《07》REWARD

937 34 4
                                    

Kim Taehyung's POV

"Reyah Evangelista, Finn Duenas, Theo Angeles, John Acosta, and Leila Guizar are the cafeteria crew. Aliane Lopes is the one who's assigned to buy the banana milk every week. Herman, Fred, Shan and Reeco are the waiters in the cafeteria. Gavin, Henna, Ayah, Gerald, Yuna and Faye are the janitors from first floor to sixth floor----"

"Taehyung!" Gulat kong nilingon ang taong pumasok sa pintuan ko at inabala ang pangangabisado ko. Nakita ko si Ate Leila na hinihingal kaya agaran akong tumayo at nilapitan sya.

"Bakit ka nagmamadali, Ate?" Takang-tanong ko. Sumandal sya sa mesa ko at huminga ng malalim. Binalingan nya ko ng tingin at base sa mukha nya, parang sobrang stress na sya sa mga nangyayari.

"Bakit? Anong problema?" Tanong ko sa kalituhan. Kanina pa'ko nakakulong sa opisina ko kaya wala akong ideya sa mga nangyayari sa labas.

"Ano bang gustong merienda ni Mr. Jeon? Nagdala kami ng banana milk, milk tea, burger at fries pero lahat ng yun ay inayawan nya. Napagalitan pa nga sina Aliane at John. Ano bang gusto nya? Ang hirap nyang tanungin.." problemadong pahayag nito.

Napailing naman ako dahil mukhang inatake na naman ng kademonyohan ang amo namin. Ikatlong araw ko ng hindi nagpapakita sa kanya gaya ng utos nya at di ko alam kung ipagpapasalamat ko yun, dahil sa tatlong araw na wala ako ay parating mainit ang ulo nya.

"Sandali.." sabi ko kay Ate Leila bago tumungo sa harap ng mesa ko. Kinuha ko ang maliit na notebook kung saan nakasulat lahat ng napansin at nalaman ko tungkol sa amo namin. Sa tuwing kasama ko sya ay inoobserbahan ko lahat ng kilos nya at lahat ng kinagagalitan nya.

Mas maganda ng kabisado ko muna ang ugali at kilos ng amo ko bago ko kabisaduhin ang mga empleyado nya. Iwas-pahamak na rin yun.

"Try pasta from an Italian restaurant near the company.." sabi ko habang tahimik na sinusuri ang mga nakasulat dun.

"Sigurado ka?" Tanong nya kaya umangat ang tingin ko sa kanya. Binaba ko ang notebook at nginitian sya.

"Trust me, Ate Leila.." pagsagot ko dito. Ngumiti rin ito bago umayos ng tayo.

"Salamat, Taehyung. Mauna na'ko nang mabili na namin yung pasta'ng sinasabi mo. Salamat ulit" sabi nito at mabilis na nilisan ang opisina ko.

Umupo ako muli sa swivel chair ko at hinarap ang listahan ng mga employees ng kumpanya. Pinadaanan ko ng tingin ang listahan bago ito ibaba.

Kada Department ay kabisado ko na mula sa head hanggang sa mga empleyado. Pati mga janitors at cafeteria crews ay inalam ko na.

Napapagpalit ko pa minsan ang mga pangalan dahil nung Lunes lang ako nagsimulang mangabisado. Madali lang naman sa akin ito pero sa tuwing naiisip ko si Mr. Jeon ay nawawala ako sa focus.

Bakit kaya parati na lang mainit ang ulo nya? Kapag naman sinasabi ko sa kanya ang mga schedule nya sa umaga ay wala akong natatanggap na sagot o reply mula sa kanya. Di na sya nagtatanong kaya pinapatay ko rin agad ang intercom. Wala kaming kahit anong interaction bukod dun.

Ganun ba kalaki ang galit nya sakin?

Di ba dapat matuwa ako na di nya ko nasisigawan at napapagalitan? Bakit ko sya iniisip ngayon?

I sighed heavily as I stared at nowhere. Hindi ko nga sya kaharap pero sya naman ang laman ng isip ko.

*'Cause ah-ah- I'm in the stars tonight
So watch me bring the fire
Set the night light~~*

Biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha. Nakita ko ang pangalan ni Namjoon sa caller ID.

"Hello? Namjoon, napatawag ka?" Tanong ko.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon