《25》SULKING

883 36 2
                                    

Third Person's POV

"I have free time, right?" Tanong ni Jungkook kay Taehyung habang nakatayo ito sa harapan ng mesa nya. Sandaling tiningnan ni Taehyung ang maliit na notebook na hawak nya bago tumango.

"Yes, Gukkie. Wala nang naka-schedule na gawain after lunch. Bakit?" Takang tanong ni Taehyung na kinangiti ni Jungkook. Nagiging madalas na ang pagngiti nito lalo na kapag si Taehyung ang kaharap.

"Well, I just want to have fun this afternoon" sagot ni Jungkook habang nakasandal sa swivel chair nya.

"Have fun? With whom? Where?" Di mapigilang tanong ni Taehyung. Di yata sya matatahimik kung hindi nya malalaman ang pupuntahan ni Jungkook at kung sino ang kasama.

Jungkook smirked then he shrugged his shoulders.

"Why are you asking?" Tanong ni Jungkook sa tonong nang-aasar.

"M-Masama ba?" Tanong din ni Taehyung na medyo nahiya. Nalimutan nyang amo nga pala nya ang kaharap nya.

"Hmm. No, it's just--"

"I'm sorry, Gukkie. Nakakalimot na naman ako sa--"

"Aish, baby. Stop that explanation. I'm just kidding. You're near to crying.." pang-aasar ni Jungkook habang nakatitig kay Taehyung.

"A-Ahm, g-ganun ba?" Napakamot ng ulo si Taehyung. Wala syang ibang masabi dahil para na namang sinasapian ng ibang tao si Jungkook. Di naman sa naninibago sya pero parang laging ibang tao ang kasama nya. Wala ang masungit, seryoso at cold nyang amo.

"Why are you so quiet? Also, you look so tense. Is there any problem?" Tanong ni Jungkook habang nilalaro ang ballpen sa kamay nya.

"Wala 'to. Pagod lang siguro ko.." pagpapalusot ni Taehyung kahit wala naman syang ginawa buong umaga kung hindi tumunganga, humiga at umupo sa loob ng opisina ni Jungkook.

Napataas ang isang kilay ni Jungkook dahil dun.

"Tired? Of what?" Takang-tanong ni Jungkook.

Natikom naman ang bibig ni Taehyung, wala na syang maisip na palusot sa makulit na bunny na'to. Ayaw naman nyang sabihin naninibago sya dahil baka bumalik bigla ang kasungitan nito at di nya pa ma-handle.

"Tired of looking at you.." sagot na lang ni Taehyung na may katotohanan naman. Wala syang ibang ginawa kundi umupo sa sofa at titigan si Jungkook na abala naman sa pagbabasa ng mga dokumento.

"W-What?" Napaiwas ng tingin si Jungkook. Pakiramdam nya ay nag-init ang tenga nya dahil dun. Babanat na lang kasi si Taehyung, yung magpapatulala pa sa kanya.

"Wala kasi akong ibang ginawa ngayong araw kundi titigan at panoorin ka. Gagalaw lang ako kapag may inutos ka na di naman nagtatagal ng ilang minuto--"

"I don't want to make you tired. I didn't know that you'll get tired on just staring at me.." napapailing na sabi ni Jungkook na kinanguso ni Taehyung.

"Balik sa topic, Gukkie. Iniiba mo ba ang usapan?" Tanong ni Taehyung kaya napatingin si Jungkook sa kanya.

"Iniiba? Why would I? Ikaw kaya ang lumayo ng lumayo sa topic natin kanina" paninisi ni Jungkook na kinakunot ng noo ni Taehyung.

"Teka nga, ikaw ang nagsabi na 'why are you asking?' Tapos dun na lumayo ang usapan natin. Bakit kasi di mo na lang sabihin kung sino ang kasama mo at kung saan ka pupunta?" Tumataas ang boses na sabi ni Taehyung. Natulala si Jungkook dahil...ngayon lang sya pinagtaasan ng boses ni Taehyung.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon