Hindi mapakali si Ellie habang palakad-lakad siya sa waiting room ng ER ng ospital na pinagdalhan nila nina Paul kay Ivan. Kasama niya roon sa paghihintay sina Paul at Claine na pinsan nito. The men were casually talking about trivial things. Ni walang bahid ng pag-aalala sa mga mukha nila. Hindi gaya niya na abot-langit ang pagtetensiyon.
Bukod sa tensiyon, mas kinakain siya ngayon ng kunsensiya, dahil siya talaga ang dahilan kung bakit nagkagano'n si Ivan. Those men are after her.
Bayad ka na!
Marahan siyang umiling at pumikit. Hindi muna niya dapat iniiisip 'yon. Kailangang mag-focus muna siya sa kalagayan ni Ivan.
Tinanong na siya ng doktor kanina kung ano ang nangyari kay Ivan. Sinabi niya rito ang nangyari maging ang ginawa niyang procedure dito habang naghihintay sila ng tulong. She even told the doctors about his side that was hurting. They said they'd had an X-Ray and other tests on him.
"Hey, Ms. De Leon, uso ang umupo," ani Claine sa kanya, ngumiti bago tinapik ang espasyo sa bench kung saan ito nakaupo. "Ivan's going to be fine. Trust me. He's been through worse. Hindi lang niya talaga forte ang hand-to-hand combat kaya ganyan, napuruhan. The psycho's comfort is in guns. He could--"
"Claine, too much info," saway ni Paul sa pinsan nito.
Ngumisi lang si Claine bago muling bumaling sa kanya. Bumulong ito kay Paul. Napatingin naman si Paul sa kanya, salubong ang mga kilay.
Napakunot-noo na siya. Pinagchichismisan ba siya ng mag-pinsan habang nakaharap siya?
Naimbyerna siyang bigla. Pabuka na sana ang bibig niya para pangaralan ang mga ito nang lumabas si Dr. Ramon Echiverri mula sa ER. May kasama itong isang doktor na bagamat bata tignan ay naka-skinhead ang ulo. Nakita niya sa coat nito ang pangalan nito, Dr. Sacramed, Surgeon.
Siya ang unang nilapitan ni Dr. Echiverri. "All the tests came back normal. Even the X-Ray result is normal. No internal damage. Nabugbog lang marahil ang tagiliran niya kaya nanakit. We gave him a pain reliever and anti-biotics," deklara nito sa malumanay na tinig.
Nakahinga siya nang maluwag. Pakiramdaam niya nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib niya.
"Ikaw ba 'yong nurse na kasama ng pasyente?" ani Dr. Sacramed sa kanya. Alanganin siyang tumango. "You know full well of the consequences of your actions right? Your license."
Tinambol ng kaba ang dibdib niya. Hindi ba maayos ang pagkakatahi niya sa sugat ni Ivan? Nagkaroon ba ng komplikasyon?
"I-It was an e-emergency--"
"Nagtuloy-tuloy ka na lang sana dito sa ospital instead of trying to save the patient yourself with your limited medical knowledge," putol sa kanya ni Dr. Echiverri.
Napalunok siya. She can sense the disdain on the doctor's voice.
"Do we have a problem, doctor? Our friend, who's a doctor himself, instructed Ms. De Leon during the procedure. It was an emergency. And as I see it, she did nothing wrong," si Paul, masama ang tingin kay Dr. Sacramed.
"Yes, nothing's wrong. Your friend was indeed lucky. And though I must commend Ms. De Leon's suturing skills, which is unbelievably flawless given that she's just a nurse, what I'm pointing out is that, we at the medical field should not move beyond what our licenses provide. Right, Ms. De Leon?" Bumaling ulit sa kanya ang doktor, nakakainsultong ngumiti.
Awtomatikong nag-init ang pisngi niya. She perfectly understands what the doctor was telling her. She shouldn't have acted beyond her discretion today. She should've not stopped driving, looked for a hospital and tried not to save Ivan herself. And she should have not--
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...