《41》THE ACCIDENT

836 34 9
                                    

Third Person's POV

"Anong ginagawa mo dito?! Alam kong ikaw ang nag-utos--"

"Mr. Seokjin, pwede bang tama na muna?" Natikom ang bibig ni Seokjin nung makita ang mukha ni Jungkook. Nasa mukha nito ang pagsisisi at paghihirap. Kung hindi lang ito hawak ni Namjoon ay baka bumagsak na ito sa sahig.

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jimin sa likod nito ay si Yoongi na nanonood lang. "Hindi si Mr. Jeon ang may gawa ng nangyari. Hindi naman kami pupunta rito kung plano namin to. Gaya nyo ay gusto naming malaman ang kalagayan ni Taehyung. " sabi ni Namjoon.

"JUNGKOOK!" Napalingon sila sa isa pang paparating na lalaki. Hingal na hingal na huminto si Hoseok at tiningnan ang anyo ni Jungkook. "Nalaman ko na nag-away kayo ng Dad mo kaya kita pinuntahan dito. Sinaktan ka na naman ba nya?" Nag-aalalang tanong ni Hoseok pero umiling lang si Jungkook. Parang nanghihina na sya. Ayaw na lang nyang magsalita. Ayaw na nyang magpaliwanag.

"How about Tae? How is he?" Tanong ni Hoseok at binalingan si Namjoon. "I'm sorry, Mr. Jung. Kadarating lang namin dito. Hindi rin namin alam ang kalagayan ni Tae" sabi ni Namjoon bago tingnan ang tatlong kaibigan ni Taehyung.

"Wala kaming sasabi--"

"Nasa critical condition sya. Masyadong malakas ang pagkakabangga sa kanya nung kotseng iyon.  Ayon sa mga nakakita, nag-aabang si Taehyung ng bus malapit sa pedestrian lane pero yung kotse daw ay nawalan ng kontrol. Di na napansin ni Taehyung ang palapit na kotse kaya huli na para umiwas pa sya. Naipit ang katawan ni Taehyung sa pagitan ng kotse at poste. Wala pang sinasabi ang doctor tungkol sa tunay nyang kalagayan. Di pa tapos ang operasyon" paliwanag ni Yoongi na kinalaglag ng panga nina Seokjin at Jimin.

"Yoongi! Ano ba?! Bakit mo sina--"

"Sa ganitong pagkakataon, kailangan muna nating limutin ang galit natin. Gaya ng sinabi ni Namjoon, hindi sila ang may pakana nito. Seokjin, kailangan tayo ni Taehyung ngayon. Tama na muna.." dun ay natahimik si Seokjin at umupo na lang sa waiting area.

Umupo na rin sina Jungkook at Hoseok, nanatiling nakatayo si Namjoon at Yoongi habang nakasandal sa pader.

"Jungkook, anong pinag-awayan nyo ni Tito? Sabi ng butler nyo ay galit na galit kang dumating pero umiiyak kang umalis." Tanong ni Hoseok na kinayuko ni Jungkook.

"Hoseok, di ko kasi alam. Di ko alam na kaya namatay ang Mom nya ay dahil sa sakit at ang Dad nya naman ay dahil sa car accident. Nagalit ako sa kanya, sa pamilya nya, nang di ko inaalam ang iba pang nangyari. Bata pa kasi ako nun at walang nagsabi sakin. Nagtanim ako ng galit at nangakong maghihiganti sa lahat ng Kim. P-Pero ngayon ko lang nalaman na namatay ang Mom nya dahil sa kakulangan nila ng pera dahil sa panggigipit nina Dad. Gusto kong bumalik dun sa oras na pinalayas ko sya sa kumpanya. H-Hoseok, di ko talaga alam. Sumobra ako.." nabahiran ng hikbi ang boses ni Jungkook kaya agad syang inakbayan ni Hoseok.

Nakatingin lang sina Namjoon at Yoongi kay Jungkook habang umiiyak ito. Samantalang sina Jimin at Seokjin naman ay tahimik lang na nakikinig.

"Si Dad ang nag-utos na ipa-hit and run si Taehyung. Nag-away kami dahil ayoko nang idamay pa si Taehyung sa gulong nangyari sa nakaraan. Sa pagkamatay ng mga magulang nya ay dapat ibinaon na rin namin ang mga galit namin pero si Dad, ayaw nya talagang tumigil. Ni hindi nya nga sinabi sakin ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mag-asawa. Kina Yoongi at Namjoon ko lang nalaman." Napapa-buntong hiningang kwento ni Jungkook.

"Yun kasi ang problema. Dapat bago ka gumawa ng hakbang, inalam mo muna lahat. Lumala ang sitwasyon dahil sa pagpapairal mo sa galit mo. Naiintindihan namin na galit ka dahil sa pagkamatay ng Mom mo pero kay Taehyung, dalawang tao ang nawala sa kanya. Ikaw may Dad ka pa pero sya walang kahit na ano.." sumbat ni Seokjin na mas nagpabigat sa nararamdaman ni Jungkook

"Seokjin, tama na. Alam na nya ang pagkakamaling nagawa nya. Nagsisisi na sya, hindi na natin kailangang ipagdiinan pa yun.." sabi ni Yoongi na syang pinakakalmado. Tahimik na lang rin si Jimin at di na nagsalita pa.

"Doc.." agad na nagsipagtayo sina Jungkook nung makita ang sunud-sunod na paglabas ng mga nurse at doktor mula sa OR. Ang isa sa mga ito ay lumapit sa kanila.

"Are you the patient's relatives?" Tanong ng doktor kaya nagkanya-kanya sila ng pagtango.

"Thank god, Mr. Kim is now fine but still unconscious. Some of the bones in his waist was broken. He's also having broken leg but I can assure you that he will be fine as days goes by. What I can't assure is when he'll wake up. Let's just wait for it, thank you" paliwanag ng doktor na kinahinga ng maluwag ng anim lalo na ni Jungkook.

"We will transfer him to one of the room so you can visit and take care of him. I need to go" sabi pa ng doktor kaya nakangiting tumango sina Jimin.

"Salamat po, Doc.." sabi nila. Nung tumalikod ang doktor ay agad na sumunod si Jungkook dito. Nagtataka man sina Namjoon ay hinayaan na lamang nila ito at marahang sinilip si Taehyung mula sa pinto ng OR.

"Doc.." lumingon ang doktor kay Jungkook bago ito huminto.

"Yes, Mr?" Naputol ang sasabihin ng doktor dahil di nya alam ang itatawag kay Jungkook.

"Jeon. Mr. Jeon. I just want to know if his head was also damage. I-I'm just afraid that he's having--"

"No, Mr. Jeon. Walang problema sa ulo nya. Bahagya lang syang nauntog sa poste pero hindi naapektuhan ang ulo nya. Ang pang-ibabang katawan nya ang naapektuhan ng sobra.." napangiti si Jungkook bago yumuko ng paulit-ulit

"Salamat, Doc. Can you transfer him to one of your exclusive rooms? I can pay for the expenses.." tumango ang doktor bago ngumiti.

"Yes, Mr. Jeon. We will inform you after we transfer him.." huling sabi ng doktor bago tuluyang tumalikod.

Nakahinga ng maluwag si Jungkook dahil nawala ang agam-agam nya na baka naapektuhan ang ulo nito. Ayaw nya namang magkaroon ito ng amnesia. Paniguradong di nya kakayanin kung hindi sya makikilala nito

Tanggap nyang galit ito sa kanya pero ang isiping hindi sya nito kilala ay mas masakit. Gagawa sya ng paraan para mapatawad nito. Hindi pa sya nakakaamin sa nararamdaman nya rito.

"Mr. Jeon.." nilingon nya si Namjoon nung lumapit ito sa kanya.

"Why?" Tanong ni Jungkook

"I'm just afraid that Tae's friends will not let you take a glance of him. You knew how much they hate you because of what you've done.." napatingin si Jungkook kay Seokjin at Jimin na parehong nakatingin sa pinti ng OR.

"I'll clear things out. I'll face their nonstop words just to have their forgiveness. Alam ko namang sumobra ako.." Sabi ni Jungkook kaya mahinang tinapik ni Namjoon ang balikat nya

"I'm glad that I can see how much you want to have Taehyung again. I'm also glad because he's the one who changed you.." Namjoon said as Jungkook smile weakly. "Yes, he helped me, he take care of me, he protected me but look what I did to him. That's such a demonic way. Anger and revenge really ate me.." Jungkook sighed.

"I'm sure that Tae can forgive you.."

I really hope..

To be continued...

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon