Epilogue

1K 56 26
                                    

Madilim pa subalit kanina pa gising si Ellie. Ayaw niyang sabihin na namamahay siya pero parang gano'n na nga. Sa totoo lang, sila ni Ami ang namamahay. Patunay niyon ang ilang beses itong paggising sa magdamag. At kahit na anong gawin niya, ayaw nitong magpababa o mahiga sa kama. Kaya naman hanggang ngayon, pakandong pa rin itong natutulog habang naka-upo siya sa kama.

She looked at Ivan's sleeping form on the bed. Tulog na tulog ito at mahina pang humihilik. Her husband must be really tired. Gaya niya, halos hindi rin ito nakatulog sa pagliligalig ni Ami. But more than the sleepless night, alam niyang dahil din iyon sa pagod na naipon nitong nagdaang mga araw. Mula nang maka-uwi sila, lagi na itong abala. Palagi nga niya itong binibiro na daig pa nito si Ligaya, ang babaeng walang pahinga.

It has been a week mula nang makabalik sila ng Pilipinas. Dumiretso sila sa San Gabriel kung saan nakilala ni Ami ang mga pinsan nito kina Trevor at Sierra. But after that intimate wedding she and Ivan had in San Gabriel, sabi nito kailangan na nilang uwian ang bahay nila sa Tagaytay kaya naman ngayon, naroon sila. 

She unknowingly raised her finger and saw her wedding ring glistened under the faint light of the night lamp.

She's now officially, Mrs.  Elliana Marie De Leon- Sandoval. 

Eight months ago, mula nang bumalik sa buhay niya si Ivan, una nitong trinabaho ang pagpapawalang-bisa ng nauna nilang kasal. He said that Jacob Salazar had  seized to exist the very  moment his final mission was over. And so, he needs to make her and Ami a Sandoval. He even changed baby Angela's name into Sandoval. For he said that their baby angel needs to be recognized as a Sandoval too. 

Ivan was a good family man. He makes sure that she and Ami must come first above all else. He was a good provider too. Nang umuwi sila sa San Gabriel, noon lang niya nalaman na tuluyan na pala itong nag-invest ng additional machineries at technology sa mango farm. According to Trevor, si Ivan din daw ang nagpasimuno ng mango processing plant doon para na rin may additional income ang mga trabahador doon. Tuwang-tuwa tuloy sina Mg Sofronio and the rest of the gang.  All the products produced in the mango processing plant are being exported outside the country. Kaya naman unti-unti nang nakikilala ang brand nila sa iba't-ibang bahagi ng Asya.  Idagdag pa ang ilang water refilling franchises na iniwan nito noon sa pangangalaga ni Paul na kumikita pa rin hanggang ngayon.

She never knew that her husband had a knack in business. Hindi na rin siya talaga magtataka kung pagdating ng araw, tutukan na nito ang pagnenegsosyo gaya ng mga kaibigan nito at magtatayo na rin ng korporasyon.

Puwede! 

Ngayon siya naniniwala that it is never early or too late to still be the person you hoped to become. Dahil walang deadline ang mga pangarap. As long there is life and hope, a dream can still become a reality. 

Siya nga from a trauma nurse to a full-time mom. She and Ivan had talked about her working again. Pinakiusapan siya nito na kung puwede h'wag na siyang magtrabaho para sa peace of mind nito. And she understood what he meant. After everything that they had been through, she know now that choosing to raise a family with Ivan is her life's purpose. 

Pero kahit na hindi na siya nagtatrabaho ngayon, feeling niya, na-promote pa rin siya. Pangarap niya kasi talaga iyon, ang magkapamilya. 

Gumalaw si Ami sa mga bisig niya, lalong isiniksik ang sarili sa kanya. Mukhang wala talagang balak bumitiw ang anak niya. Napatanaw siya tuloy sa veranda. 

It's almost sunrise. And seeing the picturesque beauty of the sun trying to escape between the horizon made her step outside their room to catch that wonderful event unfolding right before her very eyes. 

Mahigpit niyang niyakap si Ami nang dumaan ang malamig na hangin habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. 

Maya-maya pa, nakaramdam siya ng pamilyar na pagyakap mula sa kanyang likuran. She was too engrossed with the wonder unfolding in front of her kaya hindi niya agad naramdaman ang paglapit ni Ivan. 

"Please don't tell me you're not thinking of going away again from me," anito bago humalik sa balikat niya. 

She chuckled. "Did I traumatize you?"

Natawa na rin ito. "Sort of. But I'm glad everything worked out well like you hoped," anito, muling humalik sa pisngi niya. "C'mon, ako na ang bubuhat kay Ami. Halos magdamag mo na siyang karga-karga," anito bago siya binitiwan. Maingat niyang ibinigay si Ami kay Ivan. Sandaling nagreklamo ang anak niya. But Ivan was quick to soothe their child to sleep once again. 

She turned her eyes to the sunrise and  watched the light slowly chase the darkness, as if paving the way  for the new hope it brings.

"Ivan," pukaw niya sa asawa maya-maya, ang mga mata nasa abot-tanaw pa rin.

"Hm?" 

"I tested yesterday."

"And?"

"It came out positive." Ngumiti siya bago bumaling sa asawa. Kumurap ito. Hindi nagsalita. Tumitig lang. Muntik na siyang matawa. Hindi niya sigurado kung naiintindihan ni Ivan ang sinasabi niya.

She tiptoed and gave her husband a gentle peck on the lips. "We're gonna have another baby, Ivan," diretsang pagbabalita niya rito. 

Sandali pa itong nanatiling walang kibo habang nakatitig sa kanya.  Few seconds more, his mouth slowly stretched into a grin that later on became a wide satisfied smile. 

Maingat siya nitong niyuko at binigyan ng halik sa labi. "You heard that, Ami. You're gonna be an Ate," pabulong na sabi nito bago magaang hinalikan ang ulo ni Ami. Inihele pa nito ang anak nila bago ito nagpaikot-ikot sa veranda while mouthing the word Yes! Junjun rocks! 

Natutop na niya ang bibig niya.  Ayaw niyang humalakhak pero papunta na talaga. Sigurado siya, kung hindi lang  buhat ni Ivan si Ami, baka kanina pa ito nag-victory dance.

 Nang magsawa ito sa pagsigaw-sigaw kunwari, muli siya nitong nilapitan. "We need to celebrate!" masayang sabi nito bago siya muling hinalikan sa labi. "Ano bang araw ngayon?" 

She smiled and clung her arms to his and looked at him lovingly. "Forever, Ivan. Today is forever."

Ivan smiled and gently reached for her face, his eyes mirroring the same happiness as her.  "You're right. Today and the next day and the day after next day, even the days after it, is forever. Our forever." 

Ellie smiled, as pure joy flooded her heart. 

Ivan reached for her lips once more. Sealing their own promise of forever for the many days to come.

-THE END-

1102words/ 3:39pm/07232021

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon