"Yes, she's here," mapaklang sagot ni Ellie kay Paul na tumawag sa kanya upang tanungin kung may bumisita raw ba kay Ivan na matangkad at magandang babae na may highlights ang buhok.
Nagmura si Paul sa isinagot niya. Kung bakit, malay niya.
"That's my sister," ani Paul, nagmura ulit. "She overheard us talking about Ivan this morning. That brat! Make sure that she won't leave," anito sa gigil na tinig.
Hindi siya sumagot. Nilingon lang niya ang kama at pinagmasdana ang dalawang kasama niya sa kuwarto. Nakaupo na sa kama si Ivan habang pigil na nakikipaghagikgikan sa kapatid ni Paul.
Pairap niyang sinuyod ng tingin ang babae. Sa tantiya niya, halos kaedaran lang niya ito. Subalit mas mature tignan dahil matangkad ito. Bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan nito sa suot itong mini-skirt at blouse. Kung pagtatabihin sila, magmumukha itong beauty queen sa ganda at sexy nito at siya naman ay magmumukhang yaya. Yayang madilim ang kinabukasan.
Nanikwas ang nguso niya. Nangangain ng self-confidence ang babae kahit hindi siya inaano. Kung kasama niya si Brandy, tatawagin niya ang babaeng kasuklam-suklam na nilalang at hindi dapat tinatabihan.
Sinubuan ng babas ng grapes si Ivan mula sa fruit basket na dala nito bago bumulong nang kung ano sa tenga ni Ivan. Napangisi si Ivan sa ginawa ng babae. Tuwang-tuwa talaga ang kumag sa ginawa ng hitad! Hinapit pa sa beywang ang babae.
Lalong nalukot ang mukha niya. Not that she mind, pero ang mga lintek, parang wala siya doon a! Daig pa ng mga ito ang mga teenagers sa pagp-PDA!
"Ellie?" pukaw sa kanya ni Paul sa kabilang linya.
"H-ha? Andiyan ka pa pala..."
"Did my sister kiss Ivan?" mabilis na tanong nito.
Umirap siya ulit, humakbang patungo sa kitchen at wala sa sariling sumagot. "Malapit na silang makagawa ng bata. Kaya kung ako sa 'yo, bilis-bilisan--"
Hindi na niya naituloy pa ang sana'y sasabihin nang kusang putulin ni Paul ang tawag. Mukhang may bugbugang magaganap. At bakit gano'n? Hindi pa man, she's feeling satisfied.
"Who's that?" tanong ni Ivan sa kanya nang makabalik siya sa salas.
"Si Paul," kaswal niyang sagot bago bumaling sa mga ito.
Mabilis na nagkatinginan ang mga ito. Namumutla ang mukha ng babaeng ibinalik ang tingin sa kanya.
"You told him I'm here?" nagmamadaling tanong nito sa kanya.
Ngumiti siya, sarkastiko. "Yes. Papunta na raw siya."
Bigla itong nataranta. "I-I have to go," anito. Mabilis nitong pinulot ang mamahaling handbag nito bago muling lumapit kay Ivan. She kissed Ivan again on the lips, just a smack like the first time, before storming out of the hospital suite.
Napatingin siya kay Ivan. "That's fast. Hindi pa naman tapos ang visiting hours bakit nagmamadali naman 'ata 'yong girlfriend mo?" aniya, sarkastiko.
"She's not my girlfriend," mabilis na sagot ni Ivan bago muling inabot ang grapes sa side table. "Yvette is just... a very sweet friend."
Sweet friend? Meron ba no'n? Naghahalikan tapos friend lang. Siraulo 'tong babaerong kumag na 'to!
Napairap siya. "Sabihin mo 'yan sa three years old baka sakaling maniwala siya sa 'yo."
He chuckled. "She's flirty all right. We've made out pero hanggang do'n lang 'yon. I respect her and her brother."
Lalong rumolyo ang mga mata niya. "So, ilan na ang babaeng ka-MOMOL mo?" hindi niya napigilang tanungin ang nasa isip lang niya dapat. Napangiwi siya pagkatapos. Nagsalubong naman ang kilay ni Ivan.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...