《40》PAINFUL TRUTH

804 30 1
                                    

Third Person's POV

"Young Master--"

"Where's your boss?" Agad na tanong ni Jungkook sa butler ng pamilya nya. Halata ang gulat at takot sa mga mata nito.

"N-Nasa library po nya, Young Mas--" di na tinapos pa ni Jungkook ang sinasabi nito. Agad syang tumalikod at naglakad papasok ng mansyon nila. Ilang buwan na nga ba syang di umuuwi rito? Parang hindi na nga sya isa sa nag-mamay-ari nito dahil halos sa condo nya na sya namamalagi.

Mabilis ang naging hakbang nya paakyat sa grand staircase. Lahat ng nasasalubong nya ay yumuyuko at binabati sya pero wala dun ang isip nya. Naglalaro sa utak nya ang pagkamatay ng mga magulang ni Taehyung. Bakit hindi nya alam ang dahilan ng mga ito? Bakit di nya inalam?

Malakas ang naging pagtulak nya sa pinto kaya napatingin sa kanya ang ama na may kausap sa phone. Agad nitong pinatay ang tawag at binalingan sya muli.

"Learn to knock before entering--"

"Dad.." naputol ang sasabihin ni Arkin nung magsalita si Jungkook. Marahan ang bawat hakbang ni Jungkook palapit sa ama.

"Dad, alam mo ba kung pano namatay sina Mr. Vince at Mrs. Eave Kim?" Tanong ni Jungkook na kinataka ni Arkin. "Of course, I knew.." napakuyom ang kamao ni Jungkook habang nakatitig sa ama.

"Ano ang kinamatay nila?" Tanong ni Jungkook. "Eave died because of illness and Vince died because of car accident. According to the police, Vince suicide because of so much worries and problems added his wife's death..' paliwanag pa nito na para bang wala lang dito ang bagay na yun. Nag-igting ang panga ni Jungkook.

"Bakit di mo'to sinabi sakin non?" Tanong muli ni Jungkook. "Bakit pa? Ano bang alam mo nun? Bata ka lang at di mo rin maiintindihan--"

"Alam mo ba na dahil sa hindi mo pagsabi sakin nyan ay lumaki ang galit ko sa mga Kim?! Pinabagsak ko lahat ng kumpanya at businesses nila! Pinahanap ko ang nag-iisang anak ni Vince Kim para pagbayarin sa lahat ng ginawa ng ama nya! Hindi ko man alam na sa bata nya palang edad ay nawalan sya ng mga magulang dahil satin! Bakit di mo sinabi?!" Galit na galit si Jungkook kaya napatayo ang ama nya.

"Para ano?! Para mawala ang galit mo sa kanila?! Your Mom died because of them! Dapat lang na magbayad sila kapalit ng mga buhay nila! Ano naman kung namatay si Eave dahil sa sakit?! Kasalanan pa ba natin yun?!--'

"Oo, Dad! Oo! Kasalanan natin yun!wag ka ng magbulagbulagan!" Sigaw ni Jungkook matapos ibagsak ang kamay nya sa mesa ni Arkin. "Dahil sa panggigipit natin sa kanila, dahil sa panggigipit nyo sa kanila ay nawalan ng pambayad si Vince sa ospital! Hindi naagapan ang asawa nya kaya namatay! Kung hindi natin sila ginipit, kung natuto tayong maghintay! Baka buhay pa si Eave---"

"Ano ba Jeon Jungkook?! Namatay ang Mom mo dahil sa kanila! Dahil sa kapabayaan nila! Nasaan na ang galit mo?!nasaan na ang pangako mong maghihiganti ka!---"

"Dad, sa nangyari pa lang sa mag-asawang Kim ay bayad na bayad na sila. Sobra pa nga! Hindi na dapat natin dinamay si Taehyung! Bakit ba di mo'ko pinigilan?!" Halos maiyak na si Jungkook sa mga nalalaman nya. Hindi sya makapaniwala na naging demonyo sya na hindi inaalam ang bawat maliliit na detalye. Sumobra nga sya.

Napatigil ang diskusyon ng dalawa nung tumunog ang phone ni Arkin kasunod ang phone ni Jungkook. Nanghihinang kinuha iyon ni Jungkook.

Namjoon calling...

"What is it?" Tanong ni Jungkook sa kabilang linya. Nagtaka pa sya dahil sa ingay sa paligid.

"M-Mr. Jeon, s-si Taehyung...n-naaksidente si Taehyung--" nabitiwan ni Jungkook ang phone saktong nakita nya ang tagumpay na ngiti ni Arkin. Parang naging slowmo pa ang pagbuka ng bibig nito habang sinasabi ang "Good job.."

"DAD?!" nilingon sya ni Arkin matapos patayin ang tawag.

"M-May kinalaman ka ba dito---"

"Oo. Masyado ka kasing mahina." Di makapaniwalang napaatras si Jungkook.

"Dad, sobra na'to! Ano ba?! Bakit kailangan mo pa syang pa-hit and run?! Hindi mo kailangang pumatay para sa hustisya! Sumosobra ka na!!" Umiiyak na sigaw ni Jungkook pero di sya pinansin ni Arkin.

"That's what they deserve. Nabubulag ka lang ng pagmamahal mo sa lalaking yun. Akala mo ba ay di ko alam ang mga kalokohan mo? Akala mo ba di ko alam na minamahal mo ang lalaking iyon? Ang anak ng taong dahilan ng pagkawala ng Mom mo sa'tin?!" Bulyaw sa kanya ng ama pero di sya nagpatinag.

"Nabubulag ka rin ng pagmamahal mo kay Mom.." nawala ang pangungunot ng noo ni Arkin at napatitig sa mukha ni Jungkook. "Nabubulag ka sa pagmamahal mo, Dad. Mula nung mamatay si Mom ay naging demonyo ka na, pinapalaki mo rin akong demonyo. Pinamukha mo sakin na kasalanan ko kaya humanap rin ako ng taong sisihin sa pagkamatay ni Mom. At sino? Sino nga bang sisisihin ko kundi ang Kim Clan? Dad, s-sumosobra na tayo. Sobra na'to. Kung nakikita ni Mom lahat ng to ay di nya magugustuhan ang ginagawa natin..." napayuko si Jungkook

"Dad, nasaktan ka, nasaktan ako nung mawala si Mom dahil mahal natin sya pero...n-ngayon kung kukunin mo sakin si Taehyung,  panibagong sakit na naman ang haharapin ko. Nabuhay ako na puro dilim lang ang nakikita, si Taehyung lang ang laging nandyan para sakin, para saluhin ako kapag binabagsak mo'ko, Dad. A-Ayoko syang m-mawala. Nabulag ako ng galit na hindi ko naman dapat maramdaman.." humihikbing bulong ni Jungkook.

Hindi mawari ni Arkin pero di nya magawang hawakan o yakapin man lang ang anak. Alam nyang sobra nya itong masasaktan pero pinatuloy nya pa rin ang plano nya. Tunay na nawalan na sya ng puso mula nung mamatay si Desiree.

"Kasi..Dad, ako, meron pang natitira sakin kahit papano. Nandyan ka pa, nandyan pa sila Hoseok, pero si Taehyung? Anong meron sya? Wala na syang mga magulang, wala syang pamilya, kaibigan na lang ang meron sya. D-Dad, tama na.." matapos niyon ay agad na tumalikod si Jungkook at umiiyak na tinungo ang pinto.

Napaupo si Arkin sa swivel chair nya bago napapikit. Mula nung mamatay ang asawa nya ay tuluyan ng lumayo ang loob ng anak nya sa kanya. Ngayon, sa ginawa nya, sigurado syang hindi na sya babalikan pa nito. Sigurado syang hindi na sya nito kikilalanin pang ama.

Tingin ko, sumobra nga ako...

To be continued...

Last 5 chapters T-T
Thank you for supporting this story.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon