《39》FRIENDS TO THE RESCUE

770 27 9
                                    

Third Person's POV

"Ilang araw na yang ganyan ah?" Tanong ni Seokjin kay Taehyung habang abala sya sa pagluluto ng tanghalian. Ilang araw na ang lumipas mula nung umuwi si Taehyung na iyak ng iyak dahil kay Jungkook AKA Demonic CEO.

"Di ko rin alam, Jin. Lahat ng kumpanyang pinasukan ko ay puro ganun ang sinasabi. Kahit na hiring pa sila ay sinasabi nilang may nahanap na sila. Ang weird lang kasi" sabi ni Taehyung sa kabilang linya.

"Di kaya pakana na naman to ng Jeon Jungkook na yan? Baka mamaya ay naka-banned ka sa lahat ng kumpanya dahil sa utos nya. Yan talagang Jeon na yan, malilintikan sakin yan" sabi ni Seokjin at binagsak pa talaga ang takip ng kaserola bago nakapamewang na lumabas.

Sa labas ay nakapwesto sina Jimin at Yoongi na abala sa paghahanap ng mga trabaho online. Sa ganung paraan man lang ay makatulong sila sa kaibigan.

"Hindi naman siguro.." pagsagot ni Taehyung bagamat may hinala na sya na baka tama ang sinasabi ni Seokjin. Ayaw nyang masaktan na naman sa katotohanang patuloy syang pinapahirapan ni Jungkook.

"Tae, wag mo nang ipagtanggol yang Jeon na yan. Halata naman kung ano ang goal nya sa buhay. Gustong-gusto ka nyang pahirapan. Napakaano talaga" sabi ni Seokjin.

"Teka, may papasukan lang ako ulit.." sabi ni Taehyung bago ibaba ang tawag. Napahinga sya ng malalim bago tingnan ang huling kumpanya sa listahan nya ngayong araw.

Di nya alam kung malas lang ba sya o talagang may ginawa si Jungkook para i-banned sya sa lahat ng kumpanya. Ayaw nyang isipin ang bagay na yun pero sa laki ng galit sa kanya ni Jungkook, posibleng may kinalaman ito sa nangyayari.

"Good morning, hiring po ba kayo?" Tanong nya agad sa guard nung makalapit sya. Tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa. "Ano pong pangalan nyo, Sir?" Tanong nito na kinataka ni Taehyung. Bakit kailangan pang alamin ang pangalan bago makapasok sa loob?

"Ahm..Kim Taehyung po.." sagot nya dito. Agad na nag-iwas ng tingin ang guard bago umiling. "Pasensya na po, Sir. Hindi po kami hiring." Tumango na lang si Taehyung bago tumalikod. Habang naglalakad palayo ay nanghihina syang umupo sa isa sa mga plantbox sa lugar.

Ilang araw na syang paikut-ikot sa lugar pero wala syang napala. Para lang syang nagsasayang ng pera para sa pamasahe at merienda nya. Napapunas na lang sya sa sariling mukha nung maramdaman ang pagtulo ng luha nya.

Malapit na yata syang sumuko.

Bigla ay tumunog ang phone nya kaya sinagot nya agad.

"N-Namjoon.." bulong nya sa kabilang linya. Halata sa boses nya ang labis na pagod at lungkot. "Tae, bakit ganyan ang boses mo?" Tanong nito kaya napahinga ng malalim si Taehyung.

"Namjoon, di ko alam kung malas lang ba'ko o ano pero ilang araw na'kong naghahanap ng trabaho. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong mapasukan. Nasasayang lang yung pera ko." Emosyonal na kwento ni Taehyung

"Yun nga ang dahilan kung bakit ako tumawag..." halos pabulong na lang iyon na sinabi ni Namjoon. "Bakit? Anong problema?" Tanong ni Taehyung.

"Hangga't maaari wag kang mag-apply sa malalaki at kilalang kumpanya. Mas maganda kung sa resto ka o sa mga mall na lang." Sabi ni Namjoon kaya nakadama si Taehyung na tama nga ang hinala nya. "Naka-banned ba'ko sa lahat ng kumpanya?" Tanong nya pero di agad nakasagot si Namjoon.

"I'm sorry, Tae. Mr. Jeon ordered us to banned you in all the companies around the Metro. Because of the power and authority he have, all the company owners agreed with him. We can't stop him." Taehyung sighed because of what he heard

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon