《36》PAST II

642 26 0
                                    

Third Person's POV

"Mom? Kailan ka gigising? Mamamasyal pa tayo, diba? Eto pa rin si Ironman, oh." Nakangiting sabi ni Jungkook habang nakaupo sa upuang nasa tabi ng kama ni Desiree. Maraming aparato na nakakabit sa katawan nito, namamayat at sobrang putla. Halos isang buwan na ito sa ganong estado pero wala silang magawa kundi hintayin ang muling pagdilat nito.

"Jungkook, kumain ka muna" sabi ni Eya ang secretary ni Desiree. Lumapit naman si Jungkook dito at kinain ang pagkaing inihain nito para sa kanya. Napangiti si Eya dahil sa pagiging cute ni Jungkook. Napatingin sila sa pinto nung dumating ang dalawang pinsan ni Jungkook, sina Katty at Hoseok.

"Jungkook" sabi ni Hoseok bago lapitan ang pinsan gayundin si Katty na sandaling napalingon kay Desiree. "Kain tayo.." aya ni Jungkook sa mga pinsan. "Oo nga, kain muna kayo" sabi rin ni Eya pero umiling lang ang dalawa.

"Kumain ako sa bahay, Ate Eya" sabi ni Katty "Ako din, Ate Eya" sabi ni Hoseok pero kumuha ito ng sandwich na sandali nilang kinatawa.

"Ate Eya, kelan gigising si Mommy?" Tanong ni Jungkook kaya nabura ang ngiti ni Eya. Niligon ni Eya ang kamang kinaroroonan ni Desiree. "Malapit ng magising ang Mommy mo, Jungkook. Magdasal ka lang kay God, okay?" Sabi ni Eya kaya tumango si Jungkook.

"Lagi akong nagdadasal para kay Mom, Ate Eya. Miss ko na kasi sya" sabi pa ni Jungkook. Eya smile bitterly. Napakabata pa ni Jungkook para maramdaman at masaksihan ang mga ganitong pangyayari.."Kami din Jungkook, pinagdadasal namin si Tita Desiree para sayo." Sabi ni Hoseok na tinanguan ni Jungkook. "Salamat, Hoseok at Katty" maikling sabi nito bago lingunin si Eya.

"Good boy ka talaga, Jungkook. Matutuwa ang Mom mo sayo" sabi ni Eya. Napahinga sya ng malalim at muling pinagmasdan si Desiree. Bigla ay nanlaki ang mga mata nya nung mag-ingay ang machine sa tabi nito.

"Doc! Kailangan namin ng doctor dito!" Nagpapanik na sigaw ni Eya. Mabilis namang nakarating ang mga doktor at nurse sa kwarto. Pinalabas nila sina Eya, Katty, Hoseok at Jungkook na umiiyak na naman. Pilit na kinalma ni Eya ang sarili at tinawagan si Mr. Arkin na nasa meeting.

Mabilis na nakarating ang mga Jeon sa lugar. Matagal bago muling lumabas ang mga doktor. Isa-isang umalis ang mga nurse at isang doktor na lang ang naiwan. Agad itong nilapitan ni Mr. Arkin.

"H-How's my wife? I-Is she fine? Awake?" Tanong ni Arkin bagama't halata sa mukha ng doktor na may masama itong balita. "I'm sorry, Mr. Jeon. Mrs. Jeon can't hold it anymore. I'm sorry." Paghinging paumanhin ng doktor kaya nakwelyuhan ito ni Arkin.

"Sabihin mong nagsisinungaling ka lang! Hindi yan totoo! No! She's still alive! My wife's alive!" Maluha-luhang sigaw ni Arkin na agad na pinakalma nina Theo at Arriane. Napaupo sa sahig si Arkin samantalang maluha-luha naman ang iba.

"D-Dad.." Jungkook said while walking towards Arkin. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ni Arkin si Jungkook bago hablutin sa braso.

"Alam mo bang dahil sayo ay namatay ang nanay mo?! Dahil sa kagustuhan mong mamasyal ay nawala sya satin! Dahil sayo! Ikaw ang dapat na sisihin sa nangyari! Namatay si Desiree dahil sa'yo!" Kulang na lang ay kwelyuhan ni Arkin ang sariling anak. "Tito! Bitiwan nyo si Jungkook!" Sabi ni Hoseok at pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Arkin kay Jungkook.

"Dapat sya na lang ang namatay! Hindi si Desiree. Hindi ang asawa ko. Desiree.." humihikbing bulong ni Arkin bago itulak palayo si Jungkook.  Agad na inalalayan nina Eya si Jungkook.

Sa burol ni Desiree ay dumating si Vince Kim. Halos di pa ito makapaniwala na patay na ang ginang. Alam nyang mas lalaki ang galit ng mga Jeon sa kanya. Nadaanan nya na rin ang ospital at nalaman ang malaking bayarin dito na talagang iniwan sa kanya ng mga Jeon. Halos wala syang mailabas sa wallet nya dahil kagagaling lang sa gamutan ni Eave.

"Mr. Jeon, condolen--"

Nagulat ang lahat nung kwelyuhan ni Arkin si Vince. "Magbabayad ka! Kailangan mong pagbayaran ang kamatayan ng asawa ko! Kailangan mong magdusa! Magdudusa ka, Vince Kim! Magdudusa ka!" Parang baliw na sigaw ni Arkin kaya natatakot na lumayo si Vince.

Nakatulala lang si Jungkook sa nangyayaring eksena. Nakatingin sya sa mukha ng taong naging dahilan ng lahat ng pangyayaring ito. Tumatak sa isip nya ang pangalang 'Vince Kim'. Naikuyom nya ang kamao habang tahimik na umiiyak. 'Pagbabayarin kita..' bulong ni Jungkook sa isipan nya. Nasira ang lahat dahil kay Vince Kim.

Lumipas ang mga araw at tinotoo nga ng mga Jeon ang pagpapahirap sa mga Kim. Halos lahat ng negosyo nito ay bumagsak kaya naghirap din si Vince sa pagbabayad ng utang nya rito. Binayaran ng mga Jeon ang ospital pero iyon ay utang ni Vince.

Lumala ang sakit ni Eave dahil sa kawalan ng gamot. Walang kamalay-malay ang batang si Taehyung sa kinahaharap na unos ng pamilya nya. Pag kaharap nya ang mga ito ay nakangiti ang mga ito, tipong normal lang ang lahat.

Sa sobrang kaguluhan ng isip ni Vince. Halos mawala na sya sa tamang pag-iisip dahil sa mga kinakaharap na problema. Gusto nyang maging malakas para sa pamilya nya pero di na nya kaya. Di na nya alam ang gagawin.

Ang utang nya sa mga Jeon ay umabot na ng million, si Eave naman ay hinang-hina na at nasa ospital din, ang kumpanya nya ay nalugi na. Wala na syang kahit na ano. Lubug na lubog na sya.

"H-Hindi ako dapat ang sisihin dito, di ako dapat ang naghihirap at namomroblema pero sino? Sino ang dapat sisihin? Driver ko yun at dahil sa kapabayaan ko ay nakaaksidente sya. Kailangan ko'tong harapin, pero di ko na kaya..." bulong ni Vince habang nakatingin sa kawalan.

Agad syang tumayo at tinungo ang kotse nya. Gulung-gulo na sya. Di na nya alam ang dapat gawin. Minaneho nya ang kotse nya at di na inisip pa kung saan sya patungo. Ayaw na nyang lumaban

Bigla ay tumunog ang phone nya. Tumatawag ang kapatid nya. "H-Hello?" Nanginginig nyang bulong. "K-Kuya, wala na si Ate Eave.." parang tumigil ang oras para kay Vince. Napuno ng luha ang mga mata nya.

Walang pagdadalawang-isip na binangga nya ang kotse sa malaking poste. Kung iyon lang ang susi para matakasan nya ang lahat, gagawin nya. Sawa  na syang lumaban.

Nung malaman ng mga Jeon ang nangyari sa pamilya Kim ay di sila nakadama ng konting awa. Hindi alam ni Jungkook ang malagim na nangyari sa pamilya Kim pero tinatak nya sa isipan nya na oras na lumaki sya at maging successful, pagbabayarin nya ang dapat magbayad.

Hanggang sa narating nya nga ang oras na yun. Naging successful sya sa kabila ng pagtatakwil sa kanya ng buong Jeon Clan. Pinahanap nya kay Namjoon ang natitira sa angkan ng mga Kim nang di sinasabi ang dahilan.

Isa lang ang sinabi nya kay Namjoon."Find someone that is connected to Mr. Vince Kim. May malaki syang utang na di pa nya nababayaran, na dinala nya hanggang libingan. Hanapin mo ang taong nararapat na magbayad non. If that person get mad, say this 'Talk, run and you'll die..'

Bukod kay Namjoon ay may isa pang ginawa si Jungkook. May isa pa syang inutusan para pabagsakin ang mga business ng mga Kim. Wala na syang pakialam kung may masisira man syang buhay, yung buhay nga nya ay sirang-sira dahil sa mga Kim.

'Kailangan nilang magbayad..'

To be continued...

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon