Chapter 30: Captured

693 42 13
                                    

"Talk!" gigil na sabi ni Dax bago tinampal-tampal ang pisngi ng lalaking nakagapos ang mga kamay sa likuran ng kinauupuan nito. Hindi umimik ang lalaki, nanatiling nakayuko bago bahagyang umubo. 

Pinuno ni Ivan ng hangin ang kanyang dibdib. Halos anim na oras na sila sa ganoong eksena, pero wala silang mapigang impormasyon sa lalaki. At nauubusan na siyang talaga ng pasensiya!

Halos pikit na ang namamagang mata ng lalaki dahil sa pag-torture na ginawa ng mga operatiba ng CIA dito kanina na dinagdagan pa nila ni Virgo nang makarating sila sa interogation room ng SSA. 

 The man's name is David Anderson, a long time undercover CIA agent deployed to the country under the command of Richardson. Ilang taon din silang biniktima ng unidentified mole sa ahensiya and today is their lucky day to unmask the son-of-a-bitch traitor in their midst.  Anderson was seen in possession of the classified intel reports about the Council. Reports only  him, Dax, Virgo, Eric, Will, and Richardson knows. Kumuyom muli ang kamay niya. Isa si Anderson sa nag-feed sa kanya ng fake intel tungkol sa Council sa Prague. 

He should've known. The bastard was working for their enemies. 

Hindi na nakatiis si Dax, sinikmuraan nito ulit si Anderson. Awtomatikong napaigik si Anderson at umubo ng dugo. Sandali itong namilipit bago nag-angat ng tingin kay Dax. 

"Just kill me, Lavigne. My answer stays the same, I know nothing," sabi pa nito sa pilipit na tinig. 

"Fuck you!" si Dax ulit bago sinuntok sa mukha si Anderson. Tuluyan na itong natumba sa sahig, walang malay. Tatadyakan pa sana ito ni Dax kaya lang pinigil na niya ito. 

"Tama na," awat niya sa kaibigan bago ito hinila palayo sa bulto ni Anderson.

"I'll beat the shit out of that bastard!" patuloy pa rin ni Dax, Panay ang piglas sa pagkakahawak niya.

"Take him outside, Ivan," ani Virgo sa malamig na tinig.

Lalong nagpumiglas si Dax. Subalit tinulungan na rin siya ni Eric sa pag-awat sa kaibigan.

Paglabas nila ng interrogation room, sinalubong sila ni Lee Sommers, isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Richardson. Matangkad ito, seryoso ang mukha, at blonde ang buhok. Tipikal na amerikano. Ito rin ang nakatuklas ng katrayduran ni Anderson.

Tumango si Sommers sa kanya bago ito pumasok sa interrogation room. Naglakad pa sila ng ilang hakbang palayo sa silid bago nila binitiwan ni Eric si Dax. Galit itong tumingin sa kanilang dalawa ni Eric pagkatapos.

"Get a grip, Dax. Anderson is now an asset. We have to keep him alive," kalmadong paliwanag ni Eric.

"Not until I'll beat the shit out of him!" Dax replied in gritted teeth, muling sinubukang maglakad papasok sa interrogation room  kaso mabilis itong hinarang ni Eric.

"You're not going inside that room anymore, Dax. Umuwi ka na," si Eric sa matigas na tinig.

"No! I'm staying. Not until I see that good for nothing son of a bitch dead!" sagot nito, inaabot pa ang seradura ng pinto. Kaya lang, mas mabilis si Eric. Mabilis nitong iniharang ang braso nito sa dibdib ni Dax bago nakigpasukatan ng tingin dito.

"I said, you're going home, Lavigne. That's an order," sabi ni Eric, ang mga mata, naghahamon na nakatingin pa rin kay Dax.

Makailang-beses munang humugot at nagbuga ng hininga si Dax bago tuluyang umatras.

"We'll contact you both for updates and don't do anything stupid!" pahabol pa ni Eric sa kanilang bago ito bumalik sa loob ng silid.

Taliwas sa utos sa kanila, nanatili sila ni Dax sa labas ng silid, kapwa walang imik.
Tahimik ang paligid, subalit mabigat ang hangin. Parang may dalang mga alaalang mahirap limutin. Dumadalaw. Nananakal. Nananakit.

The Beautiful Target (Protector Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon