《02》JOB HUNTING

1K 36 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Nakakapagod.." bulong ko matapos umupo sa gilid ng daan. Hawak ko ang folder na naglalaman ng mga detalye at impormasyon tungkol sakin. Buong umaga na'kong paikut-ikot dito pero hanggang ngayon ay wala pa ring tumatanggap sakin.

Idagdag pa ang mainit at maliwanag na sinag ng araw. Ramdam ko namang tumatagaktak na ang pawis ko dala ng kainitan ng tanghali. Nauuhaw na rin ako dahil naubos ko na yung isang boteng dala ko. Mag-aalas-dose na pero heto ako't wala pang kain at pahinga.

Pinaypay ko sa sarili ko ang folder habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa mga taong paroo't parito. May mga problema din kaya sila gaya ko? Ganun din kaya kalaki ang problema nila?

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa pinag-iiisip ko. Bakit ko naman ikukumpara ang sarili ko sa kanila gayong alam ko namang iba-ibang problema ang kinakaharap ng mga tao? Tumayo na'ko at sandaling inayos ang sarili ko. Ayos na siguro ang kaunting pahinga na yun para magpatuloy.

"Ay, tangina!" Napatalon ako nung may biglang bumusina sa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin sa itim na kotseng gumulat sakin. Nag-iigting ang pangang nilapitan ko sya at kinatok ang bintana ng kotse nya. Aba, napakalaki na nga ng problema ko tapos manggugulat pa sya? Gusto yata nitong mawalan ng kotse.

"Ano bang problema-----mo..." naputol ang sasabihin ko at nawala ang galit sa tono ko nung unti-unting bumaba ang salamin at bumungad sakin ang mukha nya. Sandali nyang ibinaba ang shades nya at sinulyapan ako. Binalik nya rin agad yun sa mga mata nya matapos akong tingnan.

"Next time, don't stand near the road. If you want to die, don't involve me. Just jump at the bridge then die. Tsk" bulong nito na kinakurap ko ng ilang beses. Aba't isa't kalahating demonyo pala to. Napangiti ako ng pilit, pinipigilan ko lang ang sarili kong sakalin sya.

Alam ko rin naman kasing kasalanan ko. Nakatayo ako malapit sa daan at kung maaaksidente man ako ay dahil kasalanan ko.

"Ah, sige. Salamat sa paalala" sarkastiko kong sagot kaya tumango lang sya at pinaharurot ang kotse nya. Naiwan ako dun kasama ang usok at alikabok mula sa kanya. Taena, mukha na nga akong hindi tao mas nagmukha pa'kong pulubi dahil sa duming iniwan nya.

Uubo-ubong sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala sya. Pinagpagan ko ang sarili ko bago nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho.

Kaya siguro ko natulala sa kanya ay dahil sa kakaibang mukhang mayroon sya. Kung hindi lang talaga ma-attitude yun ay baka kinausap ko pa ng maayos. Gwapo nga, may dating, malakas ang appeal at mayaman pero dimonyo naman. Tss, wala rin. Mas mahalaga ang ugali at personality kaysa sa panlabas na anyo.

"Ma'am, are you looking for new employees?" Tanong ko sa babaeng lumabas mula sa isang coffeeshop. Sa tingin ko ay sya ang may-ari nun dahil sa pag-bow sa kanya ng mga guwardya at tauhan ng coffeeshop.

Tiningnan nya ko ng matagal kaya medyo nahiya naman ako. Alam ko namang di na kaaya-aya ang hitsura ko dahil kanina pa nga ako naghahanap ng trabaho sa buong Metro.

"No, I have a lot of employees and I'm not looking for an addition. Look on the plyers next to my shop. Maybe, you can find something there.." sabi nya sabay turo sa pader na kasunod ng coffeeshop. Napangiti naman ako bago sandaling nag-bow sa harap nya.

"Sige po. Salamat po" sabi ko habang nakangiti. Tumango naman sya at sumakay na sa kotse nya. Naglakad naman ako palapit sa mga plyers na nakapakat sa pader. May ibang halatang matagal at luma na, pakiramdam ko ay di na tumatanggap yung ganun. May isang plyer na kumuha ng atensyon ko kaya napatitig ako dun ng matagal.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon