Napasulyap si Ellie sa lalaking nakaupo sa sala ng bahay ng Papa niya. The man got the features of a typical American-- tall, blue-eyes, blonde hair in a man-bun, beard and all. At gaya ni Ivan at ng mga kaibigan nito, mayroon ding dalang babala ang bawat pagsulyap nito.
Will Johnson. Iyon ang narinig niyang pangalan ng lalaki nang ipakilala ito ni Ivan sa kanilang mag-ama kanina. Apparently, ito rin pala ag may-ari ng penthouse kung saan siya dinala ni Ivan noon matapos nilang magkabalikan.
Nagbuga ng hininga ang lalaki, yumuko bago ipinatong ang mga siko sa tuhod nito at pinagsalikop ang mga kamay. He seemed... bored. Umangat ang tingin nito kay Ivan maya-maya.
"Then the fucking mole is still there, V! That's the only explanation!" gigil na sabi ni Ivan sa kausap sa cellphone nito. Sumulyap ito sa kanya at napahilamos ng mukha bago lumabas sa front door. Sumunod ang lalaking bisita nila rito.
Napatingin siya sa Papa niya na tahimik na nakaupo sa isa sa mga monobloc chairs na nasa hapag. Bakas na ang pagod sa mukha nito. Madaling-araw na, past one in the morning to be exact. At wala siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga. Dahil gusto man niyang patulugin ulit ang Papa niya, she knew that sleep has become the least of their priorities now that danger is looming just around them.
Nakita niyang ibinigay ni Ivan ang cellphone nito sa lalaking bisita. Sandali lang nitong kinausap ang nasa kabilang linya bago ibinalik ang cellphone sa asawa niya. Segundo lang ang binilang, tinapos din ni Ivan ang tawag. Agad na nagtama ang mga mata nila nang pumasok ito sa bahay.
"We need to leave immediately," umpisa nito, umigting ang panga.
Napakurap siya. Para siyang nabingi sa sinabi nito. "P-pero..."
"Kaninang umaga pa nila alam ang location ninyo. Good thing I was in China for some business kaya nauna ako dito para balaan kayo," ani Will.
"Sila? Sinong sila?" naguguluhan niyang tanong.
"Chancellor Toshiro," malamig na tugon nito.
Napasinghap siya, agad na kumabog ang dibdib. Nag-aalala niyang nilingon ang Papa niya na biglang napatayo.
"H-hindi... Hindi maari," namumutla ang mukhang bulong nito bago tumingin sa kanya. Agad niya itong nilapitan at muling inalalayan sa pag-upo.
"P-Pa'no nila nalaman ang location natin?" tanong niya kay Ivan nang mag-angat siya ng tingin sa asawa.
"May mga tauhan ang Hyogikai sa loob mismo ng CIA. Kung sino, that I have yet to find out," anito bago prenteng nagbulsa ng mga kamay.
"The mole must've heard my conversation early this morning nang tumawag ako sa SSA," si Ivan, umigting pa ang panga.
Napakurap-kurap siya. Pakiramdam niya naka-hang ang utak niya at ayaw prumoseso nang maayos. Magulo ang isip niya at puno ng kaba ang dibdib niya.
Paanong naging ganoon kakumplikado ang lahat samantalang kanina lang, masaya pa silang lahat?
"How sure are you that... that the bad guys are really coming?" lakas-loob niyang tanong kay Will maya-maya.
Will pierced her with his cold blue eyes and said, "Because I am working for Toshiro's ally, Ardik Egorov, the Drug Lord of the Council."
Hindi niya alam kung tama ang dinig niya sa sinabi ng kausap. Pero ang sigurado siya, nagsitayuan ang mga balahibo niya pagkarinig na pagkarinig niya sa sagot nito.
"Y-you're one of them?" napapantastikuhan niyang tanong. Humigpit naman ang hawak ng Papa niya sa kamay niya.
"I am a spy. Toshiro's former ally Freidrich Martin made my wife's life miserable that eventually..." Natigilan ito, umiwas ng tingin. "Caused her life. I'm in this for revenge," dugtong nito, pabulong.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...