Habol ni Ellie ang hininga nang tuluyan siyang makasilong sa lilim ng puno ng mangga malapit sa bukid na tinatrabaho nila ng mga kasama. Iyon ang pangalawang araw ng pag-aani nila ng palay ng mga kasama niya. At masasabi niyang kung wala lang talaga silang kompromiso ni Ivan ngayon baka kahapon pa siya nag-give up!
Iba talaga ang pagod ng pagta-trabaho sa bukid. She had been through a 24-hour straight duty once at Angelicum Hospital. Pero wala pa sa kalahati ng pagod niya noon ang nararamdaman niyang pagod ngayon. Kagabi nga nang makauwi sila ni Ivan, parang gusto na niyang matulog agad sa sobrang pagod. Kung hindi lang niya iniisip ang nakolektang dumi ng katawan niya sa maghapon baka hindi na siya naligo bago matulog. She was so spent!
At walang naitulong ang halos isang araw na paghahanda niya sa sarili niya noong unang araw nila sa pagta-trabaho sa farm. Natural, nasa lilim sila ni Kristina habang tinuturuan siya nito ng paggamit ng karit at tamang pag-aani.
Kung alam lang niya na mapapasabak siya sa ganoong uri ng trabaho, kinarir na lang sana niya ang pagsa-sunbathing noong unang araw nila sa farm.
Pagod siyang umupo sa isang nakausling ugat ng puno. Gumaya sa kanya ang mga kasama niya. Mabilis niyang inalis ang suot niyang sumbero at ginamit iyong pamaypay. She felt instant relief from the cool air. At kung puwede nga lang na doon na lang siya sa lilim maghapon, gagawin niya. Kaya lang siguradong pagagalitan na naman siya ni Ivan. Kahit pa na halos tatlong-araw na silang hindi nag-iimikan.
Maya-maya pa, napansin niyang lahat ng mga kasama niya na sa iisang direksyon nakatingin. Sa bandang kaliwa niya, sa isa pang puno ng mangga ilang-daang metro ang layo sa kanila. Pasimpleng niyang hinayon ng tingin ang direksyon na tinitignan ng mga kasama niya. Agad na nalukot ang mukha niya nang mapagtantong si Ivan pala ang tinitignan ng mga ito. At kaya naman pala nakanganga ang mga kasama niya dahil ang kumag, may pa-free viewing ulit ng mga pandesal nito. Umirap siya. Mukhang balak 'atang araw-arawin ng kumag ang magpa-free viewing ng mga abs nito a.
Not that she cares, he can strip naked for all the world to see if he wants, but then, this is the province. Kahit na moderno na ang panahon, some people in the province still have different standards of decency than those from the city.
Muli siyang umirap at uminom ng tubig mula sa bitbit nilang lagayan ng tubigng grupo niya. Maya-maya, pa tumabi sa kanya si Tonia or Antonio for long, ang baklang pinsan ni Kristina na kagrupo rin niya sa pag-aani. The farm workers were divided into three groups. Hindi niya kagrupo ang kumag. Mabuti rin.
"Mga tinging tumatalab hanggang sinapupunan. Tila may balak akong dalhin sa rurok ng kaligayahan. O, Ivan, ako ay iyong hagkan," bulong ng bakla, ngumuso, pumikit bago kinagat ang pang-ibabang labi. Hindi niya alam kung hanggang saan dinala ng pag-iilusyon nito si Tonia. Pero sure siya, agad iyong naputol nang batukan ito ni Kristina.
"Ay, palakang binabae!" bulalas ni Tonia, mabilis pang hinawakan ang nasaktan nitong ulo. Marahas nitong nilingon si Kristina. "Hoy Tinay, masakit 'yon ha? Inaano ka ba ng pag-iilusyon ko? Ilusyon na nga lang sinasabotahe mo pa."
"Umayos ka nga, nakakahiya kay, Ellie." Sumulyap ang magpinsan sa kaniya. "Hantaran mong pinagnanasaan ang kapatid niya."
Humugong ang bakla, pinaikot ang mata bago bumaling ulit sa pinsan nito. "E kaysa ako naman ang maghirap. Masama sa kalusugan ang magpigil ng damdamin, Kristina. Kaya kung ako sa 'yo, palayain mo ang sarili mo sa paghihirap. Sumamba, sumamba. Kay Ivan, tayo'y sumamba."
Muling binatukan ni Kristina si Tonia. Gumanti naman ng hampas sa braso si Tonia.
Napahagikgik na siya. Parang aso't pusa talaga ang dalawa, kahit kahapon noong unang araw ng anihan. But she must admit, nakakaaliw ang bangayan ng mga ito. Pamparelax sa maghapon nilang mabigat na trabaho.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...