《43》TALKING ABOUT THE PAST

791 31 0
                                    

Third Person's POV

"Labas muna kami.." paalam nina Yoongi at Jimin kay Jungkook. Si Seokjin kasi ay umuwi para magluto ng tanghalian at merienda lalo na't parati itong gutom.

"Sige." Sabi lang ni Jungkook kaya umalis na ang dalawa. Nung sumarado ang pinto ay muling tinitigan ni Jungkook si Taehyung. Kahapon lang sya napatawad ng mga kaibigan nito. Inaayos na nya ngayon ang kasong ipapataw nya sa ama.

Masakit man para sa kanya ay kailangan nyang gawin. Labag sa batas ang ginawa nito kaya nararapat lang na harapin nito ang kaparusahan. Hanggang ngayon ay nasa ospital at walang malay ang nadisgrasya nito kaya dapat itong parusahan.

"Baby.. halos tatlong araw ka ng tulog. Ayaw mo pa bang gumising? Gusto na kitang makausap.." bulong ni Jungkook habang nakahawak sa kamay nito. Nilalaro nya ang pendant ng bracelet nito.

"Nakakamiss ka.." bulong muli ni Jungkook. Umaasang makakarinig na ng sagot mula dito. Halos di na nya iniwanan ang tabi nito mula kahapon. Maski ang pagbisita sa sarili nyang kumpanya ay di na nya magawa. Nagtitiwala na lang sya kay Namjoon.

"Hmm.." napatigil si Jungkook at napatingin sa mukha ni Taehyung. Agad syang tumayo at tatakbo na sana para tumawag ng doktor pero hinawakan sya ni Taehyung sa kamay.

"G-Gukkie.." hinang-hinang bulong nito. Unti-untinh humarap si Jungkook kay Taehyung at halos tumulo ang luha nya nung makita itong nakatingin sa kanya.

"B-Baby.." umiiyak nyang bulong habang nakahawak sa kamay nito. Taehyung smiled as Jungkook cries.

"G-Gukkie, b-buti nandito ka.." halata ang hirap sa pagsasalita ni Taehyung kaya agad na humanap si Jungkook ng tubig. Nung makahanap ay agad syanh bumalik sa tabi ni Taehyung.

"B-Baby, drink some." Bulong nya habang inaalalayan ito. Ininom naman iyon ni Taehyung bago muling umayos ng pagkakahiga. Ibinaba ni Jungkook ang baso sa side table bago titigan si Taehyung.

Ilang araw na nyang ginagawa yun pero kahit kailan ay di sya nagsawa. Para bang masiguro lang na nasa tabi nya ito at humihinga ay mapapayapa ang kalooban nya. Ngayon na nakadilat na ito at nakatingin rin sa kanya ay di nya maiwasang maging emosyonal.

"G-Gukkie.." bulong ni Taehyung bago hawakan ang pisngi ni Jungkook. Gusto nyang punasan ang mga luha nito. Ayaw nyang makita na umiiyak ito lalo na't kagigising nya palang.

"Wag ka ng u-umiyak.." bulong muli ni Taehyung. Hinawakan ni Jungkook ang kamay ni Taehyung na nasa pisngi nya bago ito halikan.

"I-I just can't help it. I'm s-so glad that you're awake now. I-I'm so happy, baby" bulong nito na sinabayan pa ng hikbi. Napangiti na lamang si Taehyung habang pinapanood si Jungkook.

"I thought y-you're mad at me." Taehyung whispered as he looked away. Mabilis ang naging paglingon ni Jungkook dito.

"No, no baby. I'm not. I will never be mad at you. I wont.." paulit-ulit na bulong ni Jungkook kaya napatingin sa kanya si Taehyung.

"Baby, listen to me. Listen to what I'm going to say.." sabi ni Jungkook habang pilit na kinakalma ang sarili.  Hindi man mukhang galit sa kanya si Taehyung, sana ganun pa rin ito oras na malaman nito ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng parents nito.

"Ano yun, Gukkie?" Tanong ni Taehyung dahil parang wala ng balak na magsalita pa si Jungkook. Natatakot ito. Kinakabahan. Pero ayaw na nyang magsikreto pa kay Taehyung.

Jungkook sighed as he wiped his tears. Muli nyang hinawakan ang kamay ni Taehyung.

"Baby.." panimula nya na sinabayan na naman ng buntong hininga. Nagtataka man ay hinayaan na lang ito ni Taehyung. Parang napakahirap para rito na sabihin ang bagay na yun.

"Baby, about what happened in the past.." tumitig si Jungkook sa nagtatakang mga mata ni Taehyung.  "I told you that you're Dad, Mr. Vince Kim is the reason of all the pain and sufferings that I felt before. Sinisi ko iyon lahat sa pamilya mo. A-Alam mo ba ang nangyari sa nakaraan?" Tanong ni Jungkook.

Ngayon lang naisip ni Taehyung ang bagay na yun. Ngayon nya lang naisip na hindi nya pa pala alam ang tunay na nangyari sa nakaraan. Ang alam nya lang ay namatay sa iisang araw ang mga magulang nya.

Ni hindi nya nga alam kung bakit may ganun kalaking utang ang mga magulang nya sa mga Jeon. Gayunpaman, ginawa nya ang lahat para mabayaran ito pero hindi man lang sya umabot sa kalahati.

"No, Gukkie..." maikling sagot ni Taehyung. Jungkook sighed for the nth time

"Listen to me.." tumango agad si Taehyung. Gusto nya ring malaman ang tunay na nangyari sa nakaraan. "Ang naaalala ko ay nabangga ang Mom ko ng kotse na pagmamay-ari ng pamilya mo, ng Dad mo. Kasama nya ko nung nangyari ang aksidente pero niligtas ako ni Mom para di ako madamay. Ang sabi ni Mr. Vince ay driver nyang lasing ang nakadisgrasya kay Mom. Pinakulong nya ito at inako ang gastusin namin sa ospital. Na-coma si Mom, walang kasiguraduhan kung kelan sya gigisng.." napahigpit ang hawak ni Jungkook sa kamay ni Taehyung habang inaalala ang nakaraan. Parang dito sya kumukuha ng lakas.

"Mom died. Dad got mad to me and to your Dad. Sinisi nya ko sa pagkamatay ni Mom. Nung dumalaw ang Dad mo sa burol ay pinagsalitaan sya ni Dad ng masasakit na salita. Maski ako, tinatak ko sa isip ko na kailangang magbayad ng mga Kim. Pinangako ko yun." Jungkook sighed then he look at Taehyung

"Mula nung mamatay si Mom ay naghiganti ang mga Jeon sa mga Kim. Lahat ng negosyo nila ay pinabagsak nina Dad. Binayaran nina Dad ang nagastos ni Mom sa ospital pero nagsilbing utang iyon ni Mr. Vince. Bata pa'ko nun at di ko alam ang mga nangyayari. Ni hindi ko nga alam na... ginipit pala kayo nina Dad. Na kaya namatay ang Mom mo ay dahil sa kakulangan nyo sa pera para sa gamutan. Na kaya namatay ang Dad mo ay dahil sa sobrang daming problemang nakapatong sa balikat nya..."

Napalunok si Taehyung bago mag-iwas ng tingin.

"Ngayon ko lang nalaman lahat ng yun. Hindi ko alam na kami ang dahilan ng pagkawala ng mga magulang mo. Nabulag ako ng galit ko at pati ikaw ay nadamay ko. Pinahanap kita para pagbayarin sa pagkamatay ng Mom ko, hindi ko inalam kung ano bang klaseng buhay ang meron ka. Basta ang akin lang ay maparusahan ka. Sumobra ako, baby. I've done too much.." napansin na lang ni Jungkook ang tahimik na pag-iyak ni Taehyung kaya napayuko sya.

"Baby. Matatanggap kong galit ka sa kin. Kaya kong harapin ang galit mo, b-basta wag mo lang akong palayuin sayo. A-Ayoko, baby. Please.." hinang-hinang bulong ni Jungkook pero di sya nakarinig ng kahit na ano mula dito.

"G-Gukkie--"

"TAE!!!" Napatingin sila sa pinto nung marinig ang boses ni Seokjin. Agad na pinunasan ng dalawa ang mga luha nila at kinalma ang mga sarili.

"Tae, buti gising ka na. Pinag-alala mo'ko.." mangiyak-ngiyak na sabi ji Seokjin habang nakahawak sa kamay ni Taehyung. Dahan-dahang tumayo si Jungkook habang pinupunasan ang mukha nya.

"T-Tatawagin ko lang sila Jimin.." paalam nya at agad ng tumalikod. Nung makalabas sya ay napasandal sya sa pader bago napapikit.

Mapapatawad mo pa naman ako baby, diba?

To be continued...

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon