《08》MAKES HIM CALM

981 43 4
                                    

Kim Taehyung's POV

"Order anything you want.." bulong sakin ni Mr. Jeon nung may waiter na nag-abot ng menu sa amin. Bahagya pa'kong napalunok nung maramdaman ang hangin na nagmumula sa bibig nya.

Matapos nung elevator scene ay pinutol nya rin ang sarili nyang utos. Sinama nya'ko sa meeting nya at sinabing wala ng bisa ang one-week na pagmememorize ko dahil kabisado ko naman na daw pala.

Heto nga ako ngayon at katabi sya habang hinihintay ang ka-meeting nya. Male-late raw ito ng 5 minutes dala ng traffic. Nakakapagtaka nga lang na di ito sinigawan ni Mr. Jeon, light aura pa rin ang nakapalibot sa kanya.

"S-Sige po.." di lumilingong sagot ko bago buklatin ang menu. Sinuri ko ang bawat pagkain na nandun pero wala akong mapili. Hindi naman sa di masarap pero... halos lahat ng nandun ay sobrang mahal. Sa bawat presyo nito ay pwede na'kong bumili ng napakaraming damit sa divisoria.

"Ready to order?" Tanong ni Mr. Jeon nung mapansing sinara ko na ang menu. Tiningnan ko sya bago pilit na ngumiti.

"Water can do, Mr. Jeon.." sabi ko na kinakunot ng noo nya.

"Huh? Don't you like the menu?" Tanong nya at akmang kukunin yun pero binaba ko yun sa mesa at dinaganan ng kamay ko.

"Okay lang, Mr. Jeon pero---"

"Too expensive, isn't it?" Pagputol nya sa sasabihin ko na kinatango ko.

"Don't mind the price. Just order what you want.." sabi pa nito na inilingan ko.

"I-o-order ko na lang po kayo, Mr. Jeon--"

"I said order anything you want. Are you disobeying me, Mr. Kim?" Seryosong sabi nito.

"Sige po. Sorry, Mr. Jeon." Sagot ko dahil ayoko namang mawala sya sa mood dahil lang sakin. Muli kong binuksan ang menu at kahit lulang-lula na'ko sa mga presyo nito ay umorder pa rin ako.

"Great. You're finally here." Sabi ni Mr. Jeon nung may lalaking tumayo sa harapan namin. Sandali itong ngumiti bago napahinga ng malalim.

"Traffic really sucks, Mr. Jeon. I'm sorry if I made you wait" sabi nito habang umuupo.

Napakaswerte mo nga dahil di sya nagalit sayo. Sa ibang ka-meeting nya, kapag na-late lang ito ng 1 second halos pasabugin na nya ang buong resto. Mabuti na lang talaga at good mood si Mr. Jeon ngayon.

"Did you already order?" Tanong nito.

"Yes, we also ordered food for you. So, let's start?" Tanong ni Mr. Jeon kaya tumangu-tango naman ang lalaki.

"By the way, I'm Rave Agustus. Thank you for accepting my request" pakilala nito kaya ngumiti ako.

"I bet you already knew me so I don't need to introduce myself. This guy beside me is my secretary, Mr. Kim Taehyung" pakilala sakin ni Mr. Jeon.

Bahagya kong tinaas ang kamay ko at nag-wave kay Mr. Agustus. Napansin ko ang pagkislap ng mga mata nito at ang paglaki ng ngiti nito nung makita ako.

"Nice to meet you, Mr. Kim" sabi nito bago ilahad ang kamay nya. Ayoko namang maging bastos kaya kahit nakakailang ay wala kong nagawa kundi tanggapin ang kamay nya.

"Nice to meet you,too, Mr. Agustus" nakangiti kong sabi dito. Akmang aalisin ko na ang kamay ko nung higpitan nya ang pagkakahawak rito. Unti-unting nabura ang ngiti ko nung dumukwang pa sya para halikan ang kamay ko.

What the fuck is that?

"E-Excuse me?" Ramdam ko ang panginginig sa boses ko dahil sa inasal nya. Nginisihan nya ko at sa totoo lang ay di ko na nagugustuhan ang binibigay nyang tingin sakin.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon