Chapter 6: Panic

742 45 8
                                    


Panay ang sigok ni Ellie habang patuloy siyang nagda-drive sa kawalan. She wants to scream in fear. But silent panic crept into her skin making her unable to talk. Nang tumulo ang luha niya mabilis niya iyong pinalis ng kanyang kamay. Mabilis siyang sumulyap kay Ivan sa tabi niya. Her companion, though silent like her, was sure enduring the pain from a bullet wound.

Napahikbi siya ulit. Mabilis siyang lumingon. Walang ni anumang sasakyan na nakasunod sa kanila. Marahil nailigaw na niya ang mga humahabol sa kanila. Ang problema ngayon, hindi niya alam kung saan siya pupunta na hindi makakasunod ang mga humahabol sa kanila.

Ivan groaned in pain.

"S-sandali na lang, Ivan. Maghahanap tayo ng ospital," aniya bago muling binilisan ang pagpapatakbo sa Range Rover. Walang tigil sa pagsulyap pakanan-pakaliwa ang mga mata niya. Naghahanap siya ng ospital o clinic man lang. Kaya lang, kahit saan siya bumaling, puro puno at halaman ang natatanawan niya. It's been like that for almost half an hour!

Ivan groaned again.

Muli siyang napaiyak. Heto si Ivan, sugatan dahil iniligtas siya subalit hindi man lang niya ito mailigtas sa bingit ng kamatayan. How ironic that is, given that she's a nurse. Trabaho niya ang magligtas ng buhay.

Sorry, we lost her.

Um-echo sa pandinig niya ang mga salitang iyon. Isang alaala ng masakit niyang kahapon. It has been almost 3 years since that day. And yet, the guilt drowns her every time the memory visits her.

Muli siyang nagpunas ng luha at marahang umiling. Hindi. Hindi niya hahayaang mawala rin si Ivan dahil sa kanya.

Huminga siya nang malalim at kinabig pakanan ang manibela. May nakita siyang maliit na daan na natatabingan ng mga puno at halaman. That would be a good cover up, she thought.

Inihimpil niya ang sasakyan sa ilalim ng puno ng mangga. Matapos niyon ay agad niyang dinaluhan si Ivan. Ini-recline niya nang maigi ang upuan nito bago niya sinubukang tanggalin ang kapirasong telang nakatakip sa sugat nito. Inilagay iyon kanina ni Ivan upang maampat ang pagdurugo niyon.

The small piece of cloth was blood soaked. Mabilis niyang hinalughog sa bag niya ang BP App at kinuhanan ito ng blood pressure. Nang tignan niya ang resulta, muling kumabog ang dibdib niya. Ivan's blood pressure has dropped, clearly because he's losing so much blood!

Muli niyang hinalughog ang bag niya. Inilabas niya ang mini-trauma medical kit na lagi niyang dala-dala in case of emergencies. Naglabas siya ng torniquet doon at inilagay iyon sa bandang itaas ng sugat. Matapos niyon, kinuha niya ang cellphone niya at nagmamadaling pumindot doon ng numero.

Nang umangat ang kabilang linya. "What the hell is it?" galit na bungad ng lalaki sa kabilang linya.

"D-Doc Matt," tawag niya sa kausap sa nanginginig na tinig.

"Ms. De Leon?"

"Y-yes, Doc. A-ako po."

"Where the hell are you? Are you okay? 'Yong boy sa karinderya malapit sa ospital, he reported your attempted abduction kanina. Authorities were here again--"

"D-Doc, si Ivan po. May tama po s-si I-Ivan," putol niya sa doktor bago impit na humagulgol. Ivan groaned again, wincing in pain.

"What?" anang doktor, mataas ang boses.

Mabilis niyang ikinuwento rito ang nangyari mula sa ospital hanggang sa ma-ambush sila sa mismong bahay nito.

"Shit!" anang doktor. Napahikbi na siya ulit. "Nasaan na kayo?"

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon