《18》UNEDUCATED SECRETARY

885 33 3
                                    


Kim Taehyung's POV

"Mr. Alazar.." lumabas si Mr. Jeon sa elevator at tumungo sa pwesto ni Mr. Alazar. Nakaupo sa tabi ni Mr. Alazar si Reign na di makatingin sakin. Mula sa pagbabasa ng magazine ay napatingin samin si Mr. Alazar.

"What brought you here, Mr. Alazar?" Tanong ni Mr. Jeon habang umuupo. Nanatili naman akong nakatayo sa tabi ng sofa'ng inuupuan ni Mr. Jeon. Napalunok ako nung tingnan ako ni Mr. Alazar gamit ang seryosong mga mata nito. Sinara nito ang magazine at binagsak ito sa mesa.

"I'm sorry for being disrespectful, Mr. Jeon, but I am here because of that disgusting secretary of yours.." napatingin sakin si Mr. Jeon samantalang nanatili ang tingin ko kay Mr. Alazar dahil sa gulat.

D-Disgusting? Anong ginawa ko para pagsalitaan nya ko ng ganun?

"Pardon?" Tanong ni Mr. Jeon sa seryosong boses.

"Mr. Jeon, your perverted secretary harrassed Miss Choi last Monday. Akala ko ay edukado't disente pero may itinatago rin pala. Disenteng tao ang sekretarya ko Mr. Jeon kaya hangga't maaari sana ay gumawa ka ng aksyon sa isyu na ito.." galit na sabi ni Mr. Alazar. Nabaling ang tingin ko kay Reign na di makatingin sakin.

Talagang binaligtad nya ang nangyari?!

"I won't tolerate my secretary's action, Mr. Alazar. Don't worry, I'll talk to him--"

"M-Mr. Jeon.."  akala ko ba ay narinig nya kami?bakit ganyan sya kung magsalita ngayon? Hindi nya ko binalingan ng tingin kaya napayuko ako. Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko dahil sa nangyayari. Damn, nakakainis.

"Mabuti naman, Mr. Jeon. Ayokong magkalamat ang matibay nating samahan dahil sa secretary mong walang pinag-aralan--"

"Mr. Alazar, I'm sorry if I'll cut you off but give me a minute. Just a damn minute.." napatingin ako kay Mr. Jeon nung maringgan ko ang nagtitimping tono nya. Sandali nyang tiningnan si Reign na napaayos ng upo. Nagtataka man ay di natinag ang galit ni Mr. Alazar.

"Okay, Mr. Jeon. Take your time" agad na tumayo si Mr. Jeon at nilampasan ako. Tumayo sya malapit sa mesa nya at kinuha ang phone nya. Nanatili ako sa pwesto ko kahit para na'kong pinapatay sa tingin ni Mr. Alazar.

Bakit ako ang lumalabas na masama ngayon?

"Mr. Kim Taehyung, you're working as a secretary and not as a perverted moron. Hindi ako magdadalawang isip na sampahan ka ng kaso dahil sa ginawa mo. Ilang taon ko ng secretary si Miss Choi at para ko na rin syang anak. Ayokong binabastos sya ng mga lalaki lalo na yung kasing-baba mo lang rin naman ang estado.." di na'ko nagsalita pa. Kahit ang tingnan sya ay di ko magawa.

Nanghuhusga sya ng walang sapat na dahilan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para kalmahin ang sarili ko. Mas matanda pa rin sya sakin, kailangan ko syang galangin.

"E-Excuse me.." agad akong tumalikod habang pilit na pinipigilan ang luha ko. Paano ko ipaglalaban ang sarili ko kung wala akong kakampi? Kung naiipit ako sa sitwasyon?

Baka kapag lumaban ako ay magkalamat ang samahan ng dalawang angkan. Natatakot rin akong mawalan ng trabaho at.... malayo kay Mr. Jeon.

"Mr. Kim, stay.." nilingon ko si Mr. Jeon nung sabihin nya yun. Napatingin sya sa mga mata ko kaya agad akong nagyuko ng ulo.

Maya-maya lamang ay binuksan ni Mr. Jeon ang laptop nya at may kung anu-anong pinindot dun. Nanatili akong nakatalikod sa dalawa dahil napakahirap nilang harapin.

"Mr. Alazar, I'm sorry if I'll disrespect you but I want you to know how bitchy and slutty your secretary is. You're telling that I have an uneducated and perverted secretary? You also called him moron?--"

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon