《45》TAMED

943 34 4
                                    

Kim Taehyung's POV

"Magpahinga ka muna, Tae. Darating din mamaya si Jungkook. May inaasikaso lang sya.." sabi ni Jimin sakin habang abala sa pagbabalat ng mansanas. Sya lang ang kasama ko rito at heto nga't kanina pa sya nangungulit na matulog daw muna ko.

"Di pa man ako--"

"Ilang araw ng di matino ang tulog mo, Taehyung. Makinig ka sakin kung ayaw mong mas lumala ang kondisyon mo." Paliwanag pa ni Jimin kaya walang choice na napaayos ako ng higa. Napansin kong binabantayan nya ang bawat galaw ko kaya mabilis rin akong pumikit at kinomportable ang sarili ko.

Totoo namang pagod ako, kulang sa tulog at halos laging tulala. Ilang araw ko ng hinihintay si Gukkie pero hanggang ngayon ay di pa rin sya nagpapakita sakin. Minsan naririnig ko ang boses nya pero pagdilat ko ay wala na sya.

Gusto kong linawin ang lahat sa kanya. Gusto ko syang makausap at ng mawala na lahat ng mga isipin kong ito. Napahinga na lang ako ng malalim bago ayusin ang kumot ko. Ramdam kong bantay-sarado pa rin ako ni Jimin.

Lumipas ang ilang minuto na halos nagbibilang lang ako sa isip ko. Pagod ako at inaantok pero ayaw namang matulog ng isip ko. Di yata talaga ko matatahimik hangga't walang Jeon Jungkook na sumusulpot sa kwartong ito.

"J-Jungkook.." narinig kong bulong ni Jimin saktong bumukas ang pinto. Gustuhin ko mang dumilat ay di ko magawa, baka bigla na lamang syang umalis at muling di magpakita.

"Jungkook, anong nangyari sayo?" Nagtaka ako sa tanong ni Jimin kaya medyo idinilat ko ang mga mata ko. Nakita kong nakaupo si Jungkook sa sahig habang umiiyak. Bigla ay parang gusto kong takbuhin ang pagitan namin at yakapin sya ng mahigpit.

"P-Pinakulong ko na si D-Dad, Jimin. He told me how much he wants my forgiveness. He's telling me how sorry he was and confessing how much he loves and misses me. After so many years, ngayon ko lang ulit nakita at naramdaman ang pagiging ama nya.." humihikbing bulong nito na kinalunok ko.

Ipinikit ko muli ang mga mata ko nung sandali syang lumingon sakin.

"Jungkook, I'm sorry if we told you to do that--"

"No need to be sorry, Jimin. Alam ni Dad ang maling ginawa nya. Handa rin syang harapin ito. It just hurts me seeing him with handcuff and being taken by the police. I quickly left the mansion and went here. I-I want to see my baby, to gain some strength.." muling bulong nito na kinabilis ng tibok ng puso ko.

I am his strength right now. I really want to hug him.

Napakapit ako sa kumot sa pagpipigil na lapitan sya. Ano bang kasing problema nya at layo sya ng layo?

"Hayaan mong gisingin ko sya.."

"No, Jimin. Wag. Di pa'ko handa. D-Di ko pa kayang humarap sa panibagong sakit. Hayaan mo na lang na tulog sya. Okay na sakin to.." sabi nito at dun ay narinig ko ang mga yapak nya palapit sakin.

Bakit naman sya takot na harapin ako? Anong magiging dahilan ko para saktan sya? Para paiyakin sya? Damn it, Jeon Jungkook.

Naramdaman ko ang malamig nitong kamay sa kamay ko kasabay ng pagpatak ng mga luha nito. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang kami na lang dalawa ang nasa loob. Siguro ay lumabas si Jimin.

"B-Baby, Dad just told me how much he loves me. I'm glad about it but sad because he needs to stay in jail. You know, I miss my real Dad, the one who's not demonic, who's not ill-tempered. My dad who loves and take care of me.." kwento nito kaya bumaba ang tingin ko sa kanya. Nakayuko sya sa kama habang umiiyak sa kamay ko. Nanginginig kong inangat ang isa ko pang kamay bago haplusin ang buhok nya

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon