Wala sa sariling tinititigan ni Ellie ang pagkain na nasa kanyang harapan. It was lunch at puno ng tao ang canteen sa Angelicum Hospital. Dapat uuwi na siya e from her night shift. Kaya lang, natatakot siya na baka pag-uwi niya, hindi na naman siya makatulog agad. She had been like that since the other day when she received a phone call from Ivan's lawyer, informing her that she needs to have her own counsel para sa kaso nila ni Ivan.
Ivan.
That asshole! lihim niyang sambit, ikinuyom ang mga kamay.
Kung gaano ito ka-gago noon, mas gago pa ito ngayon. Kulang na lang isampal nito sa kanya minu-minuto na tinuloy nito ang panliligaw nito kay Dra. Joyce. Wala na nga 'ata itong ginawa kundi tumambay sa ospital at palagi niya itong nakikita roon. Ano, ipinagmamalaki nito na hindi siya kawalan dito dahil may mga babae itong naka-abang?
Napairap siya bago hinawakan ang mga kubryetos.
"Antipatiko!" gigil niyang sabi bago sinimulang kumain.
"May kaaway ka ba? Mula nang bumalik ka, lagi ka nang ganyan, Ellie," umpisa ni Brandy na kasama niya ngayong nanananghalian. "Magsabi ka lang, sasabunutan namin nina Jelaine at Gabbie," dugtong pa nito sa pagitan ng pagnguya.
Pasimple siyang bumuntong-hininga siya. "Hindi wala 'to. Pagod lang ako," tanggi niya. Hindi pa niya ikinukuwento sa mga ito ang tunay na pinagdaanan niya. Hindi rin naman nagtanong ang mga ito. Mukhang satisfied sa alibi ni Dr. Matt na kinailangan lang niyang magpagaling sa trauma ng muntikan niyang pagkakakidnap kaya siya nawala ng ilang linggo matapos ang suspension niya sa trabaho.
"Paano ka hindi mapapagod, e adik kang babae ka," si Jelaine, stressed na uminom sa lata ng mango juice nito. "Kulang na lang i-hoard mo ang lahat ng duty d'yan sa ER a," dugtong pa nito, kunsumido.
"Oo nga, Ellie. Hoarder ka, girl?" si Gabbie naman na nasa tabi niya, pasimple pang humagikgik bago sumubo ng kanin.
"Nagsalita ang hindi mahilig rumaket," ani Brandy bago umirap. Tinuro silang dalawa. "Kayong dalawa, matindi ba talaga ang mga pangangailangan ninyo at kung magtrabaho kayo parang kayo ang naatasang magbayad ng utang ng buong Pilipinas?"
Nanulis ang nguso ni Gabbie. "Ako, matindi talaga ang pangangailangan ko. Tatlo ang pinag-aaral ko tapos naggagamot din si Tatay. Valid itong pagka-adik ko sa raket. Ewan ko na lang dito kay Ellie," anito bago siya pasimpleng tinuro.
Pinilit niyang pumormal. "Wala lang akong magawa," sabi niya.
"Gaga ka ba? Hindi 'yan magandang hobby, 'no! Tignan mo eyebags mo, halatang maraming karga. Pang-world tour!" si Jelaine, kunsumido pa rin.
"Baka naman kasi may concert kaya may world tour," natatawang sabi ni Brandy, nakipag-apir pa kay Jelaine. Natawa na ang mga kaibigan niya. Aliw na aliw sa pang-ookray sa eyebags niya.
Hindi na lang siya sumagot at nag-concentrate sa pagkain. Maya-maya pa nakaramdam siya ng hilo. Binitiwan niya ang mga kutsara at tinidor, pumikit at sumandal sa upuan.
"O anong nangyari sa 'yo?" si Gabbie, bahagya pang hinagod ang likod niya.
Si Brandy ang sumagot para sa kanya. "Nahihilo ka, 'no? 'Yan, 'yan na nga ba ang sinasabi ko na bibigay din 'yang katawan mo sa puyat. Para sabihin ko sa 'yo Ellie, wala kang superpowers! Hindi ka si Darna. Dahil ako 'yon!" eksaheradang sabi ng bakla, humahagikgik pa.
Napilitan siyang magmulat ng mata. Pulang-pula ang pisngi ni Brandy habang tumatawa. Feel na feel ang pagiging Darna. Maya-maya pa inabutan siya ng bottled water ni Gabbie. Sumimsim siya ng tubig at nagpakalma.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...