Chapter 10: Hiding

706 41 4
                                    

"Sigurado kang kaya mo nang magmaneho?" nag-aalalang tanong ni Ellie kay Ivan.

"Please don't baby me, Ellie. Magaling na 'ko," ani Ivan bago tuluyang pinaandar ang Range Rover nito.

It's just a little over 10 in the morning at kaka-discharge lang nilang dalawa sa ospital pero heto sila sasabak agad sa mahabang biyahe. Ang sabi ni Ivan, halos walong oras daw ang biyahe papunta sa San Gabriel. Napabuntong-hininga siya.

Pakiramdam niya papunta siya sa biyahe na walang kasiguruhan. And Ivan, no matter how good-hearted he is, is still a stranger. How can she entrust her life with a stranger? And why is this stranger willing to risk his life for her?

Maya-maya pa, tumunog ang cellphone nito. Inilagay nito ang earpiece sa tenga nito at sinagot ang tawag.

"Matt? Yes, we're on our way. Why would I do that? No. Diretso kami sa farm. Still my answer is no. I'm driving. Mag-usap na lang tayo mamaya 'pag nasa San Gabriel na kami," anito Ivan bago tinapos ang tawag.

"S-si Dr. Matt 'yon?" alanganing tanong niya.

"Yeah. Gusto raw akong kausapin ng tatay niya."

"'Di ba, doktor din ang tatay ni Dr. Lavigne. I've seen him twice. Mukhang istrikto. Hindi rin ngumingiti," sabi niya bago ibinalik ang mata sa labas ng sasakyan.

"Dr. Andrew was a former protector, gaya ko," sabi ni Ivan, ang mga mata nasa daan.

Napasinghap siya. "S-so naging bodyguard din siya ng mga sosyal?" wala sa sarili niyang tanong.

Nitong nakaraang mga araw, nasabi na sa kanya ni Ivan ang tungkol sa pagiging protector nito. That he used to guard dignitaries around the globe. Hanggang doon lang ang sabi nito sa kanya. But the way she sees it, Ivan is still more than he says he is. Ramdam niya 'yon kahit na hindi nito sabihin sa kanya.

"Yeah. The Lavignes used to guard The Pope," kaswal na sabi nito.

Napasinghap siya. "E 'di parang banal na rin siya no'n," wala sa sariling sabi niya.

He chuckled, a sarcastic one. "Dr. Andrew is anything but holy."

Isang mahinang ah lang ang naisagot niya. Hindi na siya sumagot o nagtanong pa. Mukha kasing badtrip si Ivan kapag pinag-uusapan si Dr. Andrew Lavigne. Nagmamaneho pa naman ito.

"Wala ka bang music diyan?" aniya nang mabagot siya matapos ang isang oras.

Hindi ito umimik, he just pushed the button of the car audio. Maya-maya pa, pumailanlang sa buong sasakyan ang kantang Nothing's Gonna Stop Us.

Agad siyang pinamulahan ng pisngi. Pakiramdam niya kasi, themesong 'yon ng mga mag-jowang nagtatanan. At kahit na pigilin niya, ang utak niyang windang sa problema, hindi mapigilang isipin na para na rin silang nagtatanan ni Ivan sa gagawin nilang pagtatago ng ilang linggo!

Ayos lang naman sana 'yon kung wala siyang malisya. E ang kaso, mukhang nagkaka-crush na siya kay Ivan. Paano siyang hindi magkaka-crush dito? Kahit na judger ito noong umpisa ng kanilang pagkakakilala, dalawang beses siya itong iniligtas sa mga kaaway niya. Tapos inalagaan siya nito noong maospital siya kahit na iniinda rin nito ang sugat nito. Idagdag pa na naka'y Ivan na 'ata ang lahat ng features ng pambansang oppa.

At mortal lang siya at marunong humanga. Paano naman niya lalabanan ang karisma ng isang Ivan Sandoval?

Itinutok niya ang mga mata sa labas ng sasakyan, sa mga punong nadaraanan nila.

Pero nangako siya sa sarili na kung anumang espesyal na damdamin ang nararamdaman niya kay Ivan, hanggang doon na lang 'yon. Hindi na puwedeng mag-level up. As in never! Bawal.

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon