《42》FORGIVENESS

829 31 8
                                    

Third Person's POV

Napatingin sina Jimin, Seokjin at Yoongi kay Jungkook nung pumasok ito sa room na okupado ni Taehyung. Isang araw na itong walang malay pero sabi naman ng doktor ay stable na ang kalagayan nito. Marahil ay ipinapahinga lang nito ang katawan.

"Anong ginagawa mo dito?" Angat ang isang kilay na tanong ni Jin habang nakaupo sa sofa at busy sa phone nya. Sina Jimin at Yoongi ay nasa dining habang nagmemerienda.

"I just want to visit, Taehyung.." pag-amin ni Jungkook na sandaling kinairap ni Seokjin.

"Visiting the person you wish to kill? Wow, how ironic.." sarkastikong bulong ni Seokjin. Sa talas pa lang nang pananalita nito ay alam na ni Jungkook na ito ang pinakamahirap hingan ng kapatawaran sa tatlong kaibigan ni Taehyung.

Naglakad sya patungo sa tabi ng kama ni Taehyung at ibinaba ang basket ng prutas sa side table nito. Tinitigan nya ang maamo at walang malay na mukha ni Taehyung. Parang bigla ay nagbalik sa alaala nya ang una nilang pagkikita.

Tandang-tanda nya pa kung gaano ito kagalit dahil sa pagbusina nya. Alam nya sa sarili nyang nung mga panahon na yun ay nakuha na nito ang atensyon nya. Labis na excitement ang naramdaman nya nung malaman na ito ang magiging secretary nya.

Binalak nya itong pahirapan at pagalitan ng pagalitan pero nahanap nya na lang ang sarili na pinoprotektahan ito maski sa sarili nyang ama at sa sarili nyang angkan. Napunta sya sa puntong kahit si Taehyung na lang ang meron sya ay makukuntento na sya.

Nahulog sya at yun ang di nya inaasahan. Sa dami ng naging secretary nya, sa dami ng mga babaeng nam-flirt sa kanya, kay Taehyung pa talaga sya nahulog. Binago pa sya nito. Sobrang laki ng epekto sa kanya nito.

Hindi nya man lang napansin iyon. Di nya man lang napansin na napakalaki ng role ni Taehyung sa buhay nya. Na masaya, komportable at kuntento sya basta nasa paligid ito. Nagpabulag sya sa galit. Ngayon, heto sya't nagsisisi sa kinahinatnan nilang dalawa.

Hinawakan nya ang kamay nito habang unti-unting umuupo sa upuang nasa tabi ng kama nito. Nais mang umalma ni Seokjin ay pinigilan naman sya ni Yoongi.

"Let him." Bulong ni Yoongi. Napatango na lang si Seokjin at nagpatuloy sa pagcecellphone.

Nilaro ni Jungkook ang kamay ni Taehyung bago ito halikan. Ipinikit nya ang mga mata at pinakiramdaman ang init ng balat nito. Nakapa nya pa ang bracelet na binigay nya rito. Halatang iniingatan nito iyon na mas nagpalungkot kay Jungkook.

Sana iningatan rin kita.

"I miss you.." bulong ni Jungkook habang pilit na pinipigilan ang luha. Nagpalipas pa sya ng ilang segundo sa ganung pwesto bago unti-unting bitiwan ang kamay ni Taehyung. Tumayo sya at hinalikan ito sa noo.

"Seokjin, Jimin and Yoongi, can I talk to you for a while?" Lakas-loob na sabi ni Jungkook kaya napatingin sa kanya ang tatlong abala sa mga gawain nito.

"Bakit? Hihingi ka ng tawad? Hindi ako madaling magpatawad." Sabi ni Seokjin. "Handa naman akong harapin ang galit nyo. Hayaan nyo lang na makausap ko kayo.." sabi ni Jungkook.

"Hindi mo na ako kailangang kausapin, Mr. Jeon. Okay ka na sakin. Alam ko naman ng nagsisisi ka. Ako na ang magbabantay kay Taehyung.  Sa labas na kayo mag-usap.." Sabi ni Yoongi.

"Ano? Bakit naman kabilis mong magpatawad? Yoongi!" Medyo asar na sabi ni Jin. "Di mo na mababago ang pasya ko, Seokjin. Nung sumugod ka sa kumpanya nila ay di kita napigilan kaya ngayon ay di mo rin ako mapipigilan" sabi ni Yoongi kaya napaiwas na lang ng tingin si Seokjin.

"Sa labas na tayo, baka mapasama pa sa kondisyon ni Taehyung ang ingay natin dito sa loob.." sabi ni Jimin habang unti-unting tumatayo. Walang choice na tumayo si Seokjin at ibinulsa ang phone nya.

"Labas na kami, Sugababy." Paalam ni Jimin bago halikan sa labi ang kasintahan. Dumukot pa sya ng isang apple sa basket ni Jungkook bago tuluyang lumabas. Nung makalabas ang dalawa ay lumingon si Jungkook kay Yoongi.

"Thank you, Mr. Min" sabi ni Jungkook. "Ayoko lang na makadagdag pa sa pasanin nyo ni Taehyung. Pareho na kayong pagod at nahihirapan sa mga nangyayari, ayoko ng dumagdag pa" ngumiti si Jungkook bago tumango.

Lumabas si Jungkook at sinundan ang dalawa na naglalakad patungo sa garden ng ospital. May pinag-uusapan ito pero di na pinakinggan pa ni Jungkook.

Nung marating nila ang garden ay tumayo malapit sa puno sina Jimin at Seokjin samantalang tumayo sa harap nila si Jungkook.

"Talk now.." bossy'ng sabi ni Seokjin samantalang kumakain lang naman ng mansanas si Jimin. Bigla ay nakadama ng kaba si Jungkook, parang ang kausap nya ay mga magulang na ni Taehyung. Humihingi sya ng tawad at hihingin na rin sa mga ito ang pahintulot na mahalin si Taehyung.

Halata naman kasi sa aura ni Seokjin ang pagiging protective nito pagdating sa mga kaibigan, para itong nanay. Si Jimin naman ay kalmado lang at para namang kapatid.

"Alam kong sumobra ako sa pagpaparusa kay Taehyung. Dapat ay di ko na sya dinamay pero nabulag ako ng galit ko. Ninais kong maghiganti imbis na kalimutan na lang ang nakaraan. Patawad, patawad kung sobra kong nasaktan si Taehyung. Alam kong sobrang laki ng galit nyo sakin. Handa akong harapin yun. Handa akong makinig sa mga sasabihin nyo. B-Basta mapatawad nyo lang ako.." panimula ni Jungkook.

"Sorry will never be enough. Hindi na maibabalik nyan lahat ng sakit na pinagdaanan ng kaibigan namin dahil sayo, dahil sa pamilya mo." Sabi ni Seokjin.

"M-Mahal ko si Taehyung. Mahal na mahal ko sya at di ko alam ang mangyayari sakin kapag nawala sya sakin. Alam kong oras na magkamalay sya ay ilalayo nyo sya sakin. Hangga't nandito pa kayo, nandito pa sya, gusto kong linawin lahat. Nung sobra akong nahihirapan sa pagharap sa lahat ng pagsubok sa buhay ko, lagi syang nandyan. Mahal na mahal ko sya p-pakiusap.." tumutulo ang mga luhang sabi ni Jungkook

"Mahal mo sya? Mahal ka rin nya, Jungkook. Kung pagmamahal ang gagawin natin sukatan, alam nating pareho kayo ng nararamdaman. Hindi mahirap sakin ang patawarin ka lalo na't alam mo na ang mga mali mong ginawa. Ang concern ko lang dito ay ang marinig mula mismo sayo kung gano mo kamahal si Taehyung. He's like a brother to me and if you'll hurt him again, no second chance will be given.." Jimin said. Nabuhayan bigla ng loob si Jungkook lalo na nung ngitian pa sya ni Jimin.

"Salamat, salamat, Jimin.." paulit-ulit na bulong ni Jungkook.

"Napatawad na kita pero si Jin, hindi pa. May kailangan ka pang gawin.." napatingin si Jungkook kay Seokjin.

"Anong gusto nyong gawin ko?" Tanong ni Jungkook sa determinadong boses. Nawalan ng emosyon ang mga mata ni Seokjin.

"Ipakulong mo ang Dad mo. Hindi makatarungan ang ginawa nya sa kaibigan namin. Kapag nagawa mo yun ay makukuha mo na ang kapatawarang gusto mo mula sakin" sabi ni Seokjin.

"Handa ko syang ipakulong dahil alam kong labag sa batas ang ginawa nya." Sandaling natigilan si Jungkook dahil tandang-tanda nya ang linyang iyon. Linya iyon ni Mr. Vince Kim nung inutusan ito ni Arriane na ipakulong ang driver nito.

History repeats itself.

"Oras na mapakulong mo sya ay may basbas ka na sakin. Wala ka ng maririnig na kahit ano mula sakin baka nga pakainin pa kita ng cookies.." sabi ni Seokjin na kinatawa ni Jimin.

"Ang bilis mo rin naman palang sumuko.." pang-aasar ni Jimin. Sandaling natawa si Seokjin bago balingan si Jungkook.

"Kung sa patawaran lang din naman, si Taehyung ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Kahit alam kong mahal ka nun, kailangan pa rin nating alamin kung may galit ba sya sayo.."

"..at sana harapin mo rin yun.."

I promise.

To be continued....

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon