《44》FACING THE CONSEQUENCES

812 30 14
                                    

Third Person's POV

"Jungkook, bakit nandito ka sa labas?" Takang-tanong ni Jimin nung maabutan si Jungkook na nakatayo sa harapan ng kwartong okupado ni Taehyung.

Napapansin man ng tatlo ang pagiging mailap ni Jungkook kay Taehyung ay di na lang nila ito kinwestyon pa. Problema ito ng dalawa at labas na sila sa bagay na yun.

Napatingin si Jungkook kay Jimin bago napabuntonghininga. "I just want to take a glance of him before continuing the case of my Dad. Just wanna have some strength before facing pain again.." totoo at seryosong sagot ni Jungkook.

"Ganun ba? Bakit di ka pumasok? Di ka naman namin binabawal. Isa pa'y dalawang araw ka rin yatang di nadalaw dito.." sabi ni Jimin kaya umiling lang si Jungkook.

"Medyo busy lang. Ang mahalaga lang sakin ay gising na si Taehyung..." sabi ni Jungkook na bahagyang kinakunot ng noo ni Jimin.

"Jungkook, umamin ka nga. May problema ba kayo ni Tae? Kasi ilang araw ka ng di nagpapakita sa kanya, tapos sya naman laging matamlay. May nangyari ba nung araw na magising sya?" Tanong ni Jimin. Ngumiti ng pilit si Jungkook.

"I-I'm just afraid.." bigla ay napaamin si Jungkook sa harap ni Jimin. "Afraid of?" Takang-tanong ni Jimin.

"I'm afraid that Taehyung can't forgive me. I'm sorry, I told you that I'll face his madness and the consequences of my action but... I'm afraid. I can't lose him..." paliwanag ni Jungkook. Jimin tapped his shoulder.

"Ganun talaga kapag nagmamahal, Jungkook. Matatakot kang magalit sya sayo, na baka palayuin ka nya, na baka di ka nya mapatawad pero di mo malalaman yan kung hindi mo sya haharapin. Paano kung dahil sa pag-iwas mo ay mas nahihirapan pala sya? Pano kung gusto ka na nyang makausap pero ikaw naman ay lumalayo. Di ba mas humirap ang sitwasyon?" Pagbibigay-payo ni Jimin.

"Yeah, but let me handle the case first. After this I'll face Taehyung. Thank you for your advice. Wag mo na lang sanang sabihin na dumating ako.." Jungkook said. "Sige, basta pag-isipin mo ang sinabi ko.." Dun ay tuluyan ng pumasok si Jimin sa loob at naglakad naman paalis si Jungkook. Naglalaro sa isipan nya ang mga sinabi ni Jimin.

Naputol ang pag-iisip nya nung marating na nya ang kotse nya. Bago sya sumakay ay tumingin pa sya sa ospital na para bang nakatayo lang sa harap nya si Taehyung.

Let me handle my Dad first, baby, I'll clear things out to you after. Just wait for me.

Tuluyan na syang sumakay sa kotse at tumungo sa lugar kungsan paniguradong naroon na rin ang Jeon Clan. Wala syang takot sa mga ito dahil dapat lamang na harapin nito ang kaso. Alam nyang galit ang mga ito dahil sya pa mismo ang nagpataw ng kaso pero di na sya aatras.

Buong buhay nya ay pinaglalaban nya ang hustisya ng kamatayan ng Mom nya, ngayon ay ipaglalaban nya naman ang hustisya para kay Taehyung laban sa Dad nya at sa buong clan.

Saktong tumigil ang kotse ay napansin nya si Namjoon at ang iba nyang tauhan malapit sa kanya. Agad syang nilapitan ng mga ito.

"Mr. Jeon, nasa loob na ang Jeon Clan. Nalaman na nila ang kasong ipinataw mo sa Dad mo. Galit na galit si Mrs. Arriane" pagbibigay-impormasyon ni Namjoon kay Jungkook. Tumango naman si Jungkook bago nakapamulsang naglakad papasok.

Nung makapasok sya ay napalingon sa kanya ang lahat. Mabilis ang naging hakbang ni Arriane palapit sa kanya at sinampal sya ng malakas. Nag-igting ang panga ni Jungkook dahil sa ginawa nito. Akmang sasampalin na naman sya nito nung pigilan na nya.

"Once is enough, Auntie. So stop blocking my way before I do something bad to you.." Jungkook dangerously said while staring at Arriane's face. Malakas nya itong binitiwan kaya halos mawalan ito ng balanse.

"Wala kang utang na loob!" Sigaw nito na kinangisi ni Jungkook. "Bakit? Ano bang klaseng utang na loob ang sinasabi mo? Sa pagkakatanda ko kasi ay di nyo naman ako tinuring na isa sa inyo. Nasaan dun ang dapat kong ipagpasalamat?" Sarkastikong tugon ni Jungkook kay Arriane.

"JEON JUNGKOOK!" Sigaw pa ni Arriane.

"Sarili mong ama ipapakulong mo dahil lang dyan sa Taehyung na yan?! Gumulo ang buhay mo dahil sa kan--"

"STOP! SHUT THE FUCK UP!" Nawawalan ng pasensyang sigaw ni Jungkook. Ilang beses na ba nitong pinagdiinan ang pangalan ni Taehyung sa harap nya? Ayaw na nyang marinig pa iyon muli.

"Tama na ang paninisi nyo sa kanya! Buong buhay akong nagalit sa kanila, sinisi sila pero di ko alam kung ano ang tunay na nangyari. Namatayan sya ng mga magulang dahil sa panggigipit nyo, ngayon tatanungin ko kayo. Hindi pa ba sapat yun? Di ba dapat nakabaon na sa limot ang lahat dahil dalawang tao na ang namatay dahil sa aksidenteng yon?!" Asar na sigaw ni Jungkook kay Arriane.

"Hindi ako pinalaki ni Mom na demonyo. Kaya lang ako nagkaganun ay dahil sa inyo. Pinamukha nyo sakin na kasalanan ko ang lahat. Sawa na'kong makarinig nang mapanghusgang salita mula sa inyo, hindi rin naman kayo mga perpekto!"

Bumaling si Jungkook kay Arkin na nakatayo na mula sa inuupuan nito kanina. Tahimik lang namang nakikinig sina Theo at ang mga pinsan ni Jungkook.

"At ikaw Dad, kailangan mong harapin ang kapalit ng desisyong ginawa mo. You've done enough. Dati ipinakulong nyo ang driver ni Vince Kim dahil nabangga nito si Mom. Ngayon, gawin mo rin yung bagay na ginawa ni Vince. Matuto kang sumunod sa batas dahil alam mong mali ang ginawa mo.." seryosong sabi ni Jungkook.

"I will.." napaawang ang labi ng lahat at napatigil naman si Jungkook dahil sa narinig.

"ARKIN!" sigaw ni Arriane na halatang pinipigilan ito. Nananatiling nakatitig si Arkin sa anak. "He's right, Arriane. In the past, we told Vince Kim to punished his driver and he agreed. Now, I will do the same. I will face the consequences of what I did. Sa ganitong paraan man lang ay may tama akong nagawa."  Napahinga ng malalim si Arkin samantalang nakatulala lang si Jungkook.

Di nya inakalang ganun kadali itong papayag. Kilala nya ang ugali ng dad nya. Di sya makapaniwala sa agaran nitong pagpayag.

Naglakad si Arkin palapit kay Jungkook kaya napaatras si Jungkook at nag-iwas ng tingin.

"Son.." Jungkook almost cry because of what he heard. It's his Dad calling him son again after so many years.

"I'm sorry. I'm sorry if I show you how demon I am. I knew that you can't recognize me as your Dad again because of the pain that I brought to you and to Taehyung. Sumobra ako sa pagkakataong ito. Forgive me. I just love your Mom, I got insane when I lost her, not knowing that I still have you. I forgot how much your Mom treasures you, I should treasure you, too.....but I didn't do it.."

Tumulo ang luha ni Jungkook dahil sa narinig. Ang mga salitang gusto nyang marinig mula dito ay naririnig na nya ngayon. Pakiramdam nya ay bumalik na ang Dad nya.

"D-Dad, m-malaki ang galit ko sayo--"

"I knew it, Son. Di mo naman ako kailangang patawarin agad. Matagal na panahon kang nakulong sa dilim na ako mismo ang gumawa. Hayaan mong pagbayaran ko iyon ngayon." Arkin said as he wiped Jungkook's tears.

"I'm sorry, Dad.." naibulong na lang ni Jungkook.

Sorry if I can't forgive you this early. I just can't.

Arkin smiled as he hugged Jungkook.

"I can wait for it. For now, hayaan mo na muna kong harapin ang consequence ng ginawa ko. Just remember that...your Mom and I loves you.." bulong nito kaya napayakap na rin si Jungkook sa ama.

I love you, too, Dad.

To be continued...

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon