Chapter 17: On The Edge 2

671 40 8
                                    

Tahimik si Ellie habang chinicheck siya ni Dr. Andrew Lavigne. Hindi niya alam na ito pala ang doktor na tumingin sa kanya kahapon nang mawalan siya ng malay. Maamo ang mga mata ng doktor, gaya rin ng kay Dr. Matt. Kaya lang, ang overall look talaga nito strikto. 

Tumunog ang oximeter na nasa hintuturo niya. Nakisilip din siya result, normal ang oxygen level niya. Pati na rin ang BP niya kanina na nauna nang kinuha ng doktor, normal din. Sunod na chineck ni Dr. Andrew ang mga mata niya. 

"Good," anito, pabulong bago siya muling pinakatitigan. "You work at Angelicum?" 

Napakurap siya at mabilis na sumulyap kay Ivan na nakatayo sa paanan ng kama, nakatingin din sa kanya. Bahagya itong tumango, as if urging her to answer the question. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa doktor at marahang tumango. 

"You look familiar. Sa ER ka?" tanong pa ulit ng doktor habang inaayos nito ang mga gamit nito sa dala nitong bag. 

"Y-yes, Doc," aniya. 

Tumango-tango ang doktor, bago tuluyang tumayo mula sa kama bitbit ang bag nito. "Kilala mo siguro ang anak ko." Mabilis siyang tumango. Pero ang doktor, tumitig lang sa kanya, bahagya pang naningkit ang mga mata, tila may inaalala. "I don't forget faces easily, Ms. De Leon. I swear I have seen you somewhere else," sabi pa ng doktor, pabulong tila wala sa sarili. 

"Tito..." pukaw ni Ivan kay Dr. Andrew maya-maya.

Agad na natauhan ang doktor at bumaling kay Ivan. "Your ward's okay now, Ivan. Kailangan na lang niyang maubos itong suero, hindi na ako magrereseta pa ng bago. Kailangan din niya ng mas maraming pahinga pa para maka-recover siya nang husto." Bumaling ulit sa kanya ang doktor. "Okay ba sa 'yo na ikaw na lang ang magtanggal ng suero mo? I can send someone this afternoon to--"

"Okay lang po, Doc. A-ako na lang po," mabilis niyang putol kay Dr. Andrew. Kaya naman na kasi niya iyon. Mabilis lang gawin. Kaysa nga naman babalik pa ang doktor doon mamayang hapon para lang tanggalan siya ng suero. 

Tumango-tango ang doktor bago tuluyang nagpaalam. Hinatid ito ni Ivan hanggang sa labas ng kuwarto. 

Napabuga naman siya ng hininga nang mapag-isa siya. Wala sa sarili siyang napatingin sa kamay niya. Sa loob ng dalawang linggo, iyon na ang ikalawang beses na naturukan siya ng suero. Pakiramdam niya napakasakitin niya. Hindi naman siya dating gano'n. Well, one time in her life, naging sakitin din siya. When she was troubled emotionally with the many unexpected events that has happened in her life, she was in a constant health battle too. Tama nga ang sinabi nila, apektado ng sobrang pag-iisip ang katawan. 

Nanikwas ang nguso niya. Ang pangit sabihin na nilagnat siya dahil sa selos at brokenheart pero parang gano'n na rin nga. 

 Napabuga siya ng hininga. Kailangan na lang niya siguro iwasan muna ang pagpapa-araw at siyempre isantabi na rin ang nararamdaman niya kay Ivan. 

I'm not going to kiss you... yet.

Yet. Ibig sabihin may balak pa ang kumag na halikan siya. At alam niya kahit na hindi ito magpaalam, gusto rin niya. 

Kaya lang ang masama doon, parang may sapi lang si Ivan nang sabihin nito iyon. Dahil pagkatapos ng ilang minutong katahimikan at pag-eexpect na naman ng puso niya, nagdugtong ang kumag ng, "Remember what you promised me, Ellie. Don't fall in love with me."

Napairap na siya. Gago rin talaga si Ivan. Isanlaksang gago. 

One time he's at it and not on the next. Mas masahol pa ito sa isang pasyenteng may tantrums!

Kaya kailangan niya talagang isantabi na ang feelings niya para sa kumag. Alam niya kapag hindi pa siya nagpigil ngayon, pagsisisihan niya talaga sa hinaharap. Dammit! They were not even in a relationship and yet here she is, getting sick because of it.

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon