《06》TASTE OF HELL

969 35 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Where's the report from Singapore?" Tanong sakin ni Mr. Jeon matapos iiscan ang buong folder.

"Wala pong dumating mula sa kanila, Mr. Jeon. Sinubukan na po silang tawagan ng intelligence group pero di po nila tinatanggap ang mga tawag" paliwanag ko kaya napahilot sya sa sintido nya.

"Damn that girl. She's doing it again.." asar na bulong nya na kinakunot ng noo ko. Katapusan na ng buwan kaya nangunguha na kami ng mga reports mula sa mga branches ng clothing line sa iba't ibang bansa.

Tatlong linggo na'ko rito at masasabi ko namang maayos na ang mga galaw ko. Di na'ko ganoon kakaba o ka-intimidated kay Mr. Jeon. Nasanay na'ko sa pagiging mainitin ng ulo nya at pagiging perv minsan. Di ko alam kung bakit ganun ang ugali nya pero nakakaaliw rin minsan.

Naalala ko na naman tuloy yung unang araw ko rito...


{FLASHBACK}

"I'm sorry again, Mr. Jeon. I didn't mean to kiss you. If you feel disgusted about it, just tell me. I'll make a way to distance myself from you..." agad akong naglakad patungo sa elevator matapos kong sabihin yun.

"Wait.." akma akong hahakbang nung magsalita sya. Nag-aalangan man ay nakuha ko pa ring humarap sa kanya.

"Bakit po?" Nakayukong tanong ko.

"I'm not disgusted about it.." he simply said.

Inangat ko ang mukha ko kaya nagtama ang mga mata namin. Tumayo sya mula sa kinauupuan nya bago dahan-dahang lumapit sakin. Nagtataka man ay di na'ko kumilos pa at hinintay na lang sya.

Nung marating nya ang harapan ko ay bahagya akong nailang. Pano ba naman ay napakalapit nya sakin at di ko alam ang gagawin. Baka mamaya ay may katangahan na naman akong magawa.

Ayoko ng madagdagan ang mga nakakahiyang bagay na sumalubong sa unang araw ko sa opisina.

"I actually liked it.." bulong nya habang nakatitig sakin.

"Ano?!" Gulat kong tanong na agad ko ring binawi dahil nagmukha akong walang galang.

"P-Pasensya na po.." paghingi kong paumanhin.

"You heard it right, Mr. Kim. I liked the kiss.." di mawala-wala ang ngisi nya na nagpalunok sakin.

"G-Ganun po ba?" Sa totoo lang ay wala akong masabi. Baka mamaya ay ma-offend sya o mainis kapag may sinabi akong hindi maganda o di kaaya-aya.

Tumangu-tango sya bago ilapit ang mukha nya sakin. Inatras ko naman ang ulo ko dahil sa gulat. Balak nya ba'kong halikan? Mas lumaki ang ngisi nya dahil sa inasta ko.

"Cute.." he whispered out of nowhere while scanning my face.

"Thanks.." kabado kong sagot

"Okay, okay. I'll stop teasing you. Go, fix your things on your own office.." yun lang at tinalikuran na nya ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung naisipan nyang lumayo. Mabuti naman dahil di ko na alam ang magagawa ko kung nagtagal pa sya.

"S-Sige po, salamat po.." mabilis kong nilisan ang floor na yun at bumaba sa sarili kong opisina.

Fuck. Did I just saw my boss's playboy part?

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon