《14》I'M FINE

846 32 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Wala pa si Mr. Jeon?" Tanong ko kay Asha nung masalubong ko sya. Kakaisip ko kay Mr. Jeon kagabi ay na-late pa tuloy ako ng gising ngayong araw. Ang mas malala ay late na rin akong nakapasok sa kumpanya. Mapapatay yata ako ni Mr. Jeon sa kakuparan ko.

"Nandyan na sya, Mr. Kim pero sobrang putla nya. Si Mr. Namjoon ay nag-aalala na rin at pabalik-balik sa opisina ni Mr. Jeon pero di naman ito nagsasalita." Nag-aalalang kwento ni Asha kaya nawala ang pagod at takot ko. Napuno ng kaba ang dibdib ko.

"S-Sige. Salamat.." agad akong tumakbo patungo sa elevator. Kailangan kong makarating agad sa floor nya. Huminto ang elevator sa tapat ng finance  department kaya expected ko na kung sino ang sasakay.

"Taehyung.." sabi nya nung makita ako. Agad syang sumakay pero mukhang hindi kay Mr. Jeon ang tungo nya. Pupunta sya sa ibang department.

"Mukhang late ka yata?" Pagsisimula nito ng usapan.

"Nahuli rin kasi ako ng tulog kagabi.." kakaisip kay Mr. Jeon.

"Namjoon? Okay lang ba si Mr. Jeon? May masakit daw ba sa kanya? Masama ba ang pakiramdam nya? Narinig ko kay Asha na namumutla sya. Bakit? May masama bang nangyari kahapon?"

Napalingon sya sakin dahil sa dami ng tanong ko. "Ayaw nyang magsalita, Tae pero base sa putla ng mukha nya ay mukhang may iniinda sya. Kilala mo naman si Mr. Jeon, hindi iyon palasalita" paliwanag nito na mas nagdagdag ng kaba sa dibdib ko.

"Dito na'ko. Ikaw ng bahala kay Mr. Jeon, balitaan mo'ko sa nangyari sa kanya. Baka sayo ay magsalita yun" sabi ni Namjoon bago lumabas ng elevator. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya "Sige, salamat."

Narating ko ang opisina ni Mr. Jeon at naabutan syang nakadukmo sa mesa nya. Nakaharap ang mukha nya sa gawi ko kaya nakita ko ang putla ng mukha at labi nya. Alam kong natural ang puti nya pero iba ang kulay at awra nya ngayon.

Sigurado akong hindi sya okay.

Naglakad ako palapit sa mesa nya at tinitigan ang mukha nya. Mukha syang pagud na pagod at walang tulog. Napahinga ako ng malalim.

Sabi nya'y okay lang sya kahapon pero dapat pala ay di ako naniwala. Paniguradong may nangyaring hindi maganda kahapon kaya ganito sya ngayon.

Hinaplos ko ang buhok nya kaya bahagya syang gumalaw. Unti-unti nyang dinilat ang mga mata nya kaya nagtama ang mga mata namin. Bahagya syang nagulat nung makita ako pero umayos pa rin sya ng upo.

"You're late.." bulong nito habang papikit-pikit pa. Halatang inaantok pa sya.

"I'm sorry for being late, Mr. Jeon.." paghingi ko ng konsiderasyon sa pagiging late ko.

"Okay, okay. The lunch meeting at VHR? Do you already prepares everything?" Tanong nito habang nakasandal sa swivel chair nya at nakapikit.

"M-Mr. Jeon, kung masama po ang pakiramdam nyo ay pwede naman po nating--"

"No, kailangang magkausap kami ni Mr. Alazar ngayon. He's going to have a one week vacation at Japan and this is the only time that he gave to us.." paliwanag nito habang ganoon pa rin ang anyo.

"Naayos ko na po ang lahat, Mr. Jeon." Di na sya sumagot pa kaya nabuntong hininga ako.

"Mr. Jeon, may masakit po ba sa inyo?" Alam kong nabahiran ng pag-aalala ang boses ko pero di ko na pinansin pa iyon. Dumilat sya at tiningnan ako.

"I'm fine--"

"Wag po kayong magsinungaling. Tinext nyo rin po yan sakin kagabi pero di ka naman pala talaga maayos. Ano pong masakit sa inyo? Kumain na po ba kayo? Ano pong gusto nyo?" Sunud-sunod kong tanong pero umiling lang sya.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon