《28》LISA MANOBAN

703 31 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Gukkie, Miss Lisa will be here at 10AM---"

"Oh, about that. Please, reserve a table at VHR." Pagputol nya sa sinasabi ko na kinatigil ko.  Napatitig sya sakin nung di ako gumalaw.

"Why? Is there any problem?" Tanong nya na nagpabalik sakin sa riyalidad. Agad akong umiling bago ngumiti sa kanya.

"I'll just call, VHR, Mr. Jeon" paalam ko bago tuluyang umalis sa harapan nya.

"Wait, you forgot to tell me my schedules for today.." maski ako ay napatigil nung maalala yun. Napapikit ako ng mariin bago kalmahin ang sarili ko.

Humarap ako sa kanya pero di na'ko lumapit pa sa table nya.

"Uhm. After your schedule with Miss Lisa you need to attend the family dinner that Mr. Hoseok prepared. The venue is--"

"No. Don't say it. I won't come--"

"Pero Gukkie--"

"I won't, Mr. Kim."

"Gukkie, si Mr. Hoseok ang nag-prepare--"

"I SAID I WON'T FUCKIN GO! DON'T YOU HEAR THAT?! DO I NEED TO REPEAT IT COUNTLESS TIMES?!" bulyaw nya sa 'kin matapos ipalo ang kamay nya sa mesa. Napaatras ako at halos mabitiwan ang notes ko dahil dun. Nag-iwas ako ng tingin.

"I-I'm sorry. That's y-your schedule for today. I'll leave now." Nagmamadali kong bulong bago tumalikod. Halos takbuhin ko na ang elevator sa takot.

"B-Baby..w-wait. Damn it" he whispered. Agad nyang hinablot ang braso ko at hinila ako paharap sa kanya. Nagyuko ako agad ng ulo dahil ramdam ko ang sandaling pamamasa ng mga mata ko.

Damn, it's been so long after he shouted at me like that and it happened again.

"B-Baby. Don't leave" bulong nya habang pilit na inaangat ang mukha ko.

"It's fine, Mr. Jeon. Tatawag lang po ako sa VHR" mabilis kong kinalas ang pagkakahawak nya sakin at agad na naglakad patungo sa elevator.

Di nya kailangang magpaliwanag o humingi ng tawad dahil empleyado nya 'ko. Parang maling tingnan na humihingi sya ng tawad gayong mas mataas sya sakin. Isa pa'y kasalanan ko rin naman dahil pinagpipilitan ko yung bagay na ayaw nya.

Nung marating ko ang sarili kong opisina ay agad kong binaba ang notes ko at kinuha ang phone ko. Mag-aalas-nuwebe na kaya umaasa akong meron pang vacant sa VHR lalo na't parating puno ito.

Napatigil ako nung saktong ida-dial ko na ang number ng VHR ay tumawag si Mr. Jeon. Natulala ako sa screen ng ilang minuto bago sagutin yun.

"Baby, I know you're mad. Come here and let's talk.." pagpupumilit pa rin nito kaya napabuntonghininga na lang ako.

"Mr. Jeon, hindi po ako galit. Okay lang po sakin yun. Pinipilit ko po kayo sa bagay na gusto nyo at alam kong yun ang mali. Wala po kayong kasalanan, wag na po kayong ma-guilty. Nga po pala, nasa mesa nyo na po ang mga dokumentong pinabibigay ni Namjoon para sa approval. Ibaba ko na po ito" agad kong pinatay ang tawag at di na sya hinintay pang sumagot.

Napasandal na lang ako sa mesa habang nakatitig sa phone ko. Parang ang bastos ko naman sa ginawa kong iyon.

To: Gukkie

Mr. Jeon, wag na po kayong mag-alala. Pasensya na po kung binaba ko agad ang tawag. Mag-aalas-nuwebe na po kasi at kailangan ko ng tumawag sa VHR para sa reservation. Baka maubusan po tayo..

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon