《20》LET'S STOP

850 35 1
                                    

Kim Taehyung's POV

"Mr. Kim.." mula sa malalim na pag-iisip ay napatingin ako kay Mr. Jeon na nasa tabi ko na pala. Nakatingin sya sa ginagawa ko kaya pati ako ay napatingin rin dun.

"M-Mr. Jeon.." nag-init ang mukha ko nung makitang imbis na gatas ang itimpla ko ay naging kape. Ang mas malala pa dun ay patuloy ako sa paglagay ng isa-isang kutsarita ng kape kaya itim na itim na ang tubig na nasa tasa.

"You're not in yourself again. Is this because of what happened between you and Dad?" Tanong ni Mr. Jeon kaya agad akong umiling bago ngumiti.

"Hindi po, Mr. Jeon. May iba lang po akong iniisip.." pagsisinungaling ko bago umalis sa tabi nya. Itatapon ko yung maling kape na natimpla ko. Kukunin ko na sana iyon pero..

"Mr. Kim, stop lying.." sambit nito matapos hawakan ang braso ko. Hinarap nya ko sa kanya bago i-corner sa tapat ng counter. Nakatitig lang sya sa mga mata ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

"I'm not lying, Mr. Jeon." Pagpupumilit ko. Pilit kong inalis ang pagkakahawak nya sakin pero nagulat ako nung yakapin nya ang bewang ko at ipahinga ang mukha nya sa balikat ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nya.

"M-Mr. Jeon--"

"Taehyung.." napalunok ako nung tawagin nya ko sa pangalan ko. Ngayon ko lang iyon narinig mula sa kanya. Napasandal ako sa counter nung maramdaman ko ang buong bigat nya.

"I'm sorry in behalf of my father.." napaawang ang mga labi ko dahil sa narinig mula sa kanya. Humihingi sya ng tawad sakin gayong wala naman syang kasalanan? Isa pa ay ngayon ko lang sya narinig na mag-sorry.

"Mr. Jeon, hindi nyo po kailangang humingi ng tawad. Wala po kayong kasalanan.." pag-aalo ko sa kanya bago sya yakapin pabalik.

"A-Alam kong masasakit na salita ang sinabi nya sayo.." sandali syang lumayo sakin at muli akong tinitigan.  Di ko sya magawang tingnan pabalik. Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi at ginawa ni Sir Arkin Jeon sa akin.

{FLASHBACK}

"Ayan na si Sir Jeon.." napatingin ako sa elevator nung marinig ang sinabi ni Namjoon. Halata ang sobrang galit na anyo ni Mr. Jeon. Idagdag pa ang pagkakakuyom ng mga kamao nito.

"Yuko.." agad kaming yumuko ni Namjoon matapos nyang sabihin iyon. Napalunok ako nung tumigil si Sir Arkin sa harapan ko. Di ko magawang iangat ang tingin ko lalo na't nakakatakot ang anyo nya ngayon.

"Sir Arkin--"

"Namjoon, stop interfering. Masyado nang mainit ang ulo ko lalo na sa ginawang pagpigil sakin ni Hoseok kanina. Manahimik ka kung ayaw mong sayo ko maibuhos ang galit ko.." naramdaman ko ang takot ni Namjoon pero hindi sya umatras.

"Sir Arkin, wag nyo pong idamay--"

"N-Namjoon, please. O-okay lang.." ayoko nang mandamay pa. Ayokong sya ang mapagalitan at baka mawalan pa sya ng trabaho. Napalingon sya sakin pero di ko na sya natingnan dahil hinaklit ni Sir Arkin ang kwelyo ko.

Napasinghap lahat ng tao sa kumpanya lalo na si Namjoon dahil sa ginawa ni Sir Arkin. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko sya at halatang-halata ang pagtitimpi nya.

"Sir Arkin!" Tulirong sambit ni Namjoon at binalak itong pigilan pero tinulak lang sya palayo ni Sir Arkin.

"SHUT UP, NAMJOON!" bulyaw nya rito bago ako balingan ng tingin.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon