《12》DAY-OFF?

934 30 1
                                    

Kim Taehyung's POV

"Buti naman at naisipan mo pang magpakita sa amin, Secretary Kim Taehyung?" Nakasimangot na sabi ni Jimin habang naka-cross arms lang naman si Seokjin sa tabi nito.

"Sorry na nga, diba? Naging abala lang talaga ko sa kumpanya.." paghinging-paumanhin ko sa mga ito pero ganun pa rin ang mukha ni Jimin, halatang di nagustuhan ang halos isang buwan kong di pagpapakita.

"Sa tingin mo ba ay may kapatawaran pa yang--"

"Manahimik ka na nga, Jimin. Lalamig yung kaka-bake lang na cookies.." sabi ni Seokjin matapos takpan ang bibig ni Jimin na balak pa yatang magdrama.

Tiningnan ako ni Seokjin kaya nag-aalangan akong ngumiti. Nginitian nya rin ako pabalik habang si Jimin ay halos patayin na sa tingin si Seokjin.

"Naku, Taehyung. Di mo alam kung gaano ka na-miss ng mga cookies at cup cakes ko..." pinakawalan nito si Jimin bago ako hilahin papasok ng apartment nya. "Sobra kang namiss ng mga cookies na gawa ko. Puro si Jimin ang umuubos.." sabi nito habang naglakad kami palapit sa mesa.

"Di ka ba galit sakin? I mean, si Jimin halos sipain na'ko paalis pero ikaw--"

"Wag mong isipin yang si Jimin. Namiss ka lang nyan kaya ganyan yan kung umarte. Alam mo bang habang wala ka ay halos yakapin na nya lahat ng mga ginagamit mo dito? Gaya ng unan, kumot, mga damit mo. Kunwari lang yan--"

"Seokjin, wag mo ngang sabihin yan. Di ko sya namiss noh!" Biglang pasok ni Jimin sa pinto ng apartment. Nakaiwas pa ito ng tingin habang naka-cross arms. Nginisihan ako ni Seokjin bago kindatan.

"Deh, wag. Kulang na nga lang ay iuwi mo ang mga gamit ni Taehyung na nandito. Ganun ba yung hindi namiss? Naglulupasay ka pa nga dyan kapag di tumatawag si Taehyung satin.." nakairap na sabi ni Seokjin pero nagmatigas pa rin si Jimin.

Matigas talaga ang ulo ng isang to. Sabagay, matagal na rin nung huli ko silang makita at makausap. Masyado akong naging abala sa nga gawain sa kumpanya, abala kay Mr. Jeon at pati na sa paglikom ng pera para sa napakalaking utang ko.

"Ano ba, Seokjin?! Wag mo ngang paasahin yan. Di ko sya namiss!" Matapang pa ring pahayag ni Jimin bago ako irapan. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil mukhang gusto nya lang na lambingin ko sya.

"Park Jiminie~~~" pagtawag ko sa kanya habang tumatayo mula sa mesa. Hindi nya ko nilingon na mas nagpangiti sakin.

"Jiminie~~" pag-uulit ko pa kaya asar na asar na lumingon sya sakin.

"Bakit ka ba paulit-ulit sa pagtawag eh nandito lang naman ako?" Asar na sabi nito kaya nakangiti ko syang hinila at niyakap.

"T-Taehyung---"

"Gusto mo lang malambing kaya ka nag-iinarte eh" bulong ko habang nakayakap sa kanya.

"Hindi, ah! Sino nagsabing nag-iinarte ako--"

"Park Jimin, wag ako, okay? Kilalang-kilala na kita. Hindi ito ang unang beses na nag-inarte ka ng ganyan. Naaalala mo nung high school tayo? Nung hindi mo'ko mahanap pero nasa library lang pala ko at natutulog? Dalawang araw mo'kong hindi pinansin non. Tingnan mo kung gaano ka ka-childish.." natatawa kong kwento

"Nakakaasar ka kasi. Ano naman yung isang tawag sa isang araw diba? Komo malayo ang kumpanyang pinapasukan mo ay nalilimutan mo na kami" reklamo nito kaya humiwalay ako ng yakap at tiningnan sya.

"Kung nakalimutan ko kayo, wala sana ako dito ngayon." Nakangiti kong sabi bago sya hilahin patungo sa mesa. Sakto namang naayos na ni Seokjin ang merienda namin.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon