《09》SAVE THE BOSS

890 38 3
                                    

Kim Taehyung's POV

"Taehyung, wag ka munang aakyat.." napalingon ako sa likod ko nung marinig ang boses ni Namjoon. Kinunutan ko sya ng noo pero isang buntong hininga lang ang nakuha ko mula sa kanya.

Dala ko pa mandin sa mga kamay ko ang paboritong italian pasta ni Mr. Jeon. Kanina pa'ko umalis at halos isang oras na yata ang lumipas bago ako nakabalik. Naubusan kasi ng pasta at hinintay ko pang maluto ang mga iyon.

"Bakit Namjoon? May problema ba?" Tanong ko bago iwanan ang harapan ng elevator. Lumapit ako sa kanya habang sya naman ay halatang malalim ang iniisip.

"Mr. Jeon's in trouble. His father is here because of what happened last wednesday." Namjoon said worriedly.

I look away as I reminisce what happened last wednesday that made Mr. Jeon's Dad came here.

Nanlaki ang mga mata ko nung maalala ang lahat ng nangyari nung araw na yun. Tiningnan ko si Namjoon at base sa ekspresyon nya'y mukhang sinasang-ayunan nya ang nasa isip ko.

"T-That was the day that he turned down Mr. Agustus's offer, isn't it?" Tanong ko na tinanguan nya.

"Nalaman ko na matalik na kaibigan pala ng mga Jeon ang pamilya Agustus lalo na ang mga padre de pamilya nito. Ikinagalit ni Mr. Jeon ang pagrereject at pagsuntok ni Jungkook kay Rave. Di ko alam ang buong nangyari sa meeting na iyon pero ikinataka ko rin kung bakit sinaktan ni Jungkook si Rave kahit na alam nyang mapapagalitan sya ng Dad nya.." napapailing na sabi ni Namjoon.

Wala kong nagawa kundi ang tumitig sa sahig habang iniisip si Mr. Jeon. Di naman sana magugulo ang meeting na iyon kung hindi ako binastos ni Mr. Agustus at kung di nya ko sinabihan ng kung anu-ano.

Kasalanan ko ang nangyari pero heto't sinasalo ni Mr. Jeon ang lahat ng salitang galing sa sarili nyang ama.

"Taehyung--teka!" Di ko na nilingon pa si Namjoon. Agad akong pumasok sa elevator at tinungo ang opisina ni Mr. Jeon. Di ako sigurado sa gagawin ko, natatakot ako, kinakabahan pero ayokong si Mr. Jeon lang ang sasalo ng lahat.

Nung bumukas ang pinto ng elevator ay nagulat ako sa nakita ko. Putok na ang labi ni Mr. Jeon at halos habol na nya ang hininga nya habang nakasandal sa pader. Nakaupo na lang sya sa sahig at halos hinang-hina na.

"You're so stupid, Jungkook! You knew that Rave is the Agustus heir but you have the nerve to punched him last Wednesday?! What did he do to you?! Huh?! Tell me a fuckin acceptable reason, bastard!" Sigaw pa ng ama nito habang sinisipa-sipa ang nakapikit ng si Mr. Jeon.

I can't believe what I'm witnessing right now. Ang pinakatanyag at pinakakilalang bachelor ng buong bansa ay nakahandusay sa sahig at halos hindi makalaban.

"JEON JUNGKOOK! ANSWER ME! WHY DID YOU FUCKIN LAID YOUR HAND TO HIM?!" akmang sisipain na naman nya ito pero agad akong tumakbo at niyakap si Mr. Jeon. Pareho silang nagulat sa pag-eksena ko pero wala ngayon dun ang isip ko. Naka-focus ako sa mga sugat at pasang natamo ni Mr. Jeon.

"Who the fuck are you?!" Galit na sigaw ng Dad nya. Nakita ko sa mga mata ni Mr. Jeon ang pag-aalala sakin pero nakuha ko pa ring lingunin ang matandang lalaki. Kunut na kunot na ang noo nito at nag-aalab ang mga mata

Tunay na makikita sa kanya ang anyo ni Mr. Jeon kapag ito'y galit at naiinis. Natatakot man at kinakabahan ay tumayo pa rin ako at humarap sa ama ni Mr. Jeon. Ramdam ko pa ang mahigpit na paghawak sakin ni Mr. Jeon para pigilan ang pagtayo ko pero di ako nagpapigil.

Kailangang malaman ng Dad nya ang katotohanan, may mabago man sa persepsyon nito o wala. Ang mahalaga lang ay malinis ko ang pangalan ng amo ko na iniligtas ako nung araw na yun.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon