《19》ARKIN JEON

840 31 1
                                    

Kim Taehyung's POV

"Sir Jeon." Natulos ako sa kinatatayuan ko nung makita ang pagpasok ng ama ni Mr. Jeon sa kumpanya. Nakasunod sa kanya ang mga tauhan nya pero meron ding naiwan sa labas. Nagsipagyukuan kaming lahat upang magbigay galang.

"Mr. Kim, where's my son?" Agad kong inangat ang tingin ko nung huminto sya sa harapan ko. Nakita ko ang nagtitimping galit sa mga mata nya kaya napalunok ako.

"Good morning p-po, Sir Jeon.  N-Nasa taas po sya, sa opisina nya po.." sabi ko kaya napatango sya. Nagtaka pa'ko nung magtagal sya sa harapan ko na para bang sinusuri ang buong mukha ko.

"Mr. Kim, may alam ka ba sa nangyaring gulo sa pagitan ni Mr. Alazar at ng anak ko?" Napalunok ako at bahagyang napaatras dahil sa tanong nya.

"Sir Jeon.."

"Nalaman ko mula sa isa kong tauhan na pinutol ng anak ko ang mga koneksyon nya kay Mr. Alazar dahil sa isang problema. Di ko malaman kung bakit nya nagawa yun samantalang napakalaking tulong ang magagawa ni Mr. Alazar. Another thing is, Mr. Alazar is my friend, one of my closest friend.." di ko alam pero parang may alam na sya sa nangyayari.  Gusto nya bang marinig ang panig ko?

"Sir Jeon, ang totoo po nyan ay---"

"Dad.." napalingon kami sa tumawag sa kanya. Nakita ko ang marahang paglapit sa amin ni Mr. Jeon. Agad nya kong hinila patungo sa likod nya at bumaling sa ama nya.

"Jungkook, I'm talking to your secretary.." seryoso ang tono ni Sir Jeon pero di nagpatinag si Mr. Jeon.

"He knows nothing. Just ask me what you want to know.." seryoso ring sagot ni Mr. Jeon.

"Let's go to my office, Dad. Let's talk there." Di naman na nagsalita si Sir Jeon at nauna ng maglakad. Lalampasan na sana ko ni Mr. Jeon pero hinawakan ko ang tela ng coat nya. Napalingon sya sakin kaya napahinga ako ng malalim

"M-Mr. Jeon, mapapagalitan ka na naman ba?"
Tanong ko. Napaiwas sya ng tingin na para bang wala syang balak na sagutin ang tanong ko.

"Everything's going to be fine. We'll just talk.." sagot nito kaya wala akong nagawa kundi ang pakawalan sya. Naglakad na sya palayo habang nakatingin lang ako sa kanya.

Bakit ganun? Bakit parang pakiramdam ko ay lagi akong naghahatid ng problema sa kanya? Mula kay Mr. Agustus, hanggang sa mga issue na lumabas pati na kay Mr. Alazar.

"Tae.." nilingon ko si Namjoon na biglang sumulpot sa tabi ko. Nagpatuloy na pala ang lahat sa ginagawa samantalang ako ay nandun pa rin at nakatayo.

"Namjoon. Mapapagalitan na naman sya diba?" Tanong ko. Hinawakan nya ang balikat ko bago iyon mahinang tinapik.

"Sa tingin ko'y oo pero Tae, hayaan mong sila na lang dalawa ang mag-usap. Baka ikapahamak mo pa ang pagpigil mo sa kanila. Alam kong damay ka sa nangyari dahil ipinagtanggol ka lang ni Mr. Jeon. Maiintindihan naman siguro ni Sir Jeon iyon. Hintayin na lang natin ang mangyayari.." paliwanag nito sakin.

Di ko alam. Di ko alam kung kaya kong maghintay. Yung tatayo lang ako dito, magpapalakad-lakad at maghihintay na matapos ang nangyayari sa taas? Kaya ko ba? Lalo na't nasa isip ko pa rin hanggang ngayon ang huling 'pag-uusap' ng mag-ama.

"Pero N-Namjoon.."

"Alam kong nag-aalala ka pero kailangang harapin ni Mr. Jeon ang kapalit ng desisyong ginawa nya. Kailangan nyang harapin ang galit ng ama nya.." paliwanag muli nito.

"Baka mas malala pa ang magawa ni Sir Jeon sa kanya. Wala bang ibang makakapigil kay Sir Jeon? Kung bawal akong pumigil, hahanap ako ng iba. Magsabi ka ng kahit na sino, please, Namjoon.."

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon