《22》JEALOUSY

866 34 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Teka, sino po kayo?" Tanong ko agad sa babaeng bigla na lang sumusulpot sa opisina ni Mr. Jeon. Mas maaga ako ngayon at late naman si Mr. Jeon. Inaasikaso ko na ang mga dapat niyang gawin ngayong araw nung biglang dumating yung babae.

Binigyan ako nito ng head-to-foot bago angatan ng isang kilay. Di ko man nagustuhan ang inasal nya ay pinili ko pa ring respetuhin sya.

"Where's Jungkookie?" Tanong nito bago pa ilibot ang paningin nya sa paligid. Nalaglag naman ang panga ko dahil sa pangalang sinabi nito.

J-Jungkookie? What the hell?

Huminto ang mga mata nya sakin kaya umayos ako muli ng tayo.

"Kung napapansin nyo po ay wala po sya rito. Hindi pa po sya pumapasok. Sino po ba kayo at ng masabi ko po sakanya?" Pagtatanong ko muli pero inangat nya lang ang isa nyang kamay na parang sinesensyasan akong manahimik.

"No need. I'll just call him.." sabi nito bago kunin ang phone nya sa purse na dala nya. Tinalikuran ako nito bago itapat ang phone sa tenga nya. Di ko naman mapigilang titigan ang klase ng pananamit na meron sya.

Napakaikli ng red fitted-dress nya na halos kita na ang pang-ibaba nya. Di ko rin natipuhan ang pagiging revealing ng damit nya na para bang pumunta sya dito para gumawa ng seduction. Napailing na lamang ako bago ipagpatuloy ang ginagawa ko sa mesa ni Mr. Jeon.

"Jungkookie. Yes, I'm here. Aren't you going up? Oh, you're at the elevator already? Okay, I'll just wait for you here. See you, I'm so excited to see you.." napatingin ako sa kanya matapos nyang patayin ang tawag. Todo-ngiti pa ito pero nung mapalingon sya sakin ay agad nya kong inirapan. Grabe, napakataray.

Who the hell is she? Bakit ganyan sya katapang at kataray? Nag-iwas na lang ako ng tingin bago umalis sa tapat ng mesa ni Mr. Jeon. Wala na rin  aman akong gagawin pa dun. Sakto namang bumukas ang elevator kaya agad na tumakbo yung babae papunta dun.

Natulos ako sa kinatatayuan ko nung makita ang nakangiting mukha ni Mr. Jeon. Really? He can smile infront of that girl? Niyakap nya pabalik ang babae kaya nagtama ang mga mata namin. Mabilis ang naging pag-iwas ko ng tingin at nag-tuluy-tuloy sa kitchen counter.

Damn, kitang-kita ko ang pagkabura ng ngiti nya nung makita ako.

Kahit wala naman akong dapat gawin sa kitchen ay nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanila.

"Faye, I'm glad you came.." rinig kong sabi ni Mr. Jeon. Sa tingin ko ay naglalakad na sila patungo sa sofa dahil naririnig ko rin ang mga yapak nila. Nilingon ko sila at nakita ang pag-alalay nya sa babae.

I didn't saw him this gentle to anyone...

Except me.

"Of course, Jungkookie. I can be with you anytime you wanted.." halata ang pang-aakit ni Faye sa tono nya. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa counter nung hawakan pa nito ang pisngi ni Mr. Jeon.

Niyuko ko ang ulo ko at akma na sanang aalis nung tawagin ako nung babae.

"Hey!" Damn, hindi 'hey' ang pangalan ko. Huminto ako sa paglalakad pero nanatili akong nakayuko.

"He's your secretary, right? Or a maid?" Tanong nito kay Mr. Jeon kaya napaangat ako ng tingin. Nakatingin si Faye kay Mr. Jeon samantalang nakatingin naman sakin si Mr. Jeon. Para bang pinapanood nya ang bawat reaksyon ko.

"He's my secretary, Faye. He's Kim Taehyung" sabi nito bago tignan si Faye na tumangu-tango naman..

"Oh, okay. But can he make a juice for us?" Tanong pa nito kay Mr. Jeon. Sandaling ngumiti si Mr. Jeon na nagpatulala na naman sakin. I can't believe what I'm seeing.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon