Pinilit ni Ellie ang magmulat ng mga mata kahit na namimigat pa ang mga talukap niya. It was as if she was forced to wake up by something... by someone. Kung ano man o sino iyon, hindi niya alam. Pagmulat niya, unang bumungad sa kanya ang maliwanag at puting paligid. She was disoriented at first. Nakangiwi at naniningkit ang mga matang ipinagala niya ang mga mata sa silid. Hanggang sa tuluyang manumbalik sa isip niya ang mga pangayayari bago siya mawalan ng malay kanina sa ER.
The series of gunfires, the explosion, her dying father in her arms, the ninja who attacked Ivan, their escape and then...
Napasinghap siya at mabilis na sinapo ang kanyang tiyan.
"You're baby is safe, Ellie," ani Paul na hindi niya napansing nakaupo pala malapit sa hospital bed niya. Mabilis nitong ginagap ang kamay niyang walang suero. Lalo siyang naiyak sa ginawi nito. "Hey, don't cry. Makakasama sa baby mo," alo pa nito sa kanya. Habang marahan pinipisil ang kamay niya.
"S-Si Ivan?" tanong niya sa hirap na tinig.
Hindi agad ito sumagot, tumitig muna sa kanya. Parang hinid sigurado kung magsisinungaling o magsasabi ng totoo. Bumalik sa isip niya ang walang malay at duguang itsura ni Ivan kagabi.
Pigilin man niya, bumangon na ng takot sa dibdib niya. In her profession, silence just not mean no. It means a lot of many dreadful and unspeakable things.
"P-please." Pumiyok na siya, napahikbi na nang tuluyan.
"Wala na rito sa ospital si Ivan, Ellie," anito sa malumanay na tinig.
Napakurap siya, naguluhan. "A-anong ibig mong sabihin?"
Nagbuga muna ito ng hininga bago nagpatuloy. "He was airlifted to a different hospital two hours ago. He's not in good shape. He lost a lot of blood and..."
Hindi na niya narinig pa ang huling sinabi ni Paul dahil napahagulgol na siya nang tuluyan. Mariin siyang pumikit. Gusto niyang magdasal, pero hindi niya alam kung paano siya magdarasal sa Diyos.
Kalat-kalat ang isip niya. Halos hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. At dahil tila walang mahagilap na mga salita ang isip niya, napaiyak na lang siya. Umaasa siya na kahit wala man siyang maisip na salita, dadalhin ng mga luha niya ang panalangin niya sa Diyos para sa kay Ivan.
Hindi umalis sa tabi niya si Paul. Nanatili lang ito sa puwesto nito, patuloy siyang inaalo.
"G-gusto ko siyang makita," sabi niya maya-maya nang bahagya siyang kumalma.
Nagbuga ng hininga si Paul, tumitig sa kanya. "Hindi ka pa puwedeng bumiyahe, Ellie. The doctors barely saved your baby early this morning. Mabuti na lang at nandito na tayo sa ospital kanina kung hindi..." Hindi nito tinuloy ang gusto nitong sabihin, umiwas lang ng tingin.
Tumango-tango siya. Muli, kusang pumatak ang luha niya. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ni Paul.
Gusto niyang makita si Ivan, kumustahin ito, alamin ang kalagayan nito nang personal. Pero... muli siyang napahawak sa impis pa niyang tiyan.
She's torn between in being a good wife and a mother.
"You don't have to worry, Ellie. Once your doctor gives us a go signal that you can go home, we will send to where Ivan is immediately," alo ulit ni Paul sa kanya.
Immediately.
Lalong namigat ang dibdib niya.
"But how soon is immediately? Paano kung may mangyari kay Ivan tapos wala ako sa tabi niya? Paano kung..." She stopped and filled her lungs with air in an attempt to avert her tears from falling once again. Subalit nang mag-angat siya ng tingin kay Paul, tuluyan nang pumatak ang luha niya. "Paul, hindi pa alam ni Ivan na magkaka-baby na ulit kami. Hindi ko pa nasabi. P-paano kung.... p-paano kung..."
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...