《34》VINCE KIM

729 31 6
                                    

Third Person's POV

"Let's get inside.." sabi ni Jungkook bago tuluy-tuloy na naglakad patungo sa entrance. Para namang natulos sa kinatatayuan nya si Taehyung habang nakatingin sa resto na hinintuan ni Jungkook.

"Baby?" Tanong ni Jungkook nung hindi maramdaman ang pagsunod ni Taehyung. Napatingin sa kanya si Taehyung, nahalata ni Jungkook ang pagkabahala sa mga mata nito.

"Is there any problem?" Jungkook asked. Taehyung just smile at him. "Wala, Gukkie. Halika na" kabado man ay pumasok pa rin si Taehyung kasunod si Jungkook na nagtataka pa rin sa pinapakita ni Taehyung.

Nung makapasok sila ay agad na humanap ng upuan si Jungkook. Si Taehyung naman ay patingin-tingin sa paligid na para bang may nais pagtaguan.

"There. Let's seat there.." bulong ni Jungkook bago lingunin si Taehyung. Di naman sya pinansin ni Taehyung at halata pa ring balisa.

"Baby, what's wrong?" Tanong ni Jungkook at pilit hinarap sa kanya si Taehyung.  Para namang natauhan si Taehyung at agad na inilingan si Jungkook. Jungkook sighed as he carressed Taehyung's cheek.

"Please, don't lie to me.." Jungkook said.

"Gukkie, wala lang talaga to" pagsagot naman ni Taehyung. Wala nang nagawa si Jungkook kundi hayaan na lang ito. Sandali nya itong nginitian bago hilahin sa pwestong napili nya.

"What's your order, Sir?" Saktong may lumapit agad na waiter sa kanila. Inabala ni Jungkook ang sarili sa pagtingin aa menu na iniabot sa kanya. Sandaling inangat ni Taehyung ang mukha nya para lang magulat sa makikita.

"Breeze.." halata nya rin ang gulat sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Hindi malaman ni Taehyung ang gagawin, kung aalis na ba sya o di na lang ito papansinin. Agad na umangat ang gilid ng labi ni Breeze.

Ayaw na nyang makita ang mga taong halos itakwil sya. Hinding-hindi nya malilimutan kung paano sya tinalikuran ng mga ito matapos malaman ang napakalaking utang ng parents nya. Halos itapon na sya ng mga ito. Bilang na bilang lang sa mga Kim ang nakakausap at nakakasundo nya.

"Couz, hindi ko ineexpect na makita ka dito.." bulong nito na umagaw sa atensyon ni Jungkook. Nilingon nya ang dalawa at nakita ang nang-aasar na mukha ni Breeze at walang emosyong mukha ni Taehyung. "Di rin naman kita gustong makita.." sabi ni Taehyung bago nag-iwas ng tingin.

"Masungit ka pa rin. Nga pala, kumusta na ba ang buhay?" Tanong muli ni Breeze na para bang walang isyu sa pagitan nilang dalawa. "Ayos naman. Salamat sa pagtatakwil" halata ang pagkasarkastiko sa boses ni Taehyung na kinailing na lang ni Breeze.

"You're welcome, couz. Kumusta naman ang kalahating bilyon mong utang? Buti buhay ka pa" pang-aasar muli nito kaya napairap si Taehyung. "Kung wala namang kwenta yang mga tanong mo, manahimik ka na--"

"Walang kwenta? Sa laki ng utang ni Tito Vince, di na nakakapagtakang naghirap kayo ng ganyan.." pagputol nito sa sinasabi ni Taehyung. Napatayo si Taehyung at agad na kinwelyuhan ang pinsan.

"Dad already died so please have some respect.." asar na sabi ni Taehyung habang nakikipagtitigan sa pinsan. "Okay.." halata ang pang-aasar sa boses nito. Tinulak ito ni Taehyung palayo sa kanya bago balingan si Jungkook na nakatulala sa kungsan.

"Mr. Jeon, lumipat na lang po tayo ng--" nagulat si Taehyung nung tumayo si Jungkook at nilingon si Breeze. Maski si Breeze ay napaatras at nawala ang ngisi sa mukha. "M-Mr. Jeon.." bulong ni Taehyung kaya sa kanya napatingin si Jungkook.

"Are you... Mr. V-Vince Kim's son?" Utal-utal na tanong ni Jungkook. Nakadama man ng pagtataka ay nakuha pa ring tumango ni Taehyung. "I am, Mr. Jeon" bulong ni Taehyung. Binalingan naman ni Jungkook si Breeze.

"And this damn resto's owner are Kims?" Tanong ni Jungkook sa nagtitimping tono kaya napatango agad si Breeze.

"Damn it..." Jungkook whispered as he turned his back. Nagkatinginan ang magpinsan na parehong lito sa nangyari. Lalo na si Taehyung na hindi agad nasundan si Jungkook.

"Tss.." naibulong ni Taehyung dahil inangatan pa talaga sya ng kilay ng baliw nyang pinsan. Tumakbo sya palabas at hinanap si Jungkook. Nakita nya itong nakatayo malapit sa parking lot at may kausap sa phone.

"Guk--" naiwan sa ere ang kamay ni Taehyung na akma ng hahawakan ito.

"Didn't I told you to drop all the Kim's business?! I told you to punished all the people connected to that Vince Kim! What the hell?! Bakit meron pang resto dito na pagmamay-ari ng mga Kim?! A-At b-bakit.... bakit secretary ko ang anak n-nya?" Nanginginig na bulong ni Jungkook na nagpatigil kay Taehyung.

"Sorry?! Sa tingin mo may kwenta pa yang sorry mo?! Damn it, you're so stupid!" Agad na pinatay ni Jungkook ang phone at galit na binato ito sa sahig. Napaatras naman si Taehyung sa nasaksihan.

Nung humarap sa kanya si Jungkook ay nakita nya ang galit na galit na mga mata nito. Parang di na sya nito kilala. Naglakad ito palapit sa kanya pero di magawang gumalaw ni Taehyung.  Parang napako na sya sa kinatatayuan.

"T-Tell me, you're not Vince Kim's son, right? You're not. Please, tell me that you're not" bulong ni Jungkook habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Taehyung.

"G-Gukkie, s-sinabi ko nang anak nya ko.." nanghihinang napabitaw si Jungkook kay Taehyung bago umatras. Umiling ito, ayaw maniwala.

"B-Bakit ikaw pa?" Nanginginig na tanong ni Jungkook. Hindi maintindihan ni Taehyung ang nangyayari pero nasasaktan sya sa nakikita nya. Nasasaktan sya sa di malaman na dahilan. "G-Gukkie, ano bang sinasabi m-mo?" Halos maiyak si Taehyung nung sinubukan nya itong abutin pero agad na lumayo.

Nagtama ang mga mata nila kaya nakita nya ang labis na lungkot, sakit at galit sa mga mata ni Jungkook. Nakakuyom ang mga kamao nito pero bigla ay may tumulong luha sa mga mata ni Jungkook.

"B-Bakit i-ikaw? Bakit ikaw pa ang anak ng taong dahilan ng pagkamatay ng Mom ko at dahilan ng galit sakin ng buong angkan ko? Bakit ikaw pa, Taehyung?" Umiiyak na tanong ni Jungkook na nagpatigil kay Taehyung. Ang kamay nyang pilit itong inaabot ay tuluyan ng nawalan ng lakas.

"G-Gukkie.." tumulo na ang luha ni Taehyung nung titigan sya ni Jungkook ng isang beses bago sya talikuran. Di na nya ito sinundan pa at hinayaan na lang na mawala sa paningin nya. Napaupo na lang sya habang nakatingin sa kawalan.

Hindi ko naisip, hindi ko kailanman naisip na ako pala ang nagkulong sa tigre na iyon kaya naging matapang. Di ko inakalang pamilya ko pala ang puno't dulo ng lahat ng hinaharap na paghihirap ni Gukkie.

Kami pala ang nag-alis ng kalayaan sa kanya at ikinulong sya sa nakaraang hindi na nya matatakasan pa.

"G-Gukkie, p-patawad.."

To be continued...

Sorry for a short update. Medyo masama kasi pakiramdam ko. :<

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon