《05》FIRST DAY

926 37 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Mabuti at maaga ka?" Nakangiting sabi ni Namjoon habang ako ay habol-habol ang hininga ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago umayos ng tayo.

"N-Naalala ko kasing nasa sampung utos y-yun" hinihingal kong sagot sa kanya na kinatawa nya. Bahagya nyang tinapik ang braso ko saka na naglakad papasok ng kumpanya.

Ang totoo nyan ay late na'kong natulog kagabi kaya heto't huli na rin akong nagising. Wala naman akong ginawa, tumulala lang ako at inisip ang magiging unang araw ko sa kumpanya. Di ko naman naisip na sa pagtulala ko kagabi ay muntik-muntikan pa'kong ma-late.

Inayos ko ang sarili ko saka sinundan si Namjoon. Naroon sya sa reception kausap ang isang babae. Nung makalapit ako sa kanila ay napatingin sila sakin. Nag-bow naman ako sa babae bago ngumiti. Nginitian nya naman ako pabalik.

"He's Kim Taehyung, Mr. Jeon's new secretary.." pakilala sakin ni Namjoon sa babae.

"Hello, I'm Im Nayeon" pakilala rin nung babae kaya inangat ko ang kamay ko at inabot iyon sa kanya. Tinanggap naman nya bago kunin ang isang nameplate na kulay ginto.

"Heto. Kailangang suot mo'to kapag kasama mo si Mr. Jeon. Wag na wag mong kalilimutan yan. Lahat ng employees dito ay mayroong ganyan" sabi nito bago ituro ang mga dibdib nila ni Namjoon. Pareho-parehong ginto ang kulay ng mga nameplate namin pero sa kanila ay may pulang linya sa gilid samantalang sa akin ay itim na linya. Kinuha ko iyon at binasa.

Kim Taehyung
-Secretary-

Tumangu-tango naman ako bago iyon ibulsa. Aakalain ko ba namang makakapagsuot pa'ko ng nameplate. May kaugnayan naman sa business ang tinapos ko dahil inakala ko ngang mahahawakan ko ang kumpanya namin. Nag-end up na nakuha lahat ng mga tiyahin at tiyuhin ko ang mga ari-arian ng pamilya dahil isa sila sa shareholders. Biglaan rin ang pagkawala ng parents ko kaya walang naiwang testamento na nakapangalan sakin.

Ako ngayon ang pinakamahirap sa angkan namin samantalang dati'y ako ang halos tingalain nila. Buhay nga naman, masyadong mahirap basahin at alamin. Di mo mahuhulaan kung anong susunod na mangyayari sayo. Akala mong masaya na pero bigla ka na lang malulugmok sa lupa. Mapaglaro talaga ang tadhana.

"Let's go, Mr. Kim" pagtawag-atensyon sakin ni Namjoon kaya napatingin ako sa kanila. Muli akong nag-bow kay Nayeon saka na sinundan si Namjoon. Huminto kami kasama ng ibang employees sa harap ng elevator.

"I-oorient na muna kita. Sa palagay ko'y maya-maya pa ang dating ni Mr. Jeon. Parati mo lang tatandaan na bago sya dumating, dapat ay nakatayo ka na malapit sa entrance ng kumpanya. Kailangan mong kunin lahat ng mga dala nya. Isa yun sa trabaho mo" paalala sakin ni Namjoon kaya tumango ako.

"Sige. Tatandaan ko. Anong oras ba ang normal nyang pasok?" Tanong ko

"Alas-otso talaga ang pasok nya pero kapag maraming gawain ay mas maaga syang dumarating. Minsan, bago mag-alas-syete ay nandito na yan. Maging alerto ka sana pagdating sa kanya" pagsagot nya sa tanong ko na bahagya kong kinakaba. Ang hirap naman palang alamin ng oras ng pagdating nya.

"Siguro'y sa Sabado nalang kita i-oorient ng maayos. Baka mahuli ka pa sa pagsalubong kay Mr. Jeon, paniguradong malilintikan ka sa unang araw mo. Dito na lang tayo sa lobby at ipapaliwanag ko sayo ang tungkol sa kumpanya" sabi ni Namjoon matapos lumiko at umupo sa mga sofang nasa pwestong yun.

"Itong kumpanya na'to ay pagmamay-ari ni Jeon Jungkook. Hindi nya to minana sa pamilya nya, hindi nya rin ito basta binili lang. Sya mismo ang bumuo ng kumpanyang ito. Hotels and Restaurant ang pinaka-unang negosyo ni Mr. Jeon, sumikat at naging kilala rin sa buong mundo yun. Hanggang sa marating ni Mr. Jeon ang kagustuhang magnegosyo na may connection sa clothing line.  Di ko alam kung bakit ginusto nya yun pero tingnan mo at naging successful naman. Maraming mga shareholders ang kumpanya. Dahil nga sa sikat ito ay halos pag-agawan na ng mga sikat na kumpanyang may kaugnayan rin sa clothing line..." pagkwento nya habang nangangalkal sa mga magazines na nasa center table.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon