《15》LUNCH MEETING

822 32 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Mr. Jeon, kainin nyo po muna ito habang patungo tayo sa VHR" sabi ko habang inaabot kay Mr. Jeon ang sandwich na gawa ko. Nandito kami sa backseat at magkatabi. Ako na sana ang mag-mamaneho pero pinigilan nya ko at pinatawag ang isa sa mga tauhan nya para maging driver.

He looked at the sandwich then he glanced at me. Binalik nya rin agad ang tingin nya sa labas ng bintana kaya napasimangot ako. Ayaw nya ba?

"Ayaw nyo po ba? Ginawan ko po kayo ng sandwich kasi alam ko pong di nyo na naman mapapansin ang pagkain nyo oras na maki-meeting po kayo. Ayaw ko lang naman pong magutom kayo.." nakaiwas ng tingin kong paliwanag.

Di naman sya nagsalita kaya napahinga ako ng malalim. Nagulat ako nung kunin nya mula sa kamay ko ang sandwich bago iyon kainin. Mas nanlaki pa ang mga mata ko nung isandal nya sa balikat ko ang ulo nya habang kumakain.

"M-Mr. Jeon.."

"Just let me rest my head for a while, I'm a little bit dizzy. Alam mo namang kagigising ko lang.." sabi nya kaya di na'ko nagsalita pa. Kinuha ko mula sa paperbag ang banana milk at iniabot iyon sa kanya. Kinuha naman nya iyon kaya napangiti ako.

"Nga pala, Mr. Jeon. Tumawag po ang Dad nyo kanina." Napaayos sya ng upo bago ako tingnan. Di ko mabasa ang emosyon sa mga mata nya kaya nagtaka na naman ako. May itinatago talaga sya.

"May sinabi ba sya? May tinanong? Bakit sya tumawag?" Sunud-sunod na tanong nito habang nakatitig sakin.

"Tinanong nya lang po kung ayos lang daw po ba kayo. Sinabi ko naman pong inaantok lang kayo. Sabi nya rin pong, pakisabi sa inyong tumawag daw po sya. Yun lang naman po ang sinabi nya." Sabi ko at nakita ko ang relief sa mga mata nya. Tumangu-tango sya bago ibaling ang tingin sa bintana. 

Uminom sya sa banana milk nya at muling kumuha ng sandwich sa lalagyanan. Patuloy syang kumain habang ako naman ay inabala na lang ang sarili ko sa cellphone ko.

Chine-check ko kung naayos na ba ng mga staff ng VHR ang reservation na pina-book ni Mr. Jeon. Lumipas lamang ang ilang minuto at nagulat pa'ko nung "Tissue.." nag-tataka man ay iniabot ko sa kanya ang tissue na nasa paper bag ko.

Pinunasan nya ang labi at kamay nya bago itapon sa paper bag na lalagyanan ng sandwich kanina ang gamit ng tissue. Nalaglag ang panga ko nung makitang naubos nya ang nasa pitong hiwa ng sandwich at tatlong bote ng banana milk na inihanda ko para sa kanya.

Balak ko sana na hanggang sa biyahe pauwi ay mayroon syang kakainin pero...inubos nya. Nag-aalangan akong tumingin sa kanya at inangatan pa talaga nya ko ng isang kilay.

"Problem?" Tanong ni Mr. Jeon bago maglagay ng alcohol sa kamay. Pinabanguhan nya rin ang sarili nya at inayos ang coat nya.

"Wala naman po. Maayos na po ba ang pakiramdam nyo?" Tanong ko naman habang inaayos ang pinagkainan nya sa paper bag.

"Yes. I can handle myself. Just listen carefully to our meeting" paliwanag nito kaya tumango naman ako.

"Sige po. Nakaayos na daw po ang reservation sabi ng VHR staffs." Sabi ko na tinanguan nya rin.

Nung marating namin ang VHR ay agad syang bumaba kaya sumunod naman ako. Agad kaming dinala ng staffs sa pina-reserve naming mesa bago bigyan ng menu.

"Order anything, Mr. Kim. I'll just review the documents.." sabi ni Mr. Jeon habang abala sa pag-scan ng mga dokumentong hawak nya. Napalunok na naman ako nung makita ang mga presyo pero umorder pa rin naman ako dahil di naman ako ang magbabayad.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon