Singkit ang mga matang nagmulat si Ellie. Malakas na ang buhos ng sinag ng araw sa bintana kaya naman mabilis siyang bumaling sa maliit orasan na nasa bedside table.
Pasado alas-otso na ng umaga.
Halos pikit ang mga mata niyang kinapa ang tabi niya. Nang wala siyang makapa, pinuwersa niyang ibukas ang kanyang mga mata. Napabuntong-hininga siya pagkatapos. Siguradong kanina pa gising ang asawa niya.
Ivan has always been an early riser. Kung dala ba ng trabaho nito o habit, hindi rin niya sigurado.
Mabilis siyang nagpalit ng damit bago lumabas ng silid. She contained a gasp when she saw two unfamiliar people, a man and a woman, in her father's house. Actually, two and half, if one would include the little girl seated on the bamboo sala set silently playing with her doll.
Awtomatikong napako ang tingin ng mga ito sa kanya at ang mga mata niya rin sa mga ito. Sa ibang pagkakataon, baka nagtatakbo na siya. Given the track record of strangers in her life, she should've been running by now. Pero hindi niya magawang tumakbo. O mas tamang sabihin, kahit na weird pakinggan, she felt safe around these strangers infront of her. Unang nakabawi ang matandang babae may katabaan na sa tantiya niya ay matanda lang ng ilang taon sa edad ng Papa niya na 54.
"I-ikaw ba si Mizuki?" anito, alanganin pang sumulyap sa kasama nitong lalaki bago ibinalik ang tingin sa kanya. ""Kamukha mo kasi si Mario," dugtong pa nito.
Napakurap siya, pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. They know her father. At kung pagbabasehan niya ang sinabi ng Papa niya, that place is secluded. But given the fact that these people have access going there, hindi malabong mangyaring pinagkakatiwalaan ng Papa niya ang mga taong ito.
Marahan siyang tumango kapagkuwan, bilang sagot sa tanong ng babae. Nagliwanag agad ang mukha nito. Wala sa sariling inilapag sa mesa sa kusina ang mga bitbit nitong karton at ilang supot bago lumapit sa kanya. Sandali pa itong tumitig sa kanya bago tinutop ang bibig, maluha-luha.
Ang lalaking puno na ng puting buhok ang ulo at may kapayatan ang unang lumapit sa kanya. "Ako si Pedring at ito naman ang asawa kong si Maring." Bumaling ito sa batang babae. "Ito naman si Cheska, ang apo namin," pagpapakilala nito bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Mga kaibigan kami ni Mario," alanganing sabi nito bago nilingon ang asawa at sinenyasang lumapit. Tumalima naman ang matandang babae, nakatutok pa rin ang maluha-luhang mga mata sa kanya. Nang nasa harap na niya ito ay nagpunas ito mata at suminghot.
"H'wag mong iyakan ang bata, Maring. Baka lalong matakot sa atin," anang matandang lalaki, bahagya pang sinuko ang asawa nito. "Magpakilala ka," utos nito, pabulong.
Mabilis na nagpunas ng mukha ang matandang babae bago ngumiti. "Pasensiya ka na, Mizuki. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nandito ka na talaga. Naku, bakit ba hindi man lang nai-text ni Mario sa atin na nakabalik na si Mizuki."
"Kahapon lang po a-ako nakabalik," alanganing sagot niya.
"Gano'n ba? Mabuti naman kung gayon. Aba e saan ka ba kasi napadpad?" ani Mg Pedring.
Marahan itong siniko ni Aling Maring. "Ayusin mo nga ang mga tanong mo. Nakakahiya kay Mizuki," pabulong na saway nito sa asawa bago lalong pinalapad ang ngiti sa kanya. Pabulong din na sumagot si Mg Pedring bago bumaling sa kanya.
"Pasensiya ka na, Mizuki. Natutuwa lang talaga ako na nandito ka na. Matagal din hinintay ni Mario ang pagbabalik mo," anito. Sinegundahan naman ito ni Aling Maring na tumango-tango.
Ngumiti siya, gratitude flooded her heart. "Mukhang ako po dapat ang magpasalamat sa inyo dahil sa lahat po ng naitulong ninyo kay Papa."
"Naku, wala iyon," umpisa ni Aling Maring, nakangiti pa rin. "Teka, naghahanda na kasi Si Mg Pedring mo ng agahan. Kumakain ka ba ng jumping salad? Paborito kasi iyon ng Papa mo kaya 'yon ang hinahanda niya. Pero kung hindi mo gusto, puwede kitang ipagluto ng iba o kaya naman pagbukas ng de-lata. Tamang-tama at kaka-grocery lang namin," dugtong pa nito bago nagmamadaling bumalik sa kusina. Binuksan ang karton at inilabas doon ang ilang de-lata.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...