《04》JEON'S TEN COMMANDMENTS

944 36 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"What?!" Halata ang saya at gulat sa tono ni Namjoon nung makalabas ako ng room. Katatapos lang akong interviewhin ng pinakamataas pangalawa kay Mr. Jeon. Matapos nyang usisain lahat ng background ko at pati ang hitsura ko ay agad nyang sinabing tanggap na'ko.

"Wow. I can't believe this. Ms. Lee is so strict when it comes to the employees especially for Mr. Jeon's secretary, but still, wow. You tamed her, you're amazing" nakangiting sabi nito bago guluhin ang buhok ko.

"Sabi sayo, magtiwala ka sakin eh" nakangiti kong sabi na tinanguan nya.

"Kelan ka daw magsisimula?" Tanong ni Namjoon.

"Uhm, bukas daw" sagot ko na kinangiti nya.

"Thank you for saving me from Mr. Jeon, Taehyung" nakangiti nyang sabi habang naglalakad kami patungo sa elevator.

"Walang anuman, Namjoon. Gusto ko lang na maienjoy mo yung trabahong pinunta mo dito" sabi ko na mas kinalaki ng ngiti nya. Huminto kami sa harap ng elevator saktong bumukas iyon.

Napaatras si Namjoon nung makita ang lalaking nasa harapan namin. Nakapamulsa pa ito sa slacks na suot nito habang kunut-noong nakatingin samin. Matapos nitong titigan si Namjoon ay sakin naman dumapo ang mga mata nya.

S-Siya?

Halata ring kinikilala nya ko kaya napalunok ako.  Agad na nag-bow si Namjoon kaya nagtataka ko syang tiningnan. Bakit naman kaya sya nagba-bow sa harap nitong lalaking ito?

"Mind to give me some respect?" Madiin at malamig na tanong ni Mr. Dimonyo kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot-noo. Sya yung lalaking nasa kotse kanina, yung bumusina sa likuran ko at sinungitan ako ng sobra.

"Huh? Bakit?" Tanong ko na kinaigting ng panga nya. Humakbang sya palabas ng elevator at palapit sakin kaya napaatras ako. Nakayuko pa rin si Namjoon at mukhang takot syang sumalungat sa lalaki na'to.

T-Teka, si Mr. Jeon ba'to?

Nanlilisik ang mga matang hinila nya ang necktie ko na kinaatras ng ulo ko. Sobrang lapit nya sakin na halos amoy na amoy ko na ang mabango nyang hininga. Di ko alam kung ilang beses na'kong napalunok lalo na nung matitigan ko pa ang mga mata nya.

"You're entering a company without knowing the owner's name?" He dangerously asked. I closed my eyes when I realized that he's the guy that Namjoon was so scared of. I hold his hand on my necktie when he tightens it.

"I-I'm sorry, Mr. Jeon--"

Naputol ang sasabihin ko nung mamuo ang ngisi sa labi nya. Mas hinila nya pa'ko na halos magdikit na ang dulo ng mga ilong namin.

"What's your position here?" Nakangisi nyang tanong habang nilalaro ang necktie ko sa kamay nya.

"Y-Your new secretary, Mr. Jeon" hiyang-hiya kong bulong.

"Great. I didn't know that the guy I met this lunch would be my new secretary. Hmm, you're also having that decent look that I wanted in my secretary. Namjoon and Ji Eun really knew my type.." he huskily whispered. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Tinulak nya ko palayo sa kanya saka na'ko nilampasan.

"Next time that you'll forget to respect and address me as your boss, I'll do something that you'll never like" paalala pa nito habang naglalakad palayo. Nanatili akong nakatayo at namumula sa pangalawa naming pagkikita ng lalaking dahilan ng mga pangyayaring ito sa buhay ko.

"Taehyung, are you okay?" Tanong sakin ni Namjoon na nasa harapan ko na pala. Ngumiti naman ako sa kanya matapos luwagan ang necktie ko. Sandali akong lumingon sa nilakarang hallway ni Mr. Jeon bago nakahinga ng maluwag.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon