《27》DOUBT

752 29 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Miss Im.." pagtawag ko sa atensyon ni Nayeon. Tiningnan naman nya ko bago ngumiti.

"Sakin ka na sumabay.." sabi nya pa habang tinuturo ang upuang nasa harapan nya. Nasa cafeteria kami ng kumpanya at pansin kong sya lang mag-isa ang nakaupo sa mesa nya.

"Miss Im, bakit mag-isa kang kumakain?" Tanong ko nung makaupo ako.

"Wag mo na'kong i-Miss, hahaha. Pareho lang naman tayong empleyado dito, kahit Nayeon na lang. By the way, nauna na kasing kumain yung mga kasamahan ko kanina, ako kasi yung naiwan sa lobby. Kaya ngayon ako na lang mag-isa ang kumakain tapos sila naman yung magbabantay sa lobby.." paliwanag nya kaya napatango ako.

"Ah, kaya naman pala. Di kasi ako sanay na mag-isa ka lalo na't napaka-friendly mo sa lahat.." natawa sya sa sinabi ko. "Mas friendly ka nga kaysa sakin. Kailan ka lang na-hire dito pero tingnan mo naman at halos lahat ay kaibigan mo na." Sabi pa nito.

"Eh, ikaw? Bakit ngayon ka lang kumakain?" Tanong nya bago ipagpatuloy ang pagkain nya.

"Ngayon lang ako nagising. Nakatulog kasi ako kanina habang chine-check yung monthly update ng mga branch sa ibang bansa." Kwento ko na kinatawa nya.

"Buti at maluwag sayo si Mr. Jeon. Kung iba yan, paniguradong nasisante na" tumatawang sabi nito. "Pero alam mo bang napapansin ko na parang nawala yung dark aura ni Mr. Jeon? Napapaisip ako kung may girlfriend na sya kaya sya nagbabago. Minsan nahuhuli ko syang nakangiti habang papasok ng elevator sa umaga tapos kahit pag pauwi sa hapon" kwento nya na kinasamid ko.

"Tubig, oh. Naku, Taehyung, ingat sa susunod"
Agad kong kinuha ang tubig at ininum yun.

"Siguro may magandang nangyayari sa kumpanya kaya laging light ang aura nya" opinyon ko na tinanguan nya.

"Oo, pero baka dahil uuwi si Ma'am Manoban?" Kunut-noo ko syang tiningnan kaya nabura ang ngiti nya. "Di mo kilala si Miss Lisa?" Tanong nito kaya napaisip ako.

Lisa?

"Teka, sya ba yung branch leader ng Singapore?" Tanong ko.

"Tumpak!" Sabi nito habang nakathumbs-up pa. "Pero di lang sya basta branch leader" nagseryoso ang mukha nito kaya napatigil ako sa pagkain at nag-focus sa kanya.

"Bakit? Ano pang meron?" Tanong ko dala ng kuryosidad. Kitang-kita ko naman kasi dati kung gaano kalapit si Mr. Jeon kay Miss Lisa. Napakarami ngang tanong sa isip ko dati kung sino ba'tong Lisa na'to at ganun na lang sila ka-close.

"Yiiehh, curious?" Tanong nya. "Oo,eh. Di ako matatahimik hangga't di mo sinasabi" sagot ko na kinangisi nya "Let me feed your curiosity. Naalala mo yung mga isyung kumalat dati? Yung isyu sa pagitan nina Mr. Jeon at Mr. Agustus?" Tanong nito na agad kong tinangua.

Paano ko makakalimutan yun kung di pa rin nasasagutan ang mga katanungan ko hanggang ngayon? May mga tanong pa rin sa isip ko na hindi na nalagyan ng kasagutan.

"Si Miss Lisa Manoban yung babaeng pinag-awayan nila.." napatingin ako sa kawalan matapos nyang sabihin yun. Kung si Lisa ang babae na yun, bakit malapit pa rin sya kay Mr. Jeon? Hindi ba dapat ay lumayo na sya dahil malaking isyu ang kumalat?

"Alam mo ang buong kwento?" Seryoso kong tanong. She chuckled as she sipped her juice. "Yes" pagsagot nito. "Tell me"

"Why are you so curious, Taehyung?" Tanong ni Nayeon bago umayos ng upo. Napatikhim ako pero di ko inalis ang seryoso kong mukha. "You said you'll feed my curiosity. I'm just taking advantage of it.." sabi ko din kaya napatangu-tango sya.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon