《16》NURSE KIM

861 32 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Salamat po. Ako na pong bahala.." sabi ko sa driver bago isarado ang pinto ng condo ni Mr. Jeon. Umalis na ang driver nung maihatid kami at matulungan akong iakyat si Mr. Jeon sa condo nya.

Sobrang panic ang naramdaman ko kanina nung bigla syang bumagsak sa akin. Mabuti na lang talaga at nakapag-balance ako at nakarating agad ang tauhan ni Mr. Jeon.

Naglakad ako patungo sa kwarto nya habang may dalang maliit na planggana at towel. Pupunasan ko sya para bumaba ang lagnat nya kahit papano.

"Hmm.." ungol nya bago idilat ang mga mata nya. Agad akong umupo sa tabi nya upang malaman nyang may kasama sya. Kunut na kunot ang noo nya habang nakatitig sakin kaya ngumiti ako. Para bang kinikilala nya pa'ko base sa tingin na binibigay nya sakin.

"Mr. Jeon, magpahinga po muna kayo. Dadalhin ko po sana kayo sa ospital pero sabi po ng driver nyo ay mas maganda daw pong huwag na lang. Lalo na po't sikat kayo at maraming issue ngayon. Ako na lang po ang mag-aalaga sa inyo.. kaya ko naman po. Marunong po ako.." paliwanag ko dito pero di naman na ito nagsalita at muling ipinikit ang mga mata nya. Nagkibit-balikat na lang ako bago humarap sa plangganang ibinaba ko kanina sa side table nya.

"Pupunasan ko po muna kayo.." paalam ko habang pinapalipitan ang towel mula sa planggana. Lumuhod ako sa tabi ng kama at pinunasan ang leeg nya. "Hmm..." may umalpas na namang ungol sa labi nya kaya napailing ako. Talagang masama nga ang pakiramdam nito. Sobrang init ng singaw ng katawan nya at talagang mahirap iyon.

"Kailangan ko pong alisin ang damit nyo, Mr. Jeon.." paalam ko rito at di na naman sya sumagot. Kinalas ko ang necktie nya at tuluyan nang hinubad sa kanya ang coat nya.

Nangunot ang noo ko nung makitang may bahid ng dugo ang puting long sleeves nya. Agad ko itong hinubad sa kanya para lang magulat sa makikita ko. Napalayo ako ng wala sa oras at gulat na gulat na sinulyapan ang nakapikit na si Mr. Jeon.

"M-Mr. J-Jeon, b-bakit...napakarami m-mong pasa at sugat s-sa katawan?" Di makapaniwalang bulong ko habang nakatitig sa katawan nyang halos kulay ube na dahil sa mga pasa.

A-Anong gagawin ko?

Nabitiwan ko ang towel at agad na tumayo. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Kailangan na kailangan ni Mr. Jeon ang tulong ko. Kapag hindi pa sya nagamot agad ay paniguradong lalala lang ang mga sugat nya at baka ma-impeksyon pa.

Naghalungkat ako ng first aid kit sa buong condo nya. Imposible namang wala syang ganun dito diba? Narinig ko pa ang mahinang hilik nito na nangangahulugang nahulog na naman sya sa pagtulog.

"Finally.." naibulong ko nung makita ang first aid kit sa kitchen nya. Tumakbo ako pabalik sa kwarto nya at sinimulan na syang gamutin.

Paulit-ulit sa isipan ko ang mga tanong na di ko alam kung maitatanong ko ba kay Mr. Jeon. Bakit sya may mga pasa at sugat? Saan nya to nakuha? May kaugnayan ba'to sa nangyari kahapon? Dahil ba'to sa mga issue?

Nung matapos ko syang magamot at mapunasan ay tinitigan ko ang mukha nya. Walang kahit na anong galos ang mukha nya, namumutla lang talaga. Di ko inakala na sa likod ng mga damit na suot nya ay nagtatago ang mga sugat at pasa na naghihintay na magamot.

"Magluluto na lang muna ko.." bulong ko bago palitan ang towel sa noo nya. Napaungol na naman sya at bahagya pang napaigik sa sakit kaya agad kong hinawakan ang kamay nya. Hinaplos ko ang pisngi nya, di ko mapigilan di mag-alala habang tinitingnan ang anyo nya ngayon.

"Nandito lang po ako, Mr. Jeon.." bulong ko. Tumigil sya sa pag-igik kaya nakahinga ako ng maluwag. Pinikit ko ang mga mata ko at hinalikan ang ulo nya at ang dulo ng ilong nya.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon