《38》FRIENDS

718 31 1
                                    

Kim Taehyung's POV

"Grabe naman pala yang boss mo! Aba, mas demonyo pa kay Satan at Lucifer. Balak ka pa yatang ipa-salvage! Napaka-salbahe" asar na sigaw ni Seokjin habang nakapamewang sa harapan ko. Sa tabi ko naman ay si Jimin na pilit akong pinapakalma dahil nung dumating ako dito ay iyak ako ng iyak.

"Jin, will you please shut up? Kahit naman anong sabihin mo dyan ay di na makakabalik si Taehyung sa kumpanya. Pinatalsik na nga sya diba? Kahit pagsigawan mong napakademonyo ni Jeon Jungkook, wala nang mangyayari. Mas pinapaiyak mo lang si Taehyung.." bulong ni Yoongi na abala sa paghahalo ng kape nya. Galit naman syang nilingon ni Seokjin.

"Aba, Yoongi. Mag-rarally ako sa harapan ng kumpanya nya! Maayos na nagtatrabaho ang kaibigan ko dun tapos papatalsikin nya lang?! Ang mas malala pa ay binantaan nya pa! Aba lang talaga. Ang sarap yatang manakal ng tao ngayon" gigil na gigil na sabi ni Seokjin na kinailing na lang ni Yoongi.

"Tae.." bulong ni Jimin kaya napatingin ako sa kanya. He smiles weakly as he wiped my tears. "You love him, right?" Bulong nya sakin na nagpatahimik sa dumadaldal pa ring si Seokjin. Kahit si Yoongi ay napalingon samin habang umiinom sa kape nya.

"Hindi! Hindi nya mahal ang demonyong--"

"Jin, please, kumalma ka muna. Kailangan muna nating malaman lahat ng detalye bago tayo magsalita ng kung anu-ano.." kalmadong sabi ni Jimin na kinatahimik ni Seokjin. Naka-cross arms na lang itong umupo sa single sofa.

"Tae, answer me.." Jimin said. Tiningnan ko sya diretso sa mata bago tumango ng paulit-ulit. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Pilit ko mang pigilan ang sarili ko na makadama ng sakit ay di ko magawa. Nasasaktan ako dahil sa kinahinatnan naming dalawa.

Jimin smile bitterly.

"Right. You won't cry all over again if you don't. Kung di mo sya mahal ay di ka naman pupunta dito ng umiiyak. Dapat nga nyan ay galit na galit ka na pero heto, sobrang hina mo, kasi napakasakit para sayo na yung taong mahal mo ay galit sayo.." paliwanag ni Jimin kaya tumango ako.

"I-I'm sorry. Ang hirap kasing pigilan na hindi mahulog sa kanya. Jeon Jungkook is one of a kind. I can't hate him behind all these things that he's doing to me.." bulong ko dahil yun ang totoo. Kahit yata pahirapan nya 'ko ng paulit-ulit ay tatanggapin ko yun basta makita ko lang ang mukha nya. Nasasaktan ako pero mas mahihirapan ako kung di ko sya makikita kahit isang segundo lang.

"No need to be sorry. Love will never be a crime." Yoongi said. Walang nagawa si Jimin kundi punasan ng punasan ang pisngi at mga mata ko.

"What?! Bakit naman ganon! Dapat ay galit ka sa kanya dahil pinapahirapan ka nya. Masyado syang demonyo para sa anghel na tulad mo, Tae. Pakiusap, you can't love Jeon Jungkook--"

"But I can't unlove him, too.." natahimik si Seokjin dahil sa pagputol ko sa sinasabi nya. May katotohanan naman kasi talaga yun. Madaling mahulog pero mahirap umahon. Oras na magmahal ka ay mahihirapan ka na ring pakawalan ang pagmamahal na yun. Nasa estado ako ng buhay ko ngayon na ganun.

Nahulog ako pero di ko na alam kung pano umahon.

"Jin, I already warned you. Nasasaktan si Taehyung sa mga sinasabi mo. He needs advice, not discouragements.." Sabi ni Yoongi kaya napataas na lang ng kamay si Seokjin.

"Sorry, Tae. I just can't help it. He hurted you. He threw you like a trash. You're in pain right now. As your friend, I can't bear to watch you at that state without saying or doing anything. You've been a good guy and he just  treated you like that? Damn, we're hurting for you.." paliwanag ni Jin habang palapit sa'kin. I just smiled but it can't erase the pain and sadness in my eyes. I knew it, smile will never be enough to show them that I'm fine. My eyes can speak the truth.

"That's fine, Seokjin. I know that you're concerned and worried about me but I promise, I can handle this." Nakangiting sabi ko. Halata sa mga mata nya na ayaw nyang maniwala pero tumango na lamang sya bago ako ngitian.

"Kahit anong plano mo, Tae. Asahan mong nakasuporta kami sayo.." Nakangiting sabi ni Jimin bago ako yakapin. Nakiyakap na rin si Seokjin na kinatawa ko.

"Sugababy, wag ka ng mahiya. Halika na.." sabi ni Jimin pero umiling lang si Yoongi. Ibinaba nito ang tasang hawak bago kami talikuran. Napangisi na lamang si Jimin bago kami hilahin. Nung makalapit kami kay Yoongi ay agad syang yumakap dito

Sumunod ako at ganundin si Seokjin. "Aray!! Napaso pa'ko dahil dyan sa ginagawa nyo" sabi ni Yoongi na tinawanan lang namin.

The next thing I knew, we're sitting around the table while eating some Seokjin's cookies and cupcakes. "Hoy, may pambayad ka ba ng renta mo? Aba, lakas mong mag-bake baka mapalayas ka rito" sabi ni Jimin habang sinasawsaw ang cookie sa gatas.

"Syempre naman meron, noh! Andami kaya nating memories dito. Di ko hahayaang palayasin nila ko dito. Isa pa, iba ang pera para sa renta at para sa pagkain, gets?" Tanong ni Jin kaya napatango na lang kami.

"Nanay na nanay dating mo, Eomma Jin" pang-aasar ni Jimin kaya halos mabuga ko ang gatas na iniinom ko. Pati si Yoongi ay nangasamid-samid bago tingnan ng masama si Jimin na napa-peace sign na lang.

"Eomma Jin?! Hoy, bata. Hindi mo'ko nanay, ah. Napakaano mo" sabi ni Seokjin na kinatawa ko. "Sungit naman ni Eomma Jin. Nag-away ba kayo ni Appa?" Tanong ni Jimin. Akmang kukuha sya ng cookie nung ilayo sa kanya ni Seokjin ang plato.

"Eomma---"

"Tawagin mo pa'kong Eomma Jin at talagang di ka na makakatikim ng mga bine-bake ko kahit hanggang sa kabilang buhay" banta ni Seokjin na kinatikhim ni Jimin.

"Seokjin naman, di ka na mabiro, eh." Sabi ni  Jimin bago humablot ng nasa apat na cookies. Napailing na lamang si Seokjin dahil parang may lahi yatang magnanakaw si Jimin dahil sa bilis ng kamay.

"Nga pala, Tae. Saan ka maghahanap ng trabaho?" Tanong ni Jimin. "Magsisimula ako bukas sa paghahanap, kahit saan naman basta malaki ang sweldo ay kaya kong pagtiisan.." paliwanag ko na kinatango nya.

"Goodluck kung ganun. Susubukan ko rin maghanap online para makatulong sayo" sabi ni Jimin. "Salamat Chim. Salamat sa inyong tatlo dahil di nyo ko pinabayaan sa kabila ng kadramahan ko." Natatawa kong sabi.

"That's what friends are for, Tae." Yoongi said while smiling. "Ano pang hinihintay natin? Cheers!!" Sigaw ni Jimin bago iumpog ang baso nya sa baso naming tatlo. Napailing na lang kami bago uminom ng gatas.

Nagpatuloy sila sa kalokohan habang ako naman ay pinapanood lang sila. Dumako ang mga mata ko sa stufftoy na nakadisplay malapit sa TV. Napangiti ako ng mapait. Dinala ko iyon dito nung isang beses na day-off ko nagbiro pa nga akong alagaan nila ang anak ko dahil busy ako sa trabaho. Nabatukan pa'ko ni Seokjin nun.

Taekook is here but his father was not here anymore. That stufftoy from Yoshin Park and this bracelet are the only things left in our happy memories.

Natuon na naman ang atensyon ko kina Jimin nung bigla silang maghalakhakan. Maski ako ay natawa dahil puno ng icing ang mga mukha nila.

"Bakit tayo lang ang meron? Dapat pati si Taehyung!" sigaw ni Jimin kaya agad akong tumayo at tumakbo palayo habang tumatawa.

Siguro nakakatawa pa'ko ng totoo ngayon pero mamaya, siguradong iiyak na naman ako. I just miss my Gukkie.

To be continued...

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon