Abot-langit ang pagtahip ng dibdib ni Ivan dahil kanina pa siya tumatakbo sa kadiliman. Hindi niya alam kung nasaan siya. Ang alam lang niya, nasa isang madilim na lugar siya na tila walang lagusan palabas.Maya-maya pa, narinig niya ang pamilyar na alarm ng The Organization at ngayon nga ay tumatakbo na siya papunta sa main office niyon.Pagdating doon, sinalubong siya ng mga empleyado na nagsisitakbuhan palabas ng building, ang iba duguan, lito at nagpa-panic. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Were they attacked or something?
Lalong tinambol ng kaba ang dibdib niya. He knew The Organization's security protocols cannot be easily breached. So, what's going on?
Tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya iyong hinugot sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.
"Nasa'n ka, Ivan?" It was Virgo, ang recruit ng tatay niyang si Chief at itinuturing na rin nilang kuya ng adoptive sister niya na si Andie.
"Nasa base ako," nagmamadaling sagot niya.
Virgo cursed. "Get out of there fast! Isamo si Chief!"
"B-bakit--"
"May nangyayari, Ivan. Tumawag sa akin si Furukawa, hindi raw detailing ang pinuntahan nila, kundi ambush. Pati si Leibnitz, tumawag din. They were ambushed on their supposed detailing. Carmichael at Romano didn't make it."
Napamura siya, agad na natigilan. He felt someone has punched him in the gut. Kasabayan niya ang lahat ng mga 'yon sa pagpasok sa The Organization. Alam niya kung paano trumabaho ang mga ito, alam niya ang kalibre ng mga ito. And now, Virgo is telling him they're dead?
That ain't a funny joke!
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kailangan mong umalis diyan ngayon din, Ivan. And whatever happens, isama mo si Chief," iyon lang bago nagmamadaling tinapos ni Virgo ang tawag.
Taranta siyang nagpalinga-linga. He saw a black smoke coming right off one of the offices. Screams of help from people he knew and not were filling his ears, sending him all the more to confusion. He immediately shook his head furiously in an effort to get his wits straight.
Mabilis na um-echo sa isip niya ang ibinilin sa kanya ni Virgo.
Chief.
Right, he needs to get to his father fast.
Mabilis niyang pinigil ang isang empleyadong duguan at patakbong lumalapit sa direksyon niya. "Where is Chief?" tarantang tanong niya.
The lady just looked at him in shock and said, "H-he stayed behind i-in his office."
Lalong tinambol ng kaba ang dibdib niya. Awtomatiko niyang binitiwan ang empleyado at mabilis na tinakbo ang opisina ng kanyang ama. Subalit hindi iyon naging madali. Sa hallway na puno ng maitim na usok, nakasagupa niya at ng mga kasama niyang naiwan doon ang ilang mga lalaking pawang nakasuot ng black hood at nakahawak ng katana. They looked like modern day ninjas sans their usual yoroi or armor. Agad siyang inatake ng isa, aiming the katana straight through his chest. Mabuti na lang at nakailag siya. Subalit mabilis itong nakabawi, binigyan siya nito ng isang tadyak sa dibdib na siyang agad nagpatumba sa kanya. He tried to get up, filling his lungs with air. Kaya lang, lalong kumapal ang usok, suffocating him all the more.
The man tried to attack him again, but De Rossi, one of his father's men at kasama niyang nakikipaglaban sa grupo, fired at the man straight through his chest. Agad na nabitiwan ng kaaaway ang armas nito bago ito tuluyang natumba.
Agad silang nagkatinginan ni De Rossi. Tumango ito, as if giving him a signal. Subalit hindi pa man din siya nakakatayo sa kinaroroonan niya, he saw another hooded man attack De Rossi from behind. Sumigaw siya, ngunit hindi niya magawa, para siyang paos na hindi niya maintindihan. And though he tried to speak calmly to give De Rossi a warning, it was all too late. The hooded man pierced his katana right through De Rossi's body. He watched in horror as De Rossi quickly fell on his knees, still looking at him. De Rossi painfully smiled and mouthed, Chief. When the hooded man withdrew his sword, blood splurted out from De Rossi's mouth. Not a second after, De Rossi fell dead on the cold floor.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Target (Protector Series 3)
RomanceMabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di...