《13》ISSUES

855 32 1
                                    

Kim Taehyung's POV

"Bukas pa naman kasi yung meeting tapos pinauwi pa'ko para lang sa reservation. Pwede namang sya na lang yung magpa-reserve,eh" asar kong bulong habang naglalakad patungo sa Venuz Hotel and Resturant o VHR.

Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang mag-aalas-tres na pala ng hapon. Kanina pa nag-aabang ng update si Mr. Jeon pero di ko naman masisisi ang traffic pauwi.

Agad akong pumasok sa VHR. Nagulat pa'ko nung sumalubong sakin ang maraming tao na halatang mga disente at galing sa matataas na angkan. Tiningnan ko ang suot ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako mukhang basahan dito.

"Miss?" Pagtawag atensyon ko sa babaeng alam kong pwedeng pag-sabihan ng reservation. Umangat ang tingin nito sakin bago ngumiti.

"Yes, Sir?" Tanong nito.

"Can I have a reservation for tomorrow?" Tanong ko dito na ikinabura ng ngiti nya.

"I'm sorry, Sir but we're fully-booked. The last reservation was taken by 2:30PM. I'm really sorry but we can't give you a reservation until tomorrow." Paliwanag ng babae na kinatulala ko ng ilang minuto.

Kung hindi ako makakapag-pa-reserve ay siguradong...

Papatayin ako ni Mr. Jeon!

"G-Ganun ba? P-Pwede bang kung meron mang biglaang slot ay tawagan mo'ko? Napakaimportante lang kasi nito.." sabi ko bago ibigay ang number ko sa kanya.

"Sige po, Sir. Maraming salamat po" sabi ng babae matapos kunin ang papel. Kahit nanghihina ako ay nakuha ko pa ring ngumiti at maglakad palabas ng VHR.

Ibig kong mapamura nung biglang tumawag si Mr. Jeon. Ano nang sasabihin ko sa kanya? Kung napaaga lang ako ng dating ay naunahan ko sana yung last reservation. Nanginginig na sinagot ko ang tawag.

"What took you so long to answer your phone?!" Asar na sigaw nito na mas nagpakaba sakin.

"Mr. Jeon, k-kasi--"

"Update me now. You're testing my patience.." sabi na naman nito kaya napahinga ako ng malalim.

"MR.JEONYUNGVHRPOAYFULLYBOOKEDNAATDINAPOTUMATANGGAPNGRESERVATION!SORRYPOKUNGNAHULIAKONGDATING!" Nagmamadali at walang hinga-hinga kong sagot dito. Natahimik sya sa kabilang linya samantalang ako ay patuloy sa pagdarasal na sana ay di sya magalit sa....kin

"What the fuck are you saying,Mr. Kim? Will you please make it clear. You're not a freakin rapper. Damn it" asar na namang sabi nito na kinabilis na naman ng tibok ng puso ko. Daig ko pa ang bibitayin

"M-Mr. Jeon, k-kasi..." di ko matuloy ang sasabihin ko sa takot.

"What? You're making me angrier, Mr. Kim" nagbabanta ng sabi nito.

"Mr. Jeon, sorry na po pero yung VHR po ay fully-booked na at di na po tumatanggap ng reservation. Kung nakarating po sana kong maaga ay nakuha po natin ang last reservation. Sorry po, Mr. Jeon" paliwanag ko rito.

Di sya agad nagsalita at tahimik lang sa kabilang linya. Mas nakadama naman ako ng kaba dahil dun.

"Pasensya na po talaga. Sana po ay inagahan ko para may reservation pa po. Alam ko pong paborito nyo ang mga pagkain dito kaya po--"

"Okay, stop that explanation you're saying. You're just making me angrier.." napapabuntong-hiningang sabi nito.

"Mr. Jeon.."

"Now, you understand how important every minute is. Stop being guilty because I already reserved a table there. We're the last reservation at 2:30. I knew that you'll be late that's why I reserved it on my own..."

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon