Chapter 34: Moments To Cherish 2

605 39 6
                                    


Naalimpungatan si Ellie na wala si Ivan sa tabi niya. Nag-aalangan man, bumangon siya sa kama at maingat na lumabas ng silid na tinutuluyan nilang mag-asawa. Napasulyap siya sa kuwarto ng Papa at nakiramdam. Wala naman siyang narinig na kung ano sa loob. And the silence gave her a signal that her father was indeed sleeping and taking his rest.

Kanina, pagkatapos nilang maghapunan, siya na ang umako na magligpit ng pinagkainan nila. Napansin niya kasi na namumutla ang Papa niya, nanginginig din ang mga kamay nito. At kahit na anong tanggi nito sa kanya kanina na ayos lang ito, hindi siya naniwala. She had been around sick people for a long time to know whether they are lying or not.

Matapos niyang mailigpit ang mga kalat sa kusina, she had a quick shower. She changed into a pajama set with the same print like Ivan. Kasama iyon sa ibinigay sa kanila na ilang pares ng mga damit ng Papa niya. Well, aside from the way his father took them there, nakakatuwa dahil pinaghandaan talaga ng Papa niya ang pagpunta nila doon ni Ivan. She finds the couple pajama set fun and  cute. But Ivan found it annoying. Hindi naman niya ito masisi because for someone who lives and breathes for guns and trouble, a mint green pajama printed with colorful candies and lollies wouldn't be much appealing, would it? 

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi nang  muntik na siyang mapahagikgik dahil sa naalala. Malalim na ang gabi at ayaw niyang magising ang Papa niya sa ginagawa niyang paglabas ngayon ng kuwarto. Baka mag-alala pa ito.

Maingat niyang tinanaw ang paligid. Ni anino ni Ivan hindi niya makita. Naglakas-loob tuloy siyang lumabas ng bahay upang hanapin ang asawa. Nasa pinto pa lang siya, sinalubong na siya ni Rambo. Itinaas nito ang nguso at ikinawag ang buntot bago lumapit sa kanya. She lightly patted the dog's head. 

"Nakita mo ba si Ivan, Rambo?" bulong niya habang patuloy na hinahagod ang likod ng aso. The dog made a small whine and rubbed its head on her leg. Mukhang wala itong interes sa sinabi niya. "Okay, dito ka lang kay Papa ha? Bantayan mo siya," aniya bago tumuwid ng tayo at naglakad patungo sa daang tinahak nila nang magpunta sila doon kanina. 

Ni wala siyang takot sa dibdib niya habang ginagawa iyon. Maybe because the place was so serene, with the waves from the nearby shore whispering calm to her ears. Plus, the moon is shining brightly, illuminating that sandy walkway she was walking on. 

Ilang sandali pa, nakarating din siya sa dalampasigan. Relief flooded her when she saw Ivan standing by the shore, looking at the sea and  its gentle silvery waves. 

"Ivan," tawag niya rito halos pabulong nang ilang hakbang na siya rito. 

Agad itong lumingon sa kanya, kunot ang noo. "Hey, bakit ka nandito? At saka, malamig. Hindi ka man lang kumuha ng jacket," saway nito sa kanya. 

Ngumisi siya, muling sinuyod ng tingin ang kabuuan ni Ivan. Hulmadong-hulmado sa katawan nito ang terno sleeping set. Bakit sa tshirt ang ma-muscle nitong dibdib. At tiyak na maiinggit ang puwitan ni Captain America sa hubog ng pang-upo ng asawa niya. Pakiramdam tuloy niya mas mukha itong pupunta sa gym kaysa sa higaan.

"Hello to you too, Mister-sexy-guy-in-candy-pajamas," natatawang bati niya rito. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito, nanulis din ang nguso.

Mahina siyang napahalakhak bago pilit na yumakap dito. Yumapos naman ito sa kanya. Tiningala niya ito.

"Masaya ka na niyan?" walang ganang tanong nito.

Bumungisngis na siya. "Naman. Ano bang kinakainis mo? Cute nga sa 'yo' yang pajama, terno pa tayo. At saka, you wouldn't want to disappoint Papa, 'di ba?" sabi niya nakangiti pa rin.

Plastik itong ngumiti. Humigpit ang yapos sa kanya saka bahagyang umirap. Sinarili na lang niya ang tawa at nanahimik.

Maya-maya pa, inaya siya nitong umupo sa buhanginan. They fell silent while watching the moon. Giving her a thought of the things that have happened that day.

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon