ng kotse sasakyan nito.

She have had enough of him and of this life. 

Kung posible lang siguro na maglaho na lang siya, matagal na niyang ginawa. But life doesn't work that way. You have to endure everything, alive.

"How'd you find me?" mapakla niyang tanong kay Ivan, ang mga mata nasa harapan pa rin ng sasakyan. 

"That necklace I gave you, it's a tracker," anito, seryoso. 

Bumaling siya rito, hinawakan ang pendant ng kuwintas na suot niya. Mabilis niya iyong kinalas sa leeg niya bago inabot kay Ivan. "Sorry, nakalimutan kong ibalik," sabi niya, kaswal.

Bumaling si Ivan sa kanya, tumitig. "I'm not taking it back, Ellie." 

Kumibot ang labi niya, awtomatikong napuno ng inis ang dibdib niya. "I don't want to owe you anything!" matigas niyang sabi bago kinuha ang kamay nito at pilit isinuksok sa palad nito ang kuwintas. 

"Ellie--" Hinawakan nito ang kamay niya subalit mabilis niya iyong binawi. 

Isiniksik niya ang sarili sa pinto  ng kotse bago tuluyang humikbi at lumuha. She can't stand his presence more so his touch. Not at that point when she's trying to move on with her life... alone. Like it always has been. 

Humugot siya ng malalim na hininga bago mabilis na nagpunas ng luha. If she wants to get over this the quickest way possible, she must compose herself fast. Dahil kada minutong itinatagal niya sa kotse ni Ivan,nadudurog ang puso niya, nalilito ang isip niya.  Because Ivan is her torment and salvation.  Both her heaven and hell. 

"Did we... have a baby?" anito sa mahinang tinig. 

Napilitan siyang mag-angat ng tingin dito. Ivan was looking at her intently, his eyes full of many emotions she can't name. His jaw tightened and his hand was gripping hard on the steering wheel. It was as if he was waiting for judgement... a sentence he's ready to accept.

She swallowed the painful lump in her throat and nodded softly. She mustered all the strength she had left and tried to explain to him eveyrthing.  "I got pregnant after that night, Ivan. Hindi ko alam na naikasal tayo hanggang sa masilip iyon ng mga kamag-anak ko. Kasama sa last will and testament ni Lola na hindi ako puwedeng mag-asawa until I reach 21. But because we got married 3 months before my 21st birthday, nagkaroon ang mga kamag-anak ko ng dahilan para i-contest ang mga properties na minana ko. Ipinagtapat din nila sa akin na ampon ako at ni katiting wala akong karapatan sa mga kayamanan ng De Leon. Kasagsagan ng inheritance dispute nang malaman kong buntis ako." She paused as painful memories flooded her mind. Nag-angat siya ng tingin kay Ivan. "H-hinanap kita," pumiyok na siya, tumulo na rin ang luha. "Iniisip ko, kahit na hindi mo 'ko tanggapin, basta tatanggapin mo ang anak natin, okay na sa 'kin. Because I've got no one to turn to, Ivan. I've got no family. I was alone. Ayokong mangyari 'yon sa anak ko. Kung puwede ko siyang bigyan ng tatay, gagawin ko.  K-kaya lang hindi kita mahanap. Nawala ka na lang bigla."

 Natutop na niya ang bibig niya at impit na humikbi. Naalala niya ang mga panahong pabalik-balik siya sa bahay ni Ivan, sa address na nakasulat sa marriage certificate nila. She was hoping that he'd turn up one day at mag-uusap sila. Nang matapos ang first trimester ng pagbubuntis niya at wala pa rin siyang balita kay Ivan, tinanggap na niya sa sarili niya na papalakihin niyang mag-isa ang anak niya. 

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon