Chapter 21: New Life

671 43 19
                                    

Kabadong pinagmamasdan ni Ellie si Kristina habang umiinom ito ng tubig mula sa baso. Napilitan iyong isilbi ni Ivan dito dahil nanatiling tulala ang kaibigan ilang minuto matapos sila nitong mahuli ni Ivan na naghahalikan. 

"Ubusin mo ang tubig, Kristina," marahang utos ni Ivan sa kaibigan. 

Sumulyap lang si Kristina sa kanya at kay Ivan bago muling itinuloy ang pag-inom ng tubig sa baso. Nang maubos nito ang tubig nanginginig nitong ibinaba sa coffee table ang baso.  Nakaupo ito sa mahabang sofa na gawa sa kawayan. Habang sila naman ni Ivan, naka-upo rin paharap dito sa tig-isang monobloc. 

Panay ang kurap ni Kristina habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Ivan. Panay rin ang kibot ng mga labi nito. Parang may gustong sabihin kaya lang mukhang hindi alam kung paano mag-uumpisa.

"Hindi kami magkapatid ni Ellie, Kristina," ani Ivan maya-maya. Mabilis siyang sumulyap kay Ivan bago ibinalik ang tingin kay Kristina. 

Mukhang revelation time na nga.

"S-sorry," alanganing sabi niya nang tumitig si Kristina sa kanya. 

"E... e... magkaano-ano kayo? M-mag-asawa?" napapangiwing tanong ni Kristina. Sasagot na sana siya nang unahan siya ni Ivan. 

"Hindi. Hindi pa." Agad na kumabog ang dibdib niya sa isinagot nito. Mabilis siyang tumingin dito. Ngumiti lang ito, parang sure na sure. "Right, baby?" dugtong pa nito bago ginagap ang isang kamay niya. 

Agad siyang pinamulahan ng mukha. Sinubukan niyang magsalita at sagutin ito kaya lang bigla siyang napipi sa sinabi ni Ivan.

Ang sabi nito hindi pa. Ibig bang sabihin no'n, may plano itong pakasalan siya?

Napalunok siya. Bigla kasing nag-panic ang huwisyo niya. Mabuti na lang, biglang pumalakpak si Kristina.

"Ang sweet ninyo, kinikilig ako!" anito, kuntodo ngiti. "Ibig talagang sabihin, una pa lang wala na talagang panama ang ganda namin ni Tonia lalo na si Mercedes." Tumayo ito bago humalakhak. "Mabuti nga nang magtanda si Mercedes." Bumulong-bulong si Kristina pagkatapos. Nagpalakad-lakad pa sa harap nilang dalawa ni Ivan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito bukod sa manaka-nakang gigil na pagbanggit nito ng pangalan ni Mercedes. Maya-maya pa, humarap ito sa kanila, kunot ang noo at namaywang. "Sandali, e bakit kailangan ninyong magpanggap na magkapatid kayo?"

Muli silang nagkatinginan ni Ivan. Nag-usap ang kanilang mga mata. 

"Okay, you tell her in simple details," ani Ivan bago tumayo. Tumayo na rin siya. "I'll leave you two," anito, tipid na ngumiti, marahan pang pinisil ang kanyang kamay na hawak nito, humalik sa pisngi niya bago tumalikod at dumiretso sa kuwarto. 

Pagharap niya kay Kristina, pulang-pula na ang pisngi nito at parang namimilipit sa kilig. Lumapit ito sa kanya at marahang tinapik ang balikat niya. "'Yang ganda mo talaga, ibang-iba rin. Matagal na akong kinukutuban talaga sa inyong dalawa ni Ivan. Hindi ko lang masabi-sabi dahil baka pagalitan ako ni Tatay." 

Tipid siyang ngumiti. Bago inaya ang kaibigan na muling umupo. Ikinuwento niya rito nang pahapyaw ang buhay niya at kung bakit kailangan niyang magtago sa farm at magpanggap kasama si Ivan. 

"Ay, iba din pala ang buhay mo, Ellie. Pangteleserye," ani Kristina na pinapanood siya sa paghuhugas ng kaldero na nabitiwan nito kanina. Ginataang tulingan ang laman niyon kanina. Ipinabibigay daw ni Mg Sofronio sa kanilang dalaw ani Ivan. Sayang, sahig na lang ang nakatikim niyon. 

Kung sabagay kahit siya man, maeeskandalo kung siya ang makakakita sa kaharutan nila ni Ivan. 

"Hindi ka ba galit sa akin?" untag niya kay Kristina maya-maya. Nasa front door na sila. 

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon