Chapter 25: One Night

651 42 14
                                    

3 years ago

Malakas ang kabog ng dibdib ni Ellie habang nakatayo siya sa harap ng isang bar. District 12, iyon ang nakasulat sa malaki at magarang panaflex ng bar. It sounded like the place where the heroine from a bestselling dystopian novel had come from. The woman who had defied all odds for survival, but still remained hopeful. 

Parang siya. Ang pinagkaiba lang nila, the odds seemed not to be in her favor. Always. 

Napabuntong-hininga siya. Today is supposed to be one of those momentous events of her life for finally, after all she had been through, she's now a college graduate. 

It would've been better if her parents are here. Pati na rin ang Lola niya. She's sure they'll celebrate with her. Kaya lang... 

Napayuko na siya sa puntong iyon. More than a year ago, namatay ang Lola niya dahil sa atake sa puso. It was sudden.  Then, just three months after that, tragedy strikes once again. Lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga magulang niya sa Alaminos and her parents drowned to death. 

And to make her life more miserable, her relatives, specifically the siblings of her father, were all accusing her of greed and manipulation, for her Lola willed to her and her father most of the family's properties. A thing she's not aware of. 

Mula noon namuhay siya nang mag-isa sa bahay ng mga magulang niya. Pinagsasalit-salitan niya ang oras sa pag-uwi sa kanila at pagmamantini ng ancestral house ng lola niya. Na napakahirap gawin dahil nag-aaral siya. But she had seen how her grandmother loved the old house, kaya naman sinikap niyang i-maintain iyon kahit na hindi iyon economical on her part.  Kahit na nahihirapan siya, ni minsan hindi siya humingi ng tulong sa mga kamag-anak niya. She was done hearing them call her names like malas, ganid, at papael.  Mabuti na lang may iniwang pera at insurance ang mga magulang niya. Subalit sapat lang 'yon pambayad ng tuition niya at bayad sa mga caretaker ng ancetral house. Kaya naman para mabuhay siya, she had tried online selling. Kung anu-ano ang ibinenta niya online-- anything that trends, she sells. From accessories to clothes, to even books, gadgets and food. Nasubukan niyang ibenta ang lahat ng mga 'yon. 

 Suki niya ang mgablockmates niya. At minsan, inaalok din niya ang mga clinical instructors nila at iba pang professors. At ni minsan hindi niya 'yon ikinahiya dahil alam niya, marangal siyang nagtatrabaho para sa sarili niya. 

At ngayong araw nga na ito, lahat ng pagsasakripisyo niya ay nagbunga na dahil sa wakas, grumaduate na siya ng kolehiyo.  

Mas doble siguro ang saya niya kung kapiling pa niya ang Mama at Papa niya maging ang Lola niya. Kaya lang, wala na sila. 

Wala sa sarili niyang tiningala ang langit at ngumiti. Walang humpay naman na nagkislapan ang mga bituin-- para siyang binabati. 

Today is the beginning of her new life. Kaninang tanghali, matapos ang graduation niya, imbes na mag-celebrate,  in-empake na niya ang mga mahahalagang gamit niya. At bitbit ang kauting ipon niya, naglakas-loob siyang lumuwas ng Maynila. Doon na niya kasi balak manirahan. Dahil  bukod sa magre-review siya para sa nursing board exam, ang purpose niya talaga ay para magkaroon siya ng peace of mind dahil ayaw siyang tantanan ng mga kamag-anak niya. Maya't-maya tumatawag ang mga ito at ginugulo siya-- gustong bawiin ng mga ito ang mga minana niya sa mga magulang at lola niya dahil hindi raw siya karapat-dapat. 

Kung anong ibig sabihin ng mga ito, malay niya. Nananalaytay lang talaga siguro ang purong kasakiman sa dugo ng mga kamag-anak niya. They said they will sue her.  Kung pagbabanta lang ba 'yon o totohanan, hinayaan na lang niya.  Mabuti pa nga na magharap-harap na lang silang magkakamag-anak  sa korte nang matapos na ang panggugulo ng mga ito sa kanya. 

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon