《35》PAST

663 24 0
                                    


Third Person's POV

"Mom. Mom. Look" sabi ng batang si Jungkook habang pinapakita ang napili nyang laruan sa ina. Ngumiti naman ang ginang bago bahagyang guluhin ang buhok ni Jungkook. Napangiti na lamang si Jungkook lalo na nung bumaba pa ang kamay ng ginang sa pisngi nya.

"Bakit ang cute ng anak ko?" Nakangiting tanong ng ginang na kinangiti ni Jungkook. Yumakap sya sa bewang ng ginang bago iangat ang mukha nya dito.

"Mom, I love you.." agarang napangiti ang ginang dahil sa pinapakitang sweetness ng anak. Lumuhod ang ginang bago hawakan ang magkabilang balikat ni Jungkook. "Mom loves you, too" nakangiti nitong sagot bago halikan ang noo ng anak.

"Ano na nga ulit ang napili mo?" Nakangiti nitong tanong bago kunin sa kamay ni Jungkook ang napili nitong laruan. "Ironman, Mom" sagot ni Jungkook habang nakatitig sa laruan.

"Eto lang? Wala ka nang ibang gusto?" Tanong ng ginang kaya napatingin si Jungkook sa mga laruang nasa harap nya. Umiling lang sya bago hawakan ang kamay ng ginang. "Okay, mukhang wala ng ibang gusto ang Kookie ko bukod sa ironman nya" nakangiting sabi ng ginang bago hilahin si Jungkook patungo sa cashier.

Matapos nilang mabayaran yun ay naglakad na sila palabas ng mall. Ngayon lang sila muli nakapamasyal na mag-ina dahil ngayon lang hindi busy ang ginang. Karaniwan ay abala ito sa pagpapatakbo ng kumpanya nila sa Pilipinas. Ang ama ni Jungkook ay parating nasa ibang bansa para um-attend ng mga conference at meetings internationally.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ng ginang habang hawak ang kamay ni Jungkook. Sa isang kamay ni Jungkook ay yakap nya ang laruan nyang Ironman.

"Gusto ko ng ice cream, Mom.." sabi ni Jungkook sabay turo sa isang ice cream vendor. Nais sana nang ginang na ipasok na lang muli si Jungkook sa mall para dun ito ibili pero mukhang malinis naman ang ice cream na itinitinda sa parke.

"Chocolate Flavor po at Vanilla" sabi ng Ginang habang si Jungkook naman ay nagniningning na halos ang mata sa pagtingin pa lang sa ice cream na inaayos ng lalaki.

"Heto po, mam" inabot ng lalaki ang chocolate ice cream sa ginang. Inabot ito ng ginang kay Jungkook. Nakangiting kinuha ito ni Jungkook at agad na kinain. Muli ay napangiti ang ginang sa nakikita. Natutuwa sya sa nakikitang saya sa mukha ni Jungkook. Matapos makuha ang vanilla ice cream ay umalis na sila dun.

"Mag-aalas-sais na pala, Kookie ko. May iba ka pa bang gustong puntahan?" Tanong ng ginang habang nakaupo sila sa bench sa isang parke. Halos wala ng tao sa parke na yun at bilang na bilang na lang ang mga nagtitinda.

"Wala na, Mom. Sobrang saya ng araw na'to" sabi ni Jungkook bago yakapin ang ina. "Thank you, Mommy." Muli nyang bulong. "Para kay Kookie, gagawin ni Mommy lahat" sabi ng ginang bago kurutin ang ilong ni Jungkook na napahagikgik na lang.

"Umuwi na tayo, baka pagod ka na. Puntahan lang natin yung pinagparking-an ko ng kotse" sabi ng ginang bago muling hawakan ang kamay ni Jungkook. Nakatingala si Jungkook at tinititigan ang mukha ng Mom nya.

"May problema ba, anak?" Tanong ng ginang nung mapansin ang pagtitig ni Jungkook. "Wala po, Mom. I love you" nagtataka man sa kalambingan ng anak ay muli nya na lang itong nginitian.."I love you,too, Kookie.." bulong ng ginang.

Nagpatuloy sila sa paglalakad sa mahabang hallway ng parke. Malapit kasi sa mall nagpark ang ginang dahil nga dun sila nagsimulang mamasyal. Napalayo lang dahil sa kagustuhan ni Jungkook na maglakad-lakad.

Taming The Demonic C.E.O. (TaeKook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon