《29》LOVE?

717 31 2
                                    

Kim Taehyung's POV

"Taehyung!" Napalingon ako sa taong bigla na lang tumawag sakin. Napangiti ako nung makita si Namjoon.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito nung makalapit sya sakin.

"Kahit saan na may mabibiling pagkain.." bahagya syang natawa sa sagot ko

"May cafeteria naman tayo" natatawa pang sabi nya na kinasimangot ko.

"Nagsasawa na'ko sa mga pagkain don" pag-amin ko. "Pareho tayo. Kaya nga minsan di na'ko kumakain dun. Lumalabas na lang din ako gaya mo ngayon" sabi nya pa.

"Bakit ka naglalakad, Namjoon? May kotse ka naman,eh" he chuckled. "Tinatamad akong mag-maneho. Maganda na rin itong naglalakad para ma-excercise. Buong araw tayong nakaupo at nakatapat sa mga computers natin. Minsan masarap ring mag-unwind.." napatango ako dahil talagang sang-ayon ako sa sinabi nya.

"Tama ka dyan. Masarap rin namang magtrabaho pero minsan nakakasawa din lalo na kung may problemang ang hirap lusutan" pagbibigay-opinyon ko rin. Sandali syang  napatango. "Teka, gusto mo bang kumain dun sa lagi kong kinakainan?" Pang-aaya nya sakin.

"Sige, Namjoon. Kahit saan yan basta masarap ang pagkain"sagot ko kaya napa-thumbs up sya.

"Definitely" sabi pa nito bago lumiko sa isang hallway.  Nagpatuloy lang sya sa paglalakad habang nakasunod naman ako at patingin-tingin sa paligid.

"Here." Umangat ang tingin ko sa pangalan ng resto patungo sa pinto nito. "Korean Resto?" Tanong ko sa kanya na tinanguan nya agad. "Halika na sa loob, bilis" wala na'kong nagawa nung hilahin nya ko papasok at agad na pinaupo sa isang upuan.

Hinubad ko ang coat ko at sinampay ito sa upuang nasa likod ko. Ganun rin ang ginawa ni Namjoon matapos nyang umorder. Hindi na'ko tumingin pa sa menu at hinayaan na lang si Namjoon.

"Namjoon, alam ba ni Mr. Jeon na ako ang may utang sa kanya?" Out of the blue kong tanong. Para kasing hindi kailanman naipasok ni Gukkie sa usapan ang tungkol sa bagay na yun.

Umiling si Namjoon "Hindi nya alam. Basta ang mahalaga ay nakakapagbayad ka sa kanya. May natitira pa ba para sayo? Napakalaki kasi ng buwanang singil nya. Akala mong may galit sa angkan nyo.." sabi ni Namjoon na bahagya kong kinatawa.

Gusto ko mang alamin ang dahilan ng utang na yun ay di ko magawa. Gaya nga ng sabi ni Namjoon ay di alam ni Gukkie na ako ang may utang sa kanya. Di ko pa alam ang magiging reaksyon nya ukol sa bagay na yun.

"Meron namang natitirang pera para sa mga personal kong pangangailangan. Ang goal ko lang talaga ngayon ay mabayaran ng buo ang utang ko kay Mr. Jeon, natutuwa nga ako dahil malaki silang magpa-sweldo" paliwanag ko kay Namjoon

"Natutuwa rin ako dahil nakuha mong manatili kahit nung unang buwan mo ay halos matunaw ka na sa masasakit nyang salita."sambit nito saktong dumating ang mga in-order nya.

"Sa una lang naman yun. Minsan na lang syang magalit ngayon" kwento ko."Nahahalata ko nga..." binitiwan nya ang chopsticks nya at tiningnan ako ng seryoso.

"Umamin ka nga, Taehyung. May relasyon ba kayo ni Mr. Jeon?" Tanong nya na kinalaki ng mga mata ko. Seryosong-seryoso sya tapos yun ang bigla-bigla nyang itatanong?

"A-Ano? Namjoon, ano bang tanong yan?" Naiilang kong tanong pero di sya nagpatalo  "Namjoon, pareho kaming lalaki at--"

"Ano naman ngayon, Taehyung? Ano naman kung pareho kayong lalaki? Hangga't wala kayong tinatapakan o dinedehadong tao ay hindi kailanman masama ang bagay na yan." Napalunok ako dahil sa sinabi nya.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon