Lalong lumakas ang paghagulgol ni Ellie nang unti-unting mawalan ng lakas ang kamay ng Papa niya na nakahawak sa pisngi niya.
Noon na siya nag-umpisang mataranta.
She quickly checked her father's pulse. Papahina na iyon, hanggang sa tuluyang nawala.
On reflex, agad niyang pinagpatong ang kanyang mga kamay at ipinatong iyon sa dibdib ng Papa niya. She began pumping, in time with her heartbeat.
Hindi na niya alintana ang mga ingay sa labas. Ang mga pangako niya kay Ivan at ang iba pa niyang mga alalahanin. Ang importante, muling tumibok ang puso ng Papa niya. Hindi siya Diyos. But she could damn spend every ounce of blood and will in her body just to do everything she can to bring her father's heart beating again.
Ilang minuto na siyang nagsi-CPR habang panay ang tulo ng luha niya. Pawisan na rin siya at nanghihina, subalit bigo pa rin siya sa ginagawa.
"Ellie!"
Agad siyang napaangat ng tingin. It was Ivan, malalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at humihingal.
"We should leave," deklara nito.
Marahas siyang umiling. "No! Hindi ko iiwan si Papa dito!" tutol niya patuloy pa rin sa pag-CPR. Maya-maya pa, nadulas na ang mga kamay niya dahil sa tuluyang pagkalat ng dugo sa katawan ng Papa niya.
Nanghihina siyang napaupo sa sahig at muli, mapait na humagulgol.
Agad siyang niyakap ni Ivan. Mabilis na inalo habang nilulunod siya ng walang kaparis na lungkot.
"He gave me his bulletproof vest. Inayawan ko, kaya lang pinapangako niya 'ko. Kung may mangyari mang masama ngayong gabing itong, dapat siguruhin ko na mabubuhay ako matapos ang gabing ito para sa 'yo," ani Ivan. Nag-angat siya ng tingin sa asawa. Nangingilid na rin ang luha nito. "This is what he wanted, Ellie. He wants us both to survive tonight."
Natigagal siya sa sinabi ng asawa. Mapait niyang binalingan ang nakahandusay at sugatan na labi ng Papa niya.
Hanggang sa huli, ang kapakanan pa rin niya ang inisip ng Papa niya. Lalong piniga ng lungkot at pagdadalamhati ang dibdib niya.
Noon sila nakarinig ng putukan malapit sa kanila. Sabay silang napatingala ni Ivan. They saw shadows from the entrance.
"Go to the car, Ellie! Fast!" mabilis na utos ni Ivan.
"P-pa'no si P-Papa?"
"Babalikan natin siya. I promise," paniniguro ni Ivan sa kanya bago siya nagmamadaling hinila patungo sa car port.
Hindi pa man sila nakakarating sa sasakyan, may dalawang lalaking bumaba sa kinaroroonan nila mula sa itaas. Both were wearing black ninja uniform, only their eyes were unmasked. Sumunod dito ang isang lalaking na may hawak na baril at halatang banyaga.
Napasinghap siya nang mabilis nitong itinutok ang baril na hawak nito sa direksiyon niya at iputok iyon. Umingay pa sa tenga niya ang pagtawag ni Ivan sa kanya kasunod niyon ang agad niyang pagtumba sa baldosa. Iniinda niya ang nanunuot na mainit na bagay sa bandang dibdib niya. Sandali pa siyang kinapos ng hininga at hinawakan ang dibdib niya.
She waited for the extreme pain to take over. Subalit nakapa niya ang bulletproof vest niya. It took a few seconds more for her clouded-mind to realize that she wasn't injured at all. Sinangga ng bulleproof vest niya ang bala. Mabilis siyang bumaling sa direksyon ni Ivan. Duguan nang nakahandusay ang dalawang lalaking sumugod sa kanila. Ang isang ninja na lang ang hindi.
Humawak siya nang mahigpit sa likurang bahagi ng kotse na nasa malapit at doon kumuha ng lakas upang makaupo siya.
"Ah!" she heard Ivan groaned.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...